Chapter 4: Confession

1.1K 45 9
                                    

Chapter 4: Confession

Daphnie's POV

"Bakit hindi ka kumakain?" I asked Anthony 

Tinanggap namin yung mga pizza kahit ayaw ni Chikito. Sayang kaya! Since break time na ngayon nag-by group na lang kami sa pagkain ng pizza. May 2 boxes kami nina Luke. The other boys have their own too. Nagtira naman kami ng tatlong box para kay Chikito at iniwan yun sa table. 

"The last time he's with Rizza, they ate pizza" halakhak ni Michael

Kaya naman pala. 

"Do you still talk?" chismoso rin 'to si Joseph ah. Ayaw ko na nga magtanong ulit, baka masaktan na naman si Anthony. 

"No" iling ni Anthony, then he flashed a fake smile, "Why are you guys being so serious? Come on! I've already moved on from that girl" he said then grabbed a slice of pizza and took a bite. 

Napabuntong-hininga ako tapos napansin ko si Luke, "Luh! Hindi ka kumakain ng pineapple!?" gulat kong hiyaw

Eh paano ba naman kasi, tinatanggal niya yung pineapple bits sa bawat slice na kinakain niya! 

Luke didn't answer.

"Allergic siya sa pineapple." Daniel muttered 

Natahimik ako bigla. Gusto ko tuloy magsorry kasi pakiramdam ko marami pa akong hindi alam tungkol sa kanya. I do not want him to think that I am not paying much attention, that I am not exerting more effort to know him well. 

Nagpaalam ako mag-CR kaso pagliko ko doon sa hallway na malapit na sa comfort room, nakita kong nakatayo at nag-uusap sina Chikito at Polly sa harapan nung post. 

"Tigilan mo yang ginagawa mo hanep hindi mo na mababago isip ko. Bespren ko pa talaga sasaktan mo." rinig kong sabi ni Chikito kay Polly na malungkot ang mukha at nakatungo lang, "Kung gusto mo talaga ako, dapat nag-isip ka muna bago mo dinamay yung taong mahalaga sa aken. Naturingan kang matalino pero hindi mo naman ginagamit nang tama" dagdag niya pa 

Polly is crying.

"Sorry talaga, Jayvee.." aniya 

"Walang silbe yang sorry mo." Chikito was about to leave, but he faced Polly for a moment, "Kunin mo mga pizza mo sa labas ng room namin, hindi namin kakainin mga yon baka lasunin mo pa kameng lahat" he said

Napatakip ako ng bibig. Holy mother cheesecake! Kinakain na nga yung mga pizza sa room ih. 

Nagtago ako sa isang wall nang tumakbo si Polly papalayo habang umiiyak. I waited for Chikito to pass by. Nang makaraan na siya at medyo makalayo, tumakbo ako at ginulat siya. 

"Boo!" I shouted 

"Ay pota" pagmumura niya tapos tinignan ako, "Amboset ka naman Daphneng! Saan ka galing? Bulate kaba ha!" 

"Kabute yun, hindi bulate" I corrected, "galing akong CR, tara balik na tayo room" sabi ko at inakbayan ko pa siya kahit mas matangkad siya sa akin.

"Ang mahalaga nagtatapos pareho sa te!" sasagot pa sana ako pero tinakpan niya bibig ko, "Shhh! Shh! Ikaw talagang babae ka, laging may sagot! Mag-aabogado ka 'no!?" 

I removed his hand on my mouth, "Hinde noh! Magiging nurse ako" I winked

Napatango-tango siya, "Ah ganon ba. Sige tama lang yan para naman may makilala kang doktor na gagamot sa utak mong may semplang" sabi niya

Tignan mo 'to! 

"Heh!!!" I shouted and since nakaakbay ako sa kanya, inipit ko siya sa kili-kili ko. 

Newton's Princess Vol. 2 [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon