Mean 35

1.5K 43 0
                                    

Mean 35: Priority

Lhierya's Point Of View

"I'm Sorry." Simpleng salita pero nakapanghina ng mga tuhod ko, kaya bigla ko na lang akong napasandal sa balikat niya.

"Baby..." mahina niyang sabi kaya mas lalo akong nanginig. Huminga muna ako ng malalim atsaka tumayo ng maayos at dire-diretsong naglakad palabas.

Narinig ko ang pagtawag niya sa akin ngunit hindi ko siya nilingon. Bakit ba nagkakaganito ako? Nakakaasar na.

"Lhierya" banggit ni Ezzytrice nang makalapit siya sa akin.

"Uwi na tayo."sabi ko sa kanya.

"Sige."

Tuluyan na kaming lumabas kahit hindi pa nakakapagpaalam sa kanila Misha, iti-text ko na lang siya.

Nang dumating ang kotse ni Ezzytrice agad kaming sumakay sa back seat at doon ako sinimulang tanungin ni Ezzytrice.

"Anong drama nung kanina?"tanong niya.

Tinignan ko siya, i know by just look in my eyes alam niya kung ano. Niyakap niya ko.

"Lhierya..."malungkot niyang sinabi.

"Ganun ba talaga yun? Kapag nasaktan ka na nung unang beses, natatakot ka nang ma attach ulit sa taong gusto mo. I have this fear that every person i started to like is going to break my heart." Sagot ko sa kanya.

Nagulat ako ng bahagya niya kong hinampas. Kainis ha. Akala ko iko-comfort niya ko.

"Eh wala ka pala Lhierya eh! Bakit ka mag-iinarte at magfi-feeling na baka saktan ka lang ulit? Duwag ka pala eh. Remember sabi dito sa Twitter Heartbreaks must make you stronger, Duh." Sabi niya sabay inirapan pa ko. Napangiwi na lang ako.

"Tsaka ito pa kung noon niloko ka lang ng mga lalaking minahal mo, ibahin mo nung ngayon, hindi naman lahat ng lalaki pare-parehong manloloko."sabi pa niya.

Napatikhim na lang ako at sumandal habang nakatingin sa labas.

I reminisce when i used to love a man so true, nung tipong sa kanya umiikot ang buhay and willing akong ibigay sa kanya lahat, bulag ako sa pananaw ng love na parang fairytale, na may unicorns at pegacorns without even knowing na may witch nga pala, na bawat rosas ay may tinik pala, na hindi perfect ang lahat.

Hindi lang pala ako ang babae sa buhay niya, isa pala ako sa mga babae niya. Dahil tanga ako noon, i beg na wag niya kong hiwalayan wala akong pake noon kahit ilan pa kami,basta ang alam ko noon ayaw ko siyang mawala but unluckily pinahiya niya ko sa lahat nung araw na makikipagbreak siya sa akin, sinabi niyang desperada ako at mapilit sa kanya, i was crying that time nang dumating ang tinuring kong Knight ko na bandang huli linoko din ako at pinagpalit sa ibang babae. Tragic, right? Wala na atang natira sa akin, maging yang famous pride na yan , wala na.

That's why i become some sort pf sulutera, for me kung miserable ako ganun din ang iba dapat. Yes, i'm selfish.

Until this freak Ervin come, within just a short time unti unti akong naniniwala na may fairytale pa rin akala ko yun na pero wala eh. Wala pa ngang Once Upon a time, the end na agad at masaklap hindi pa happy.

Isang tawag lang sa kanya ng Michelle na yun, iniwan na ko agad. Ang hirap kasi kapag lagi na lang hindi ikaw ang pinipili sa bandang huli. Nakakapagod.

The best feeling when loving someone is that you have that relationship that isn't perfect but you know by yourselves that no matter happen in the end both of you are still into each other.

Yung kahit mag-away pa kayo, basta walang third party, walang iba, loyal siya sayo. Then relationship will work.

Nang makauwi ako sa bahay at nakapag-ayos na bago ko pa maipikit ang mga mata ko, i receive a text message.

From: Ervin.

Good Night…

Napairap na lang ako sa kawalan at tuluyan ng natulog.

**

Kinabukasan nagising ako na parang may kausap si Manang sa baba. May bisita ba?

Nag-ayos muna ako ng sarili ko bago bumaba, nagugutom na rin ako eh.

Pagkababa ko amoy ko na agad ang nilulutong bacon at ham. Dumiretso ako sa kusina at laking gulat ko ng makita ko na lalaki ang nagluluto sa kusina. Kailan pa ko nagkaroon ng lalaking katulong?

"Ehem." Sabi ko kaya napatingin siya, pagkalingon niya sa akin, nginitian niya lang ako at saka sinabing..

"Good Morning Baby.." banggit niya sabay ngisi.

"Anong ginagawa mo dito?"tanong ko sa kanya habang kumukuha ng isang basong tubig.

"Masama na bang bisitahin ang asawa ko?"

Halos mabilaukan ako sa sinabi niya. Bahagya siyang humalakhak sa naging reaksyon ko.

"Ang cute mo." Sabi niya.

"Ewan ko sayo"

Pumunta na ko agad ng dining dahil mukhang ihahanda niya na ang pagkain. Ano bang ginagawa niya dito? Diba dapat nandun siya sa Michelle niya? Kainis. Baka nakukonsensya sa ginawa niya.

Asa pa ko na pumunta siya dito para sa akin talaga. I know kung may priority list man siya, nasa pinakadulo ako baka nga wala eh. Nakaka Frustrate naman oh.

Lumabas siya sabay lapag ng phone niya sa lamesa.

"Wait lang baby, di pa luto nung ham eh." Napatango na lang ako sa sinabi niya.

Napatingin ako sa phone niya na biglang nagvibrate at hindi ko sinasadyang tingnan  ang conversation sa text message.

From: Michelle

Are you kidding me? Nasa bahay ka ng Lhierya na yan? Gosh. Hahahahhaha ako pa niloko mo. Ang sabihin mo busy ka lang.

To: Michelle

Hindi ako busy Michelle mas priority ko lang talaga si Lhierya kaysa sayo.

From: Michelle

I hate you!

Napahalakhak ako ng bahagya at di napigilang replyan si Michelle sa phone ni Ervin.

To: Michelle

I hate you too...

Mean Girls In DisguiseOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz