Chapter 22: Ghost?

98 26 5
                                    

Alexander's POV

The next day, it went like it's normal again without Sapphire. We searched her over and over but still couldn't even a soul. We felt lost as we went home last night because of tiredness and loss of hope.

We still searched for her after class this afternoon, but this time we are in one car, sitting and continuing searching for her. We still hope that she's wandering around. Mawawalan na sana kami ng pag-asa sa paghahanap nang biglang bumasag si Chester sa kanilang katahimikan.

"Sky, Hunter, LJ." Tawag sa kanila ni Chester na hindi man sila tiningnan dahil nakatingin ito sa dinaraanan.

Napatingin naman ang tatlo sa kanya at naghihintay sa kung ano ang sasabihin. "Hack some CCTV footages on every street even hotels, retaurants and malls to find her, now."

Dahil sa ma-awtoridad niyang boses ay biglang nagsikilosan na ang tatlo at abala na sa pagtipa ng cellphone at laptop na dala-dala nila parati kahit saan.

Ang mga nawalan ng pag-asa at pagod naming nararamdaman ay biglang nawala, bigla nalang gumaan ito noong nakahanap pa sila ng ibang magagawa para hanapin si Sappy.

"Any news?" tanong ni Chester habang nililiko ang sasakyan papuntang isang mamahaling restaurant.

"We're still working on it," ani Sky na malilikot ang mata at tumitipa ng mabilis sa kanyang laptop. Nang sinilip ko ang screen ng laptop niya ang daming cctv footages ang kaniyang tinitingnan sabay-sabay at nagpatong-patong na.

Napatingin kami kay Hunter na nasa isang laptop at radio system din, nakaheadset ito kaya hindi narinig ang tanong ni Chester. Sa tingin ko ay hinahanap niya ang signal ng telepono si Sapphire dahil paniguradong nasa kanya ang cellphone niya bago umalis sa bahay.

Napatingin kami kay LJ na may katawagan at seryoso'ng nakikipag-usap sa kabilang linya. It's rare to see him this serious. I thought all he can do is, be childish.

"Hey, can you do a favor me?" tanong niya sa kabilang linya at dahil hindi naka loud-speaker ay nakikinig nalang kaming lahat sa sinasabi ni LJ.

"Find Sapphire Takahashi and call me if you find her." Napatahimik siya saglit at bumuntong hininga, parang nakikinig siya sa sinasabi ng kausap.

"I know, I know, but help us. She's missing for days. Just find her, and I'll give you that car you wanted."

"I meant it. No, no, I'm telling the truth." Halatang naiirita ito sa kausap tila hindi naniniwala sa kaniyang sinasabi.

"It's a deal then, call me if you find her." Akala namin tapos na ang kanilang pag-uusap nang bigla'ng nagsalita si LJ sa telepono na mahigpit ang pagkakahawak sa kaniyang hawak na telepono at nandidilim ang kaniyang mukha.

"Find. Her. By. Hook. Or. Crook." Bigla siyang nangunot ng ulo pero nawala kalaunan nu'ng naibaba na niya ang telepono at isinilid sa kaniyang bulsa ng pantalon.

"What can we do, Chester?" biglang tanong ni Blash na komportableng nakasandig sa kaniyang kinauupuan at nakapalumbaba pa habang nakatingin kay Chester na seryosong-seryoso sa pagmamaneho at pabaling-baling sa kaliwa't kanan, hinahanap si Sappy.

"Nothing," bored niyang tugon at nagppatuloy sa pagmamaneho pero hindi nagpaawat si Blash, gusto talaga niyang tumulong na ikinagulat namin ni Kir.

Napatingin kaming dalawa kay Blash na nasa tabi ng bintana at nakasandig ang ulo niya sa bintana, halatang nag-iisip pero nagpatuloy sa pagsasalita.

"I wanted to help," saad niya na nakapikit na ang mga mata habang ang ulo nito ay nakalapat pa din sa bintana at ang kaniyang siko na nakalagay sa may pinto saka ang nagsusuporta ng kaniyang ulo ay ang kaniyang kamay na nakakuyom.

Behind Her Mask (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon