Chapter 11

743 29 5
                                    


Claire

BIGLA akong napabangon thinking malalate na ako at may pasok ako sa trabaho, turns out Sabado pala ngayon, off ko today.

Nangyayari naman yon sa atin diba?, loosing track of time and day. Patamad akong bumalik sa higaan given na alasais palang naman pero ang masama hindi na ako makatulog ulit.

I opened my phone, naglaro ako ng candy crush, pero hindi na talaga bumalik ang antok ko, ang iba siguro nag scroll na sa Facebook but I don't have an account on FB. Karaang tao nga siguro ako, ayoko lang talaga ng social media. Hindi lang naman ako, my boyfriend Troy Adrian don't have one also.

Bumangon nalang ako at sinilip si Nate, napangiti ako dahil mahimbing ang tulog nito. Like me, pwede siyang late magising ngayon kasi hindi ko siya kailangang ibilin kay Ate Fely.

   Magaling na si Nate, tapos na ang hamon namin sa heart defect niya. Ang operation ang nagbigay daan sa tuluyang paggaling niya. Hinagkan ko siya sa noo saka marahang lumabas ng kwarto. Nagvibrate naman ang cellphone ko, may nagtext mga bes.

[" Good morning my love. Dating gawi? Lunch out tayo with my favorite buddy?"] ang boyfriend ko.

Napangiti ako. Isang bagay na nagustuhan ko kay Troy Adrian, hindi niya nakakalimutan si Nate.

Para sa iba siguro abala ang may kasamang bata sa date kasi magulo, makulit pero si Troy, enjoy siya kahit madalas naming kasama ang kapatid ko.

Minsan pa nga mas gusto niyang sa apartment nalang kami para hindi mapagod ang kapatid ko lalo na yong mga panahong nagpapagaling palang ito.

Ganyan ako ka swerte. Sa mundong kahit mga hindi kagwapuhan nagloloko. May isang gwapong matino, mabait at bunos na mayaman pa na meron  sa buhay ko.

Wala naman daw siyang meeting at mahalagang gagawin sa Adrian's Suites kaya pumayag nadin akong lumabas kami. Sabi niya 10am niya kami susunduin pero pasado alas onse na pero wala padin ito.

Hindi siya ang tipong nalalate kaya nakakapagtaka. Liban nalang kung may emergency sa kanila o sa hotel.

" Ate aalis?" maktol ni Nate. " Nasan Kuya Pogi? " hindi ko rin alam.

Kanina ko pa siya tenetext pero wala. Tinawagan ko nadin siya pero out of reach. Naawa naman ako sa kapatid ko kaya itinuloy ko nalang ang lakad namin kahit kami lang.

" Busy siguro si Kuya Troy mo Nate, kaya tayo nalang ang kakain sa labas, okay?"

" Okay Ate." ginulo ko ang buhok niya saka ko siyang inutusang magsuot na ng sapatos.

Hindi ako mahigpit na girlfriend lalo na at bago palang din ang relasyon namin ni Troy. He must have his reason kung bakit wala pa ito.

Inuna kong pakainin si Nate dahil gutom na ito. Pagkatapos ay namasyal kami sa Mall.  May kaunti naman akong naitabing pera kaya ibinili ko siya ng isang laruan na gusto niya. Gusto kong ma enjoy niya ang pagkabata bagay na hindi ko masyadong nagawa dahil sa sitwasyon namin sa buhay.

Hindi niya deserve na mahirapan porket  pinanganak kaming mahirap kaya nagsisikap akong ibigay ang mga pangangailangan niya, ang mapag aral siya para magkaroon siya ng pagkakataon na mabago ang buhay niya paglaki niya.

Napadaan kami sa isang mamahaling restaurant may batang kaway ng kaway kay Nathan, tanaw ito mula sa loob dahil sa salamin ang dingding nito.

" Ate,  Zion yon?" tinignan ko ang itinuro niya at si Zion nga yon. Bunsong anak ni Ate Chloe. Napatingin din sa amin ang mga nakaupo sa loob na kasama ng bata. Kasama nila si Maui, panganay na anak ni Ate Chloe, si Isabelle, pati ang anak niyang si Jacob at Yaya nito. Yong Stephanie na nakilala ko noong isang araw at si Ian.

His HEARTOnde as histórias ganham vida. Descobre agora