Chapter 7: Drunk

684 35 3
                                    

Chapter 7: Drunk

Daphnie's POV

"Hey, huminga ka naman." sabi ng kasama ko habang naglalakad kami pabalik ng elevator. This time, we are really going to meet his parents. Nasa upper floor sila kung saan nandoon buffet area ng hotel na exclusive lang sa mga may special privileges. 

Sinamaan ko siya ng tingin, "Ano ka, humihinga naman ako!" 

He looks amused. "Takot ka ba sa mga magulang ko?" 

Who would not be? Isa lang akong normal na mamamayan habang ibang lebel naman sina Luke. Hindi ko lang basta makikilala ang mga magulang niya, makakasabay ko sa hapag ang dalawa sa mga tinitingalang tao sa buong siyudad.

"Titigil kana ba manligaw kapag hindi nila ako nagustuhan?" tanong ko 

"Stop being silly." he glared at me before he put his arm around my waist. Kasabay ng iyon ang pagbukas ng elevator. Napapikit ako sa biglaang liwanag. Consecutive shots were taken by a photographer near the elevator. Pakiramdam ko kanina pa kami hinihintay. 

"What was that for?" bulong ko kay Luke nang malagpasan na namin yung photographer

"I also have no idea. Come on, there they are." aniya 

Bumilis nang bahagya ang aming paglalakad hanggang makarating kami doon sa table na nasa gitna, it is located right below the huge chandelier. Medyo dim ang ambiance at puno ng warm candles yung mesa.

Pinanghila ako nang upuan ni Luke, "Thank you.." bulong ko 

He flashed a soft smile. 

"Your name is Daphnie, right?" nakuha ng mommy ni Luke ang atensyon ko dahil sa kanyang tanong. 

"Good evening po, opo.." sagot ko at yumuko nang bahagya upang magbigay respeto

His mom looks very sophisticated. Her blonde hair is up and she also has a bright red lipstick on her lips. Luke got his eyes from his mom. 

Magkatabi sila ng kanyang asawa. Luke's dad just nodded at me. Hanggang dito sa dinner dala niya ba pagka-strict niya? huhu

"I've heard a lot about you from my husband but I do not believe the words coming from this man beside me--" 

"Honey.."  

She glared at her husband, "Shut up."

Napalunok ako nang mariin. Parang alam ko na kanino nagmana si Luke ah? 

"Mom, you are making my girl uncomfortable." 

My girl daw!

Umirap siya sa daddy ni Luke bago tumingin ulit sa akin at ngumiti, "I am sorry, hija." 

"Okay lang po" nahihiyang sagot ko 

May lumapit na waiter sa amin at naglagay ng wine sa mga glass namin. Binigyan din kami ng menu, "Choose anything you want to eat."

Napatitig ako sa menu na nasa harapan ko at halos lumuwa ang mata ko sa presyo ng bawat pagkain. Kahit tubig lang ang mahal ng bayad! Jusko ano ba naman 'to? 

"May napili ka na ba?" tanong sa akin ni Luke, nakaupo siya sa tabi ko kung kaya't kahit mahina lang ang boses niya ay rinig ko pa rin.

"Umm ano.." pilit hinahanap ng mata ko kung alin sa mga 'to ang may pinakamurang presyo, "kagaya nalang ng sa iyo" sagot ko

Luke shook his head, "I'll order beef and you don't eat that. Choose something else."

Alam niyang ayaw ko ng beef. Stalker ko si Luke! char lang 

Newton's Princess Vol. 2 [ON-GOING]Where stories live. Discover now