Chapter 3

2.4K 103 19
                                    


Claire

         PAgdating ni Mister Rosales kinabukasan ay ready na kaming magkapatid, hindi ko sigurado kung pwede kong isama ang kapatid ko sa pagpasa ng Resume pero hindi ko din naman siya maiiwang magisa.

" Hello Nate, Hi Claire.." magiliw talaga ito sa bata. Kahit si Nate ay halata kong gusto siya. Nagpabuhat ito agad sa kanya. Sila na ang close.

" Nate baba, magugusot ang damit ni Mister Rosales." napansin kung napangiwi ito.

" Ayos lang Claire, pero pakiusap lang, stop calling me Mister Rosales, hindi ako si Dad, siya lang ang madalas tawagin ng ganyan. Troy Adrian ang pangalan ko, most people call me Ian. Pwede mo akong tawagin sa pangalan ko. Let's go?" sabay pa kami sa pagkuha ng maliit na bag ni Nate.

" Ako na nito.." bitbit na kasi niya si Nate.

" May Day care ang hotel na pwede mong pagiwanan kay Nate kapag nasa duty ka, pinasadya talaga yon para sa mga staff ng company na walang mapagiwanan ng mga anak nila. Ang Hotel ang nagbabayad sa mga Nanny na nagbabantay sa mga bata. Wala kang dapat alalahanin habang nagtatrabaho ka at during your break time pwede mo silipin si Nate." nasagot na agad nito ang agam agam ko kahit hindi pa man sigurado kung mahahire ako.

" Pero..., hindi pa naman sure kung mahahire ako diba?" marahan nitong inilagay si Nate sa Car seat na nasa sasakyan niya.

" Formality nalang ito Claire, hired kana, sipagan mo lang para hindi ako mapahiya, okay?" wala sa sariling napatango nalang ako. Ngayon ko lang napansin na mas bagay dito ang formal atire tindig palang ulam na. Kinurot ko ang  sarili kong braso, kung ano ano kasi ang naiisip ko.

     Nalula ako ng tumigil kami sa harapan ng Hotel nila, "ADRIAN SUITES."

Gaya ng sabi niya iniwan namin si Nate sa Day Care na nasa loob mismo ng Hotel nila. Ni hindi man lang umiyak si Nate, andami kasing laruan na nakakuha agad ng atensiyon nito. Yong batang yon talaga kaya akong ipagpalit sa luho.

Pansin ko na panay lingon ng mga empleyado lalo na ang mga babae sa pagdaan namin, may mga ibang kinikilig pa. Kulang nalang yata ay ipaglatag nila ng red carpet itong kasama ko, mala Jackson lang ng GOT7? " Wow ha! "

" May sinasabi ka ba?" gulat na napatingin ako sa kanya.

" Ay wala po Sir..." napataas ang kilay nito.

" Dapat po siguro masanay na ako na tawagin kayong Sir kung dito na ako magtatrabaho." nagkibit balikat lang ito.

Sinamahan niya ako papuntang HR, hindi ko narinig kung anong ibinilin niya sa babaeng kumuha ng folder na dala ko. Pero hindi ko gusto ang pagkakataas ng kilay nito sa akin.

" Pumunta ka ng clinic ng Hotel para sa medical mo. Ito naman ang mga dokumentong kailangan mo ipasa, pwede ka na magsimula bukas. Sa housekeeping ka maaasign. Hanapin mo si Diane bukas, siya ang magtuturo sayo ng mga dapat mong gawin." sabay ismid nito..." Bruha".

Hindi na ako naghintay para sa result ng Medical ko, sila na daw magfoforward sa HR ng resulta. Binalikan ko nalang si Nate para kunin, naabutan ko itong nakikipaglaro sa isang napakacute na batang lalaki na tingin ko ay mas bata lang dito ng isang taon. Lumapit ako sa kanila.

" Nate, lika na, aalis na tayo." nagsalubong ang kilay nito. Abah at mukhang ayaw pang umalis. Umiling ito. Hinayaan ko nalang muna.

" Hello, mukhang nag eenjoy pa siya habang kalaro si Zion.." isa yata ito sa mga staff ng Daycare..

" Hi, oo nga eh mukhang ayaw pa umuwi." mukhang friendly naman ang mga staff nila, nakangiti itong nakatingin sa mga Bata.

" Trina, kukunin ko na si Zion, baka kasi nagiiyak na si Jacob, may dinaan lang tagala ako kay Ian." kausap ng isang magandang babae sa katabi kong staff. Dumaan daw siya kay Sir Ian, hindi kaya asawa niya ang magandang babaeng ito?

His HEARTΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα