Mean 43

1.3K 48 4
                                    

Mean 43: Give Chance

Misha's Point Of View.

"Happy Birthday Anak, Sorry talaga sa mga nagawa ko noon. I love you" Sabi ni mama atsaka ako niyakap bago siya tuluyang pumasok sa loob ng apartment na tinutuluyan niya.

"I love you too Ma," mas lalong humigpit ang pagkayakap niya sa akin nang tumugon ako, niyakap ko din siya.

Alas-Otso na ng gabi nang ihatid ko siya, hindi ko alam pero nakaka-overwhelm. Ang sarap nung feeling na nalaman mo na nung totoo na na accept mo na lahat.

At first it was really hard for me to understand nung kinukwento sa akin ni Mama kung bakit niya ko binigay kila Mom and Dad. Ang sabi niya nung totoo kong tatay na nakabuntis sa kanya ay wala silang relasyon nito abd thr hardest part is that mom was a victim of being rapped at sad to say ako ang naging bunga.

Habang kinukwento niya yun ay kaya niya ko binigay ay dahil kinamumuhian niya ko but she said no, that is not the reason. Nung pamilya ng lalaking nangrape sa kanya ay gusto akong kunin at ilayo kay Mama.

Hindi rin pala naipakulong ang lalaking gumahasa sa kanya dahil hindi daw ito basta basta galing daw siya sa mayamang pamilya at kung may balak man si mama noon na magsampa ng kaso ay wala rin kwenta dahil malakas ang kapit nito sa pulisya at gobyerno kaya nung sinilang niya ko at nang nakilala niya si Mom and Dad na namatayan ng anak nung araw na isinilang ako, pinagkatiwala niya ko sa kanila dahil ng mga oras na yun ay pinaghahanap na siya.

Hindi ko ma-imagine ang hirap na pinagdaanan ni Mama, aaminin ko nagalit talaga ako sa kanya pero nung nalaman ko nung rason niya, na reakize ko na siya pala talaga nung pinakanahirapan sa sitwasyon.

My mother deserve a second chance.

Sa totoo ko namang tatay, hindi ko alam pero ayoko na siyang makilala, sapat na nakilala ko ang tunay kong ina. Kung makikilala ko man siya someday,hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko.

Naka-receive din ako ng email galing kay Dad, he greeted me at nangako siya na uuwi na siya sa makalawa.

Nagpasalamat ako kay Kuya Austin na hindi muna ako uuwi, i wanna go to bar, pag ganitong masaya ako nagba bar talaga ako samantalang nung mga kaibigan ko bukas ko na sila haharapin.

Nang makarating ako sa Revenge bar, umorder agad ako sa bartender ng tequilla. I want to celebrate it with myself, hindi man nagparty ngayong birthday ko, i guess this is one of the great birthday i ever had.

Kinuha ko ang isang locket sa bag ko na laging nakatago, binuksan ko ito at pinagmasdan ang litrato ni Mom. I miss her so much, that's why i can't avoid to blame myself kung bakit siya namatay kahit pa sabihin nilang wala akong kasalanan pero dahil sa akin kung bakit siya namatay eh, kung hindi sana ako tumakbo noon.

Napailing na lang ako dahil naluluha ako, nang may lalaking lumapit sa akin at nag-abot ng panyo.

"Hey," sa boses nito kilala ko na agad ko sino siya. Tinignan ko siya at kinumpirma kung tama ba ang hinala ko.

"Alex." walang gana kong sabi.

"Kamusta ka na? Anyway Happy Birthday pala." sabi nito na hindi ko pinansin.

"Did you miss me?"tanong pa niya.

"I miss a lot of things but not you." Sagot ko sa kanya.

"Oh, you're brave na pala" sabi niya atsaka inurong ang isang upuan para tumabi sa akin , bahagya kong inurong ang upuan ko nang hindi madikit sa kanya.

"Whoa! Para namang may malala akong sakit kung makaurong ka. Samantalang dati we used to hold each other hands, to hug each other and even ki--" hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita niya, tumayo na agad ako.

Mean Girls In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon