Chapter 12: The problem

559 42 14
                                    


Chapter 12: The problem

Daphnie's POV

"Pinagmamalaki mo sa aming model kana, hindi naman kita mukha mo! Tamo nga laging putol ang mukha" halakhak ni Chikito habang pinapakita pa sa phone niya yung pictures ko

I mean.. pictures ng mga damit na binebenta ni mama. Model nga kasi ako! huhu ako nagsusuot ng mga damit then we're going to take a shot. Yun nun ang ipopost sa online page. Tinulungan ko siya sa clothing business niya noong bakasyon, remember? 

Inirapan ko siya, "Nye nye.." 

"Eh!" Kekem blurted out, "syempre dre damit ang ineendorse! Anong gusto mo i-endorse niya anak niya e wala namang bibili nyan HAHAHAAHAHA" 

Anak 'to ng kagang. Akala ko ipagtatanggol ako! 

"Ano ba kayo, hindi naman bagay na binebenta si Daphnie eh.." angal ni Bentot na mabilis ko namang sinang-ayunan

Tumango-tango ako, "Tama, tama!"

Buti pa 'tong si Bentot pinagtatanggol ako e---

"Putol lang yung mukha dahil baka pag nakita mukha niya, hindi na bilhin yung damit hahah--aray! Bakit nanakit!" 

Binatukan ko tuloy siya. 

"Bukang ka rin ah! Akala ko ba kakampi kita?" simangot ko kay Bentot

Sabay-sabay nila akong binelatang tatlo. Hay nako talaga! Muntik ko nang makalimutan na three idiots will stick together through thick and thin, amp. 

"Fuck," napalingon ako sa katabi kong si Anthony dahil sa biglaang pagmumura niya, "ang lamok dito. Kanina pa ako kinakagat."

Nandito kasi kami sa labas ng bahay. Sa daan to be specific. We all agreed to wait outside muna dahil baka magkaroon ng aftershocks. Buti nga wala masyadong dumadaan dito kaya nakatambay muna kami. As in, literal na nakaupo kami sa daan. Yung iba pala nakahiga na. Haha! 

"Blood type O." Daniel murmured 

"Anong connect non?" Kekem asked, tapos tumayo siya para lumapit sa amin. Umupo siya sa pagitan nina Joseph at Michael. Mukhang curious siya sa blood type O. 

"Oo nga, anong meron sa blood type O?" tanong ko rin, "O din ako!" dagdag ko

"Yuck! Hindi niyo yun alam?!" 

"Sana all alam..." simangot ko kay Chikito

Tumango-tango si Kekem, "Oo nga e, na ol"

"Hah! Matalino talaga ako. Binanggit na yan sa akin ni Luke non hahah! Diba Luke? Diba ... ano, diba! hahaaha!" 

Napalingon ako sa katabi kong si Luke. Actually, hindi naman talaga katabi dahil medyo malaki ang agwat sa pagitan namin. Umupo siya sa tabi ko kanina ngunit umusog ako nang bahagya. Naramdaman niya atang nilalayuan ko siya kung kaya't hindi na siya lumapit pa. 

Luke stared blankly at him, "Anong binanggit ko?" 

"Alam mo na yun! Ikaw nga nagsabi sa akin diba? Diba!" 

"Pustahan hindi niya talaga alam" iling ni Anthony 

I snorted. Tinignan ako nang masama ni Chikito. Tamo 'to, ako lagi nakikita! huhu. Shut up na nga lang tayo. 

"Where are you going, sweetheart?" Anthony immediately asked when I stood up. Their eyes darted on me. Pinagpagan ko ang damit kong nalagyan nang konting dumi. 

"Iinom lang water. Gusto niyo rin ba? Kuha akong tubig---" 

"Samahan na kita." 

Pipigilan ko sana siya pero ang bilis niyang nakatayo, "Daph pakuha na rin ng chips" ani Timothy na sinang-ayunan ng iba pa

Newton's Princess Vol. 2 [ON-GOING]Where stories live. Discover now