Mean 15

2.7K 81 5
                                    

Mean 15: Misha's Past.

3rd Person's Point Of View

"Uhm,Makikisingit lang kahit hindi ko pa alam nung buong storya , but I think Misha, yung galit mo sa mga kapatid mo kailangan mo na yang alisin sa puso mo kasi kahit ano pang mangyari kapatid mo sila. Learn to forgive kung may nagawa man silang kasalanan sayo. Alam mo you only live once. Isang beses lang tayo mabuhay kaya imbis na hate at anger ang pairalin natin sa pagkatao natin dapat love and forgiveness na lang dapat para hindi nasasayang yung buhay natin dito sa mundo, kaya tignan mo kami ni Nopphire masaya kami kasi we super duper love each other! hahaha!" sabi ni Orick.

Pagkasabi ng mga salitang yun ni Orick napaisip si Misha.

Love? Forgiveness?

Napairap na lang siya. Dahil sa paniniwala niya pag iyan ang pinairal mo masasaktan ka lang.

Love? Bakit daw ba dati siya mapagmahal naman siyang tao mahal na mahal niya ang magulang niya lagi siyang sumusunod sa mga ito hindi siya gumagawa ng kahit anong bagay na alam niyang ikagagalit ng magulang niya.

Ang Kuya Austin at ang bunso niyang kapatid na si Yoobi. Mahal na mahal niya din ang mga kapatid niya NOON.

Mabait, mapagmahal, ma pagbigay, at palakaibigan. Yan ang dating Mishalyn Agroso. Lively siya sa lahat. Pero nabago ang lahat ng yun ng...

Isang gabi Kaarawan iyon ni Misha.

Madami siyang inimbita sa araw ng kaarawan niya dahil nga palakaibigan siya kaya madaming kaibigan niya ang dumalo sa party ng birthday niya.

Noong oras na napadaan siya sa kwarto ng magulang niya dahil kinuha niya ang family picture na nakalagay sa frame. Nang hindi niya sinasadyang marinig ang pinag-uusapan ng mga ito.

"Gusto niyang makita si Misha."sabi ng Daddy ni Misha.

Nang marinig ni Misha ang pangalan niya mas lalo siyang nagkainteres na pakinggan ang pinag-uusapan ng mga magulang niya.

Oo alam niya noon na masama ang makinig sa usapan ng matatanda pero nadala siya ng kuryusidad niya kung sino ang taong gusto siyang makita.

"Ayoko."narinig niyang sagot ng Mommy niya na ikinataka niya.

"Pero Ma, May karapatan din naman siyang makita si Misha lalo na at----"hindi natuloy ng daddy niya ang sinasabi nito nang magsalita ang Mommy niya.

"Please! Pag sinabi kong Ayoko. AYOKO! Anak ko si Misha! Ako ang nanay niya! Kaya wala siyang karapatan na makita si Misha!"sigaw ng Mommy niya.

Nalilito na siya sa sinasabi nito.

"Alam mo naman ang totoo diba? Alam naman natin na hindi mo talaga siya anak na ang tunay na babaeng anak natin ay namatay noong isinisilang mo na si Misha ay anak lang ng ibang babae na inampon nati---"

Hindi natuloy ulit ng daddy ni Misha ang sinasabi nito ang tanging narinig lang ni Misha ay ang tunog ng sampal ng Mommy niya sa Daddy niya pero hindi yun ang nangingibabaw sa utak niya.

Ang nasa isip niya lang ngayon ay nag mga salitang narinig niya sa Daddy niya.

Hindi mo talaga siya anak...

Si Misha anak lang ng ibang babae na inampon...

Ampon.

Napaupo si Misha bumagsak din ang hawak-hawak niyang Family Picture nila nakalagay sa Frame dahilan kung bakit nabasag iyon at narinig ng mga magulang niya kaya napalabas sila sa kwarto nila at nadatnan si Misha na nakaupo at umiiyak.

"Mi--Misha?"hindi makapaniwalang sabi ng Mommy niya.

"Is that true?"nakayuko at nangingiyak na tanong ni Misha.

"Ang alin anak? wala naman---"

"I heard it all! narinig ko lahat! Totoo ba? Totoo ba na am--Ampon lang ako?"naglalakas loob na tanong ni Misha

"Misha..Anak..."yun ang tanging nasabi ng Mommy niya.

Pinunasan na lang niya ang luhang nasa pisngi niya na at tumayo sabay tumakbo pababa ng hagdan at palabas ng bahay nila.

Hindi niya alam kung anong dapat niyang sabihin basta ang gusto niya makaalis at makalayo para makapag-isip siya.

Naiinis siya dahil kung hindi pa niya narinig iyon malamang ay patuloy siyang mabubuhay sa kasinungalingan.

Naiinis siya kung bakit hindi sinabi sa kanya at naiinis siya sa tunay niyang magulang kung bakit siya pina-ampon.

Tumakbo lang siya palayo at hindi alintana narinig naman niya ang sigaw ng Mommy niya nun na tinatawag ang pangalan niya at hinahabol din siya

Kasagsagan ng pagtakbo niya ng may tumunog na busina ng kotse.

Napatingin si Misha sa kotseng alam niyang makakasagasa sa kanya. Pero nang mga oras na yun may tumulak sa kanya kaya naman nadapa siya pero ang pinakamasakit sa lahat ay makita ang Mommy niyang Duguan.

Agad siyang tumayo nun para lapitan ang Mommy niya.

"Mi...Misha...Ba...baby...A..anak ko...I love you....Sorry.." yun ang huling mga salita sa kanya ng kanyang ina.

Namatay ang Mommy niya.

Simula nang nangyari yun nagbago ang lahat ang Daddy niya ay umalis papuntang ibang bansa.

Naiwan siya kasama ang Kuya Austin niya at kapatid niyang si Yoobi.

Ang kuya Austin niya na lagi siyang sinisita at sinisermonan noon at higit sa lahat ang kuya niyang naging dahilan ng pagkakalayo niya sa taong unang lalaking pinakamamahal niya.

Nagkaroon ng Boyfriend si Misha noon, ang unang lalaking minahal niya ng tunay nang nasa kalagitnaan siya noon ng mga problema niya ang lalaking iyon ang naging sandinggan niya pero nawala rin agad nahiwalay siya agad dahil sa kagagawan ng Kuya Austin niya.

Hindi na alam ni Misha ang mararamdaman niya noong panahon na yun.

Sinisisi niya ang sarili niya kung bakit namatay ang Mommy niya. Sa kabilang banda galit siya sa mga tunay niyang magulang na kung bakit pinaampon siya, nagalit na din siya sa Kuya niya kung bakit ganun ang ginawa nito ang pinaghiwalay sila ng lalaking mahal niya.

Nagagalit siya kung bakit ba pinagkakaitan siya maging masaya.

Kaya simula noon nagbago si Misha hindi na siya palakaibigan.

Naging Maldita na siya, napuno na ng galit ang puso niya sa Kuya Austin niya at dinamay niya na din si Yoobi dahil naiinggit siya dito na kahit nerd ang kapatid niya at imposible na magkaroon ng madaming kaibigan eh namumuhay pa rin ito ng parang walang problema.

Ayaw na din niyang magmahal lalo na ng matuklasan niya na may bago na girlfriend na agad ang unang lalaking minahal niya pagkatapos silang paghiwalayin ng kuya niya.

Naiinis siya kung bakit hindi man lang siya nagawang ipaglaban nito.

Galit siya sa mundo dahil pakiramdam niya walang nagpapahalaga sa kanya.

And until they came the mean girls ang tinuturing niyang mga tunay na kabigan na kahit hindi kagandahan nag mga ugali ay alam niyang pinapahalagahan siya ng mga ito.

Pero kahit ganun..

GALIT...

Yun pa rin ang nanaig sa pagkatao niya.

Para sa kanya mas kumportable na siya sa buhay niya.

Napatingin si Misha Kay Orick nung una pa lang na nakita niya ito ay naiinis siya dito dahil halata naman na malandi ito sa totoo lang ayaw niya si Orick para sa kaibigan niyang si Nopphire.

At mas lalo pa siyang naiinis kay Orick dahil sa mga sinabi nito.

Because Orick's words hit her.

Mean Girls In DisguiseWhere stories live. Discover now