Mean 5

5.5K 127 11
                                    

Mean 5: The Impostora


Gwynette Park's Point Of View


Peste! Letche! Bwisit! AISH! Gusto ko na makaalis dito! For sure kanina pa naiinip sa kahihintay sa akin sila Ezzytrice at Nopphire sa bar. Kainis naman kasi na Teacher ito eh!

"Wait lang talaga Gwynette ah,may kakausapin lang ako ,then right after i'll give you the copy ng script okay?" sabi ni Mrs.Dela Fuenta ,ang theater teacher namin. Letcheng yan! Ako na nga to na pumayag na ako ang magiging lead actress tapos paghihintayin pa ko!

"Araso! It's alright Ma'am, I'll wait." sagot ko with my sweet voice.

Papakilala muna ako habang naghihintay dyan sa letcheng teacher na yan, Im Gwynette Park! Half Korean! Hindi mahirap sa akin ang pagtatagalog at pag-i-english kasi since pagkabata ko naman sa pilipinas na ko lumaki.

Nagtataka ba kayo kung bakit ganyan ako umasta?

Yung tipong sa loob loob nung kademonyitahan tapos pagdating sa personal anghel-anghelan!

Eh sa ganyan ako eh!

Im a Two Faced Person!

Pagnakaharap ka mabait ako pero pag nakatalikod ka hindi mo aasahan na nung magandang anghel na nakaharap mo eh isa rin pa lang magandang demonyo.

Pero, well kahit two faced ako atleast sa dalawang yun pareho akong MAGANDA.

Ito advice para sa mga kagay kong two faced person na hindi naman mga kagandahan ito ah..

Okay lang maging ganyan kayo pero.. If you're going to be two faced make sure at least make one of them pretty.

Oh ayan! Pakitandaan ah!

5 minutes na kong naghihintay pero antagal pa din ng pesteng teacher na yun!

Naiinip na ko!

Nilibot-libot ko muna nung tingin and...

GOTCHA! Sa lahat ng nakita ko may naka-agaw pansin sa akin!

BALAT NG SAGING!

Hmmmm....

At sino naman nagtapon niyan sa gilid ng upuan dito sa theater room?

Walang good manner and right conduct, grabe.

Pero ,thank you na lang sa nagtapon niyan kasi may naisip ako...

At dahil inip na inip na ko sa kakahintay! Gagantihan ko tong teacher na to na pinaghintay ako. Tinapat ko yung balat ng saging doon sa pwesto kung saan hindi niya masyadong mapapansin pero madaanan niya.

After 6 minutes ayan na nakita ko na siyang papalapit sa akin...

Ayan na...

Sige lang! lapit lang my dearest pesteng teacher and ayan isang hakbang na lang...

SHOOT!

Na out of balance siya nang matapakan niya yung balat ng saging habang naglalakad, yan kasi pa heels-heels pa, at saka hindi pa tumitingin sa dinadaanan.

"Ayyyyyy!"sigaw ng teacher ko.

Eh syempre ,dahil ako naman itong si maganda! Okay to the rescue naman ako kahit ako naman talaga ang master mind kung bakit siya nadulas.

"OMG! Maam! Are you alright?" sabi ko nang may halong concern kuno pagkalapit ko sa kanya at tinulungan siyang tumayo.

"Aray! Tsk. Yeah i'm okay, sino ba kasing nagtapon ng balat ng saging dito? I swear pag nalaman ko kung sino humanda siya! "sabi niya nung pagkatayo niya.

"Anyway ,Gwynette here's the copy of the script just practice it na lang sa house nyo kung paano banggitin ang lines---aray ang sakit ng balakang ko"sabi niya.

"Araso ma'am! Okay I have to go na ma'am! Anneyong Hega Sayo!" sabi ko, pinabayaan ko na siya habang hawak hawak niya nung balakang niya, bahala siya tinulungan ko na siyang tumayo at pinaghintay pa niya ko. Siya na bahala magdala sa sarili niya sa clinic.

Naglalakad na ko sa corridor ng harangin ako ni UGH! Brix!

"Hi Brix!" bati ko with matching smile pa! letche ano nanaman kayang problema nito at paharang harang pa sa dinadaanan ko?

"Tigilan mo nga ko,hindi mo ko madadaan sa ganyan."sabi niya with a cold voice.

Kainis talaga! Ito nanaman po siya, nga pala siya si Brix cari ang ka-kumpetensya ko sa lahat ng bagay,kung hindi nyo naitatanong I'm one of dean's lister lagi akong pasok sa honor roll. I'll keep on working para maging top 1 ako ,kaya lang itong Brix na to lagi na lang akong kinakalaban! Bitter ata kasi! Bakit siya bitter? DUH! He's my Ex-Boyfriend! Ako ang nakipag-break sa kanya nun hindi dahil pangit siya o so whatever negative comments, he's almost perfect! Heartthrob! Kaya ako nakipag-break sa kanya with some reasons.

"Whatever! Anong hinaharang-harang mo dyan?!"tanong ko, buti na lang at wala masyadong student sa pwesto namin kung di mapipilitan akong magbait-baitan sa harap nitong peste na to.

"Alam kong ikaw ang may pakana kung bakit nadulas si Ma'am Dela Fuenta" walang emosyon niyang sabi.GREAT!

"How sure you are?" pagtataas ko ng left eyebrow ko sa kanya.

"Wala ng ibang gagawa nun, kundi ikaw lang." punong puno ng kasigaraduhan ang paratang niya sa akin.

"Wala kang proof."

"Nakita kita ,ikaw ang naglagay ng balat ng saging doon sa dadaanan ni Mrs. Dela Fuenta." Edi okay nakita naman pala niya, there's no reason to deny it anymore.

"Eh,pake mo ba? Ano naman kung ako naglagay? ano? Isusumbong mo ko? GO! pati yang walang kwentang bagay na yan sasabihin mo pa sa akin? Your wasting my time! Just get lost! and try do soul reaching, maybe you find one for yourself! Mukha kasing wala kang mapagtripan kaya ako ginugulo mo eh!" punong-puno ng iritasyon ang bawat salitang sinabi ko.

"Nagbago ka na talaga.."sabi niya nung may tono ng parang cold na parang may halong lungkot at dissapointment.

"People change, remember that."sabi ko sabay nilampasan ko siya.

Gwynette Park?

The Impostora ^__-


Mean Girls In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon