Chapter 10: Allergies

743 34 4
                                    

Chapter 10: Allergies

Daphnie's POV

"Okay kana ba?" tanong ko kay Twincy habang nakaupo ako sa chair na katabi ng bed kung saan siya nakahiga. Pagdating namin ni Charlyn ay nadatnan naming binabantayan siya nina Rona at Sassa. Kumakain daw sila nang biglang namaga ang bibig ni Twincy. Tinulungan daw sila nina Joseph papunta dito sa clinic pero ayun, kasama na rin nilang bumalik sa classroom si Michael.

Tumango si Twincy at ngumiti nang bahagya.

The school nurse already gave her something, para mabawasan yung pamamaga ngunit hindi pa siya gaanong nakakapagsalita. Sabi ni ate nurse tinawagan na raw niya ang guardian ni Twincy. Hindi ko alam kung yun ba ang mga parents niya dahil sa pagkakaalam ko, her parents kicked her out of their house. Inalok nga siya ni Charlyn na magstay muna sa condo, remember?

"Saan daw ba siya allergic?" Charlyn asked 

"Prawns. Ni hindi niya nga alam na allergic siya eh.." Rona answered 

Ohhh..

Nilingon ko siya, "Luh Twincy, bawal ka sa isa sa pinakamasarap na pagkain sa mundo.." pabirong pang-aasar ko 

Totoo naman! Ang sarap kaya ng mga yun. Lalo na yung kinain ko kagabi sa hotel nina Luke! Sayang hindi ko nga lang naubos, huhu. Oo nga pala, ano nga ulit tawag sa dun? Michael said it earlier but it already came out of my mind.

"Eww, cockroach ng ocean mga yun" irap ni Rona 

"They're being cooked! Ang importante, masarap naman.." depensa ni Charlyn kaya naghighfive kami at sabay napahagikgik 

Nakita kong pinipigilan ni Twincy ang tawa niya. Tingin ko she will get better soon. 

Nilingon ko naman si Sassa. Seryoso lang siyang nakatingin kay Twincy. She fixed her glasses up then nagkatinginan kami. 

"You okay?" I mouthed

"I have to go." aniya 

Tinanguan niya kaming lahat bago siya naglakad palabas ng clinic. Umupo si Rona doon sa natirang chair at naging abala sa kanyang phone habang si Charlyn naman ay tumabi sa may paanan ni Twincy. 

"Ikaw naman kasi! Bakit hindi mo alam na allergic ka pala doon? Nakakaguilty tuloy, ako nagbigay ng ganung flavor ng pizza sayo eh.." simangot ni Charlyn sa kanya 

Twincy smiled, "A-ayos lang yun, ano ka ba.." 

Actually, sila talaga ni Charlyn ang pinakaclose dahil naging seatmates daw sila last school year. Ako naman, nakilala ko lang talaga si Twincy dahil sa Photography Club. 

And there, they started talking about some stuff. Sila lang nagkakaintindihan ghorl HAHAHAHA kaya lumapit na lang ako kay Rona at tinabihan siya. I placed my head on her shoulders. Hinayaan naman niya akong gawin yun.

"Rona.." I whispered

"Umm" she said while looking at her phone, nagttype siya. May katext ata.

"Tingin mo ba bagay kami ni Luke?" mahinang tanong ko sa kanya 

"Tao kayo, engot.." aniya 

Tinanggal ko ang aking ulo na nakasandal sa balikat niya then I looked at her horribly! She smirked, "Why are you asking me? Kapag ba sinabi kong hindi, hindi mo na siya sasagutin?" 

I played with my hands, "Kasi paano kung hindi pala kami para sa isa't isa? Kung may mga balakid na humahadlang." 

Tulad ngayon. I thought everything would be fine.

Newton's Princess Vol. 2 [ON-GOING]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora