Epilogue

3.1K 77 29
                                    

EPILOGUE.

Misha's Point Of View.

'Mishalyn Agroso was spotted slapping a girl on a bar last night, according to the people who saw what happened Misha, the drummer of an all girl band named Lionhearted was drunk and bla bla bla---'

I stopped reading the article and read some comments. Usual hati ang opinyon ng mga tao, may nagsasabing baka daw may dahilan naman daw kaya ko daw sinampal nung mga babae at may mga nagsasabi namang napatunayan daw na ako ay isang bitch at bla bla na puro paninira, puro hater nagsabi nun.

True, nanampal ako pero hindi dahil nakainom ako, what the fuck? Ni isang shot nga nung gabi na yun ay hindi ko ginawa.

Minamasahe ko ang sentido ko, kailangan kong kalmahin ang sarili dahil alam ko anytime tatawagan ako ng manager namin, this is so bad. Magsisimula na ang world tour namin next week, panigurado akong papagalitan ako nun.

Nag ring ang phone ko ma agad kong sinagot. It's Gwynette

"Hello Misha?"

"Hello."

"Oh My God Misha! It's all over the news! I'm so sorry! Kung hindi ako nagpadala ng init ng ulo sa babaeng yun ay hindi ka maiinis sa kanya at sasampalin siya. I'm really sorry!"

"Nah. It's alright. I don't regret anything. That bitch deserves my bitch slap. Don't be sorry. I can handle it."

It was true, wala akong pake kung may magalit sa akin, ang inaalala ko lang ay baka naapektuhan nito ang world tour namin ng mga kabanda ko.

It's been two years since naging member ako ng banda kasama sina Haryle, Ivanna, Elfair. All girl band kami, Lionhearted ang pangalan ng banda namin, noong una ay sa mga bar lang kami tumutugtog hanggang sa may nag-alok na maging manager namin si Manager Bernice, kaedad lang namin siya kaya madali lang din kaming nakitungo sa kanya, and nang dahil din sa kanya napasok kami sa entertaiment company, hanggang sa mga mall show na kami nagperform, nag guest sa mga TV shows and here World tour concert na.

Inayos ko na ang sarili ko, I  wear a black tank top and black pants and  black pumps. Nag make up din ako ng medyo dark and i made my eyes smoky, pagkalabas ko paparamdam ko sa kanila na kung gaano ako kawalang pake sa lumabas na balita tungkol sa akin.

It's true nanampal ako pero deserve  ng babaeng yun pagkatapos kong marinig ang mga salita galing sa kanya kung gaano niya minaliit kaming magkakaibigan. Pasalamat nga siya at si Gwynette at ako lang ang nakarinig. Paano pa kaya kung sila Ezzytrice ang nakarinig? Baka hindi lang sampal ang abutin niya.

Gunggong din kasi si Brix mag-gi girlfriend na nga lang ang pangit pa ng tabas ng dila. The heck? Pinagpalit niya si Gwynette sa ganung babae?

A minutes later nang makatanggap ako ng text galing kay Manager Bernice.

From: Mngr.Bernice

Holla! Misha! Hindi kita papagalitan dahil alam ko namang may dahilan kung bakit ka nanampal,pero kahit ganun kailangan mo pa din humarap sa press at ilabas ang side mo. Alam kong nakaayos ka na, kaya pumunta ka na dito. See yaaaaaa!

Napangiti na lang ako sa text ni Manager. I was expecting na magagalit siya for the first time pero hindi pa rin pala. I'm kinda dissapointed with that.

Naglakad na ko palabas ng condo ko, nag shades ako, mainit ako sa paningin ng mga tao ngayon eh.

Pumunta muna ako sa lobby, doon ako maghihintay sa magsusundo sa akin, since tinatamad akong mag drive ngayon.

It's been 2 years since kinasal si Nopphire kay Orick, nasa Unites States sila ngayon for a vacation kasama ang first born baby nilang si Santi. He's too cute!

Mean Girls In DisguiseWhere stories live. Discover now