Chapter 8: Toodles

655 37 4
                                    

Chapter 8: Toodles

Daphnie's POV

Nagpumiglas ako para kumawala sa taong nagtakip ng panyo sa bibig ko but I suddenly stopped. Si Chikito lang pala! 

"Bakit ka ba nanggaganun!" hiyaw ko sa kanya 

Nakakatakot kaya, aish. 

"Joke lang! Init naman ng ulo mo Daphneng," napakamot siya ng ulo, "pasalamat ka nga may panyo eh kase kung wala yan at kamay ko lang ginamit ko langhap sarap! Kinalikot ko pwet ko eh hahah" 

Napangiwi ako. Kadiri naman 'to!

"Nasaan yung iba?" I asked

Mag-isa lang kasi siya kaya nagtataka ako. Sumilip naman ako nang tuluyan sa room but nobody is in there.

"Canteen! Wala next teacher naten. Teka nga, kumain kana ba? Sabi nila kasama mo nanay ni Luke. Tsk tsk napakasungit non! Kalahi ng jowa ni Kekem" pailing-iling niyang sambit

Napakunot naman ang aking noo, "Sinong jowa ni Kekem---Ahhh okay" 

Si Rona. Jusko!

Biglang nanlaki ang mata ko, "Wait! Sila na?" 

"Hinde! Loading ka Daphneng ganon!?" 

"Aww!" reklamo ko nang bigla niya akong batukan. Namuo ang luha sa mata ko dahil ang sakit talaga ng ulo ko tas sinapok pa ako ng lalaking 'to! "Chikito naman eh.." 

"Shet! Bakit ka umiiyak? Hala oy.." nakita kong kinakapa-kapa niya ang bulsa niya tila may hinahanap, "Ah! Nasa bag ko pala yung panyo ko--holy paker may sipon naman yun eh! Hindi ko rin pwedeng pahiram sayo" sunod-sunod niyang turan

Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at tinignan nang may halong pag-aalala, "Sorry.. may masakit ba sayo?" 

Pinahid ko ang luha sa mata ko, "Masakit ulo ko.." 

"Sobra?" he asked

Tumango naman ako.

"Geh geh dyan ka nalang muna sa room nakasindi aircon dyan. Hingi ako gamot sa clinic. Kumain kana ba?" tanong niya ulit 

Umiling ako. "Hindi pa" 

Tumango-tango siya at sinabing hintayin ko raw sila sa room. Sinagot ko naman siya ng tango tsaka ako pumasok ng room at umupo sa upuan ko. Yumuko ako doon at pumikit para magpahinga. 

----

Narrator

Patakbo nagpunta si Chikito sa clinic para humingi ng gamot sa sakit ng ulo. Matapos ay dumiretso siya sa canteen upang ikuha ng pagkain si Daphnie at ipaalam sa mga kasama ang sitwasyon. 

"Luke!" hiyaw ni Chikito dahilan upang lumingon si Luke na kasalukuyang nakikipag-usap kay Daniel. Lumapit siya sa mga kasama upang mas magkariningan sila.

"Sorry! Napaiyak ko si Daphneng, hindi ko naman sinasadya pramis!" nagtaas pa ito ng kanang kamay. 

Kumunot ang noo ni Luke, "What?" 

Nakaramdam ng matinding kaba si Chikito dahil batid niyang magagalit ang mga Newton sa kanya. Napag-usapan na kasi nilang lahat na pwedeng asarin si Daphnie pero bawal siyang saktan at paiyakin.

"Nandito na siya?" tanong ni Joseph

Tumango naman si Chikito, "Oo nasa room pero sobrang sakit daw ng ulo niya eh"

Mabilis na tumayo si Luke at lumabas ng canteen. Sumunod naman sa kanya ang iba pa. Nagpaiwan doon si Joseph upang tulungan si Chikito sa pagkain ni Daphnie. 

Newton's Princess Vol. 2 [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon