Chapter 7

1.3K 88 28
                                    

TROY ADRIAN

I've been spending a lot of my time with Claire and Nate, aaminin ko nahuhulog na ang loob ko sa kanya. She has this captivating laugh at minsan I was lost for words kapag pinagmamasdan ko ito. We could talk all day, napansin ko na malawak siya mag isip at hindi boring kausap, kung dati ay hindi ako comfortable na nagbubukas ng usapan kay Claire, now, I could easily start a conversation. I'm usually shy and reserve pero pagdating kay Claire na aamuse din ako dahil nagkakaroon ako ng lakas ng loob.

I told her na bawiin nalang namin ang tungkol sa pagpapangap niya bilang girlfriend ko pero hindi siya pumayag. She said this is the least that she can do para sa mga nagawa ko for Nate.

Birthday today ni Xhan, hes 21. Ang baby ng family binata na. Ang alam ko nga may nobya na ang kapatid ko pero his being secretive about it.

Sinundo ko si Claire at Nate, invited sila sa Party dahil nga ang alam nila girlfriend ko siya. She looks stunning sa puting damit na suot niya. Natuto na itong mag ayos dahil required sa mga staff ng Hotel ang maging presentable kapag on duty, marunong na itong maglagay ng make up.

" Uhmm.. You look nice Claire." sabay kamot ko sa batok. Minsan talaga I can't help being shy around her.

" Ikaw din, Troy.." kasabay ng matipid na ngiti nito. Lately din napansin ko na Troy ang tawag niya sakin. Bibihira ang tumatawag sakin sa first name ko at hindi ko man maamin, I liked the sound of it from here.

Natawa kami ng hinila na kami ni Nate palabas. Kanina pa daw kasi ito excited na umalis.

Sinalubong kami ni Mom pagdating namin sa Isabelle Royal. It was the venue for Xhan's birthday celebration.

" Mabuti naman at nandito na kayo. Claire at Nate." my Mom hug Claire at kiniss niya sa pisngi si Nate na tuwang niyakap ang Mama ko.

" Wowa.." tuwang tawag ni Nate kay Mommy. Nakasanayan nitong tawagin si Mommy na Wowa sa halip na Lola..

" Na miss mo ba si Wowa, Nate? " tumango naman ang bata at muling niyakap si Mom.

" Hello Claire, ang ganda ganda mo talaga, ito nga pala ang Kuya Zaide mo, ang asawa ko." si Ate Chloe ang sunod na sumalubong samin.

" Hi Claire, it's nice to meet you finally. Now, I know' why Ian finally decided to get a girlfriend." kinamayan siya ni Kuya.

" Okay stop guy's, you're making her uncomfortable. " saway ko sa kanila.

May maliliit na brasong yumakap sa binti ko. It was Maureen.

" Hi Tito Ian Pogi.. " nakatingalang bati nito sa akin. Pero nawala ang ngiti nito ng mapadako ang tingin kay Claire.

" Here comes trouble. " sambit ni Ate Chloe.

" Maui sweetheart, Tito Ian would like you to meet someone." simula ni Ate.

Close sakin si Maui dahil narin siguro sa nag iisa ko siyang pamangkin na babae.

" Maui, I'd like you to meet Tita Claire. Ah Claire, si Maui pamangkin ko, anak ni Ate Chloe. " nag aantay kaming lahat sa magiging reaction ni Maui.

" Hi Maui... Ang ganda ganda mo naman." nakangiting puri dito ni Claire.

" Hello..." sagot lang nito saka nagtago sa likod ng Daddy niya.

Nagkibit balikat nalang ako, wala siguro sa mood si Zhoe Maureen.

" Pasensiya kana Claire, mukhang hindi maganda ang gising ng anak ko. " si Ate Chloe.

" Ayos lang po Miss Chloe. Sanay na po ako sa bata. Ganyan din po minsan si Nate." iniabot ni Ate ang braso ni Claire.

" I told you' to call me Ate Chloe, remember?" nahihiyang tumango ito sa kapatid ko.

His HEARTWhere stories live. Discover now