Chapter 16: Pangasinan Part 2

453 31 25
                                    

Chapter 16: Pangasinan Part 2

Daphnie's POV

Hindi ko akalain na manununtok ang daddy ni Michael sa harapan namin. Actually, we are not alone in the area. May iilan pang mga guests ang natira dito at maski sila halatang nagulat at nagtataka kung anong nangyayari.

Agad dinaluhan at tinulungang tumayo nina Luke at Anthony si Michael. Akmang lalapit din ako pero naramdaman ko ang kamay ni Chikito sa wrist ko. Hinawakan niya ito nang mahigpit na tila ba sinasabi niyang huwag kong ituloy ang bagay na binabalak kong gawin.

"Sir, please be calm. Can we talk about this privately?" asked Luke, napapatingin din siya sa paligid at mukhang hindi rin siya natutuwa na may mga ibang taong nakakakita.

Lahat kami nakatingin sa daddy ni Michael, all waiting for his approval. Nakita kong huminga ito nang malalim bago ulit nagsalita, "The only people I want to talk to is my son and his fake girlfriend. You are all out of here." aniya at tinignan kaming lahat

I gulped when his eyes remained staring at me, "Your name is Daphnie. Am I right?"

"O-opo.." sagot ko

"Dad, she is also out of here—" hindi nito pinansin ang pagpigil ni Michael, bagkus ay tinalikuran niya kaming lahat

"I have a private guest to meet. You two should be in my office and wait for me." mariin niyang turan bago kami tuluyang iniwan doon

Pinuntahan ko kaagad si Michael at inabot sa kanya ang hanky ko upang ipampunas niya sa kanyang labi. Dumugo kasi. Pumutok ata dahil sa suntok. Tinanggap niya naman iyon.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong niya sa akin, "what did I tell you? Any guy's weakness is the dick. Kick the dick whenever someone disrespects you—"

"Nagagawa mo pang mag-alala sa akin!" hiyaw ko sa kanya ngunit ngumisi lang siya.

I searched for Luke, pero nasa likuran ko lang pala siya, "Luke, what do we do now? Feeling ko ipapatapon talaga sa ibang bansa 'tong lalaking 'to at hindi siya aangal!"

"Disobeying him might worsen the consequences," aniya at nilingon ang ibang Newton, "stay in the car for awhile. I'll go with them."

"What?" napakunot ang noo ni Michael, "disobeying him might worsen the consequences, bakit ka sasama? Kami lang ni Daphnie ang gusto niyang makausap."

"Oo nga naman." rinig kong pagsang-ayon ni Joseph

"Daphnie is scared and she got Luke worried. That is why." kibit balikat na sabi ni Daniel

"What? I am not scared!" iling ko at tumingin kay Luke, "keri naman.." I said

"Sure?" tanong niya ulit

Tumango ako. Luke sighed and gave Michael a nod.

"Don't worry about her because she is with me. Just pick her up once you received my call."

Michael's statements made me confused. Pick me up? "Why do they have to pick me up? Sabay naman tayong babalik pagkatapos tayong kausapin, 'diba?" tanong ko

Ngumiti siya sa akin ngunit may bahid iyon ng lungkot, "I may not be able to come back with you, babe."

Luke kept on asking me if I am really okay before they went out. Tinanguan ko ang mga Newton bago sila umalis dahil parang nag-aalala rin sila gaya nalang nina Kekem na panay thumbs up sa akin. That thumbs up usually means 'goods? ayos ka lang?'.

Newton's Princess Vol. 2 [ON-GOING]Where stories live. Discover now