Chapter 10

736 33 8
                                    

Claire

NAKAkapagod ang araw na ito, full house kami, mayat maya ang in at out ng mga guest. Sa paghupa ng Covid at paglift ng mga restrictions, unti unti ng bumabalik ang sigla ng torismo dito sa Cebu. Fully book na ang mga rooms dito sa Chloes Haven maging sa ibang branches nito.

Pero kahit panay ang overtime namin, natutuwa kami kasi kahit papaano bumabalik na sa dati ang lahat, kasabay nito ang doble doble paring pag iingat lalo na sa mga bisitang galing sa ibang bansa. Mataas parin kasi ang cases sa ibang panig ng mundo.

Lalabas ng sana ako ng office ko ng siya namang dating ng gwapo kong boyfriend.

" Sabi sa Resto, hindi kapa raw nagdidinner Miss?" typical Troy. Lagi niyang tinatawagan ang Resto to check kung kumain na ako, kahit nasa Hotel niya siya at maraming inaasikaso.

" Ang alam ko busy ka Sir, bat ka nandito?" niyakap niya ako.

Lately napapansin ko na nagiging komportable na siyang magpakita ng affection, lalo na kapag hindi siya natatalo ng pagkamahiyain niya.

" I need to charge Love. Work is exhausting." niyakap ko din siya. Nasabi ko na bang ang bango bango niya lagi..

" Naglalambing ang lovelove ko?" tukso ko sa kanya. At gaya ng dati, namula ito..

" Yeah..., hmmmmm. I like your hug a lot. Unan ka yata talaga eh. " mahina kong tinampal ang balikat niya. Saka piniling umeksina ng tiyan ko.

" Someone's hungry." sabay tawa niya." I already asked them to prepare us food. Let's go?"

" Tara, sa gutom ko feeling ko makakaubos ako ng buong baka."

" Paano yan, seafood yong pinahain ko?" aniya.

" Fine, buong isda..." sagot ko nalang na ikinatawa niya.

Magkahawak kamay kaming bumaba sa restaurant. Mula ng mapromote ako, I was given my own office na siyang ikinatuwa ko.

People might say na dahil yon sa naging boyfriend ko si Ian but big No!, pinaghirapan ko kung anong meron ako ngayon. I even take night classes just to learn more about my job.

Mahirap pero worth it naman ang lahat. Dati akala ko huli na ang lahat para sa mga pangarap ko sa buhay, akala ko wala na talaga akong mararating turns out marami tayong kayang baguhin sa buhay natin kung pagsusumikapan natin ito, sabayan ng sipag at maraming pasensiya.

" Love? Anlalim yata ng iniisip mo? May problema ba?" pero siya talaga ang hulog ng langit sa buhay ko. Isa siya sa dahilan kung nasaan man ako ngayon.

" Iniisip ko lang kung gaano ako kaswerte dahil nakilala kita. Sure ka bang hindi ka Anghel Love at anytime eh babalik na sa langit? " biro ko.

" Sshhhhh, wag kang maingay baka marinig ka ng ibang tao malaman nila ang secret ko. Mamaya pa niyan lumabas ang pakpak ko. " sabay kindat niya.

" Sira! Kumain na nga tayo. " dumating na kasi ang order namin.

After lunch, hinatid na niya ako pabalik ng Chloe's Haven, halos ayaw pa niyang umalis buti nadala ko sa sindak na isusumbong ko siya sa Ate Chloe niya kapag tumambay na naman siya sa Resort maghapon.

Kinagabihan ay sinundo niya ako para pumunta sa Birthday Party ng asawa ng kakambal niya. Ayoko sana sumama pero Tita Trisha insisted na dapat umatend ako.

" Sa kalsada ang tingin Troy Adrian Rosales." saway ko sa kanya, panay kasi ang titig sakin habang nagdadrive.

" Masama bang mamangha sa ganda ng girlfriend ko. You are so beautiful my love." minsan talaga ang bibig niya walang preno partida mahiyain yan ha.

His HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon