Chapter 1: Welcome back

1.8K 73 16
                                    

Chapter 1: Welcome back

Daphnie's POV 

Paulit-ulit kong dinedecline yung tawag ni Luke dahil kasalukuyang nasa kwarto ko si Lorraine. Nandoon siya sa closet ko at pumipili ng damit. Hindi ko talaga alam sa babaeng 'to, napakarami niyang magagandang damit pero bakit damit ko ang pinagdidiskitahan. 

"Hindi ka pa ba tapos?" tanong ko 

She looked at me, sinabayan niya iyon ng irap, "Hoy Daphnie, baka nakakalimutan mo, binilhan kita ng camera---" pinigilan ko siyang magsalita 

Grabe nang-ungkat!

Tumango-tango ako, "Oo na oo na, kung gusto mo sayo na lang lahat yan sige" simangot ko sa kanya. 

We're already in good terms, though mataray pa rin yung way niya tuwing nakikipag-usap sa akin. Okay na ako doon kesa naman panay hila niya sa buhok ko tuwing nagkikita kami, diba? Hehe. Yung nanay naman niyang si Olivia, lumipad papuntang States kasama si dad, kaya nakakapagstay ako ngayon dito sa bahay nila. Tiyak naman kasing hindi matutuwa yun na makita pagmumukha ko. 

"Ah! Oo nga pala, I almost forgot!" she snapped, "I bought you a lingerie. Color black yon, isuot mo kapag sexy time niyo ni Luke" sabi niya tapos kumindat pa siya!

"You bought me a what!?" hiyaw ko 

"Lingerie! Bingi ka ba ha." aniya 

Tinignan ko siya. Abala niyang sinusukat yung denim jumper ko. Nang hindi makuntento ay kumuha pa siya ng halter top at skirt. Naghubad siya at sinuot ang mga iyon. Tamo 'tong babaeng 'to! Hula ko bigla nalang talaga akong masisiraan ng bait sa kanya eh. Kung umasta siya parang long lost sisters kami. Masyado siyang komportable sa akin lately. 

Napailing nalang ako.

Hindi naman kami ganun ni Luke eh.

Totoo naman! Anong sexy time pinagsasabi niya eh nanliligaw pa nga lang yung tao. Ang totoo nyan nagpaalam pala siya kay dad at sa mama ko noong debut ko. Akala ko nga magagalit si mama eh, kasi nga diba ayaw ng mama ko na matulad ako sa kanya. Gusto niya makapagtapos muna ako ng pag-aaral, pero ewaaaan. Charms ni Luke? Gusto siya ng mama ko para sa akin! Basta mag-aral pa rin daw nang mabuti. 

Medyo nappressure nga ako kasi lagi akong tinatanong ng mga tao kailan ko siya sasagutin. Hindi naman sa hindi ko gusto si Luke, feel ko lang hindi pa ako ready? 

Luh arte ko naman. Nagpapakipot, putik. HAHA 

"Okay na ako sa mga 'to," hinigpitan ni Lorraine ang pagkakatali doon sa bag na pinaglagyan niya ng mga damit ko, "Next time ulit, thanks sister!" she kissed me on my cheeks and went out of my room. 

Nakakaloka! Nagbabalak pa ng next time.

Nandito ako ngayon sa bahay nina Lorraine sa Pampanga, kung saan ako dati nakikitira. Actually, buong bakasyon talaga nagstay ako sa Bulacan kasama ang mama ko. Tinutulungan ko siya sa business niya. She is selling clothes! Pinapasuot niya sa akin then she takes pictures para ipost online. Kumbaga, naging model ako ng mga damit. Level up tayo dyan mga mars.

Dumaan lang ako dito kina Lorraine para sana kunin yung natitira kong gamit, bukas na kasi ang balik ko sa isa pang family ko. 

I smiled. Naalala ko sila bigla.

Newton. 

Nabalitaan ko kay Lorraine na nagpunta sa States sina dad at Olivia. Naawa nga ako sa kanya kasi bukod sa mga maids at guards, siya lang mag-isa dito sa bahay. Baka mabaliw 'to tulad ni Chikito. Gusto nga niya dito nalang ako matulog, hatid nalang daw niya ako bukas. 

Newton's Princess Vol. 2 [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon