Mean 6

5.5K 121 16
                                    

Mean 6: The Sadista


Irimae Alonzo's Point Of View


*Bzzzzzt*

Nung nag-vibrate Cellphone ko, agad kong tinignan sa screen kung sino ang nag-text.

1 Message Received.

From: Nelbry

Hi babes! Asan ka? I miss you..

Si Nelbry lang pala, TSS..peste istorbo naman oh! Tapos kung maka-babes anong akala niya sa akin baboy?! DUH! Sa sobrang sexy kong ito? LETCHE Talaga!

To: Nelbry

Hi din =) ah ,nandito ako ngayon sa starbucks. I miss you too,at uhm kita tayo mamaya ah? May sasabihin ako sayo.

Reply ko sa kanya ,oh diba kabaliwan ko din eh nuh? Pa-sweet pagdating sa text pero deep inside nanggagalaiti na. Bwisit kasing dare yun eh! Letche kasi yung mga taong kasama ko na nilagay ako sa sitwasyon na ito eh.

Si Nelbry boyfriend ko siya at one month na kami bukas! Pero, for sure hindi namin isi-celebrate ang monthsary na yun bukas dahil mamaya tatapusin ko na itong kabaliwan na ito! Oo,kabaliwan lang yan para sa akin kung para kay Nelbry seryoso para sa akin hindi! Kasi, hindi ko naman siya mahal napilitan lang ako na gawin siyang boyfriend ng dahil sa isang dare.

Hindi naman sa ayaw ko kay Nelbry ah, sa katunayan AYAW na AYAW ko sa kanya hindi sa hindi siya gwapo actually may itsura siya KAYA lang jologs pumorma yung tipong pang 90's ang porma niya at nakakadiri ang mga ganung bagay, ;ike hello? kaya nga may fashon trend diba? 21st Century na kaya!

Iniinom ko lang itong mocha frappe ko ng ilang saglit nakita ko ng pumasok at dalawang subject ko ,so let the show begin!

Nakita ko na ang magsyotang si Darren at Trisha na umupo dun sa pandalawahang upuan and ayun umorder na ng café nila. Nang nakarating na sa kanila na ang order nila tumayo na ko sa upuan ko .

Hawak-hawak ko ang mocha frappe ko then pumunta ako sa harap nila

"Oh,Darren? Trisha? Nandito rin pala kayo?" sabi ko ,kunyari nagulat ako na nakita ko sila dito.

"Iri-Irimae.."pautal-utal na banggit ni Darren. Tss, sabi na nga ba may tama pa din ito sa akin.

"Uhh..Darren tara na kaya? Sa iba na lang tayo pumunta."sabi ni Trisha. ABA! Lalayasan daw ba ko?

"Wait! Aalis na kayo agad? Tutal naman ilang months din tayong hindi nagkita-kita,magkwentuhan muna tayo."sabi ko sa kanila.

"ahh,an---" tatanggi pa sana si Trisha nang nagsalita si Darren.

"Sure, sige ill get another chair."sabi ni Darren sabay tayo sa kinauupuan niya ,at pinaupo niya ko dun kumuha siya ng another chair kasi nga diba pandalawahan lang ito.

Habang hinihintay namin si Darren na kumuha ng isa pang chair, I started talking with Trisha.

"So,how are you with Darren?"tanong ko sa kanya.

"Going strong."sagot niya na may halong pagmamayabang. Aba! Anong akala niya maiinggit ako sa kanila? Ano ako baliw? Baka siya ang baliw!

Si Darren he's not that heartthrob pero may itsura naman, nanligaw yan sa akin dati almost one year nga eh, pero hindi ko siya sinagot. Bakit? Wala lang hindi ko siya trip. Ang balita pa nga nun muntikan na siyang magpakamatay ng dahil sa binasted ko siya, ako daw kasi ang first love niya and I find it corny, at ito namang si trisha na bestfriend niya na ang balita ko inlove sa kanya eh syempre ang bruhang ito,to the rescue kay Darren at ang sabi ng iba sila na daw BUT for sure Darren is using her as a rebound , Poor Trisha But as if I care? mga Tanga sila eh.

Mean Girls In DisguiseUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum