08

967 61 7
                                    

MAX's POV

"Eh tito sya naman yung nauna eh
..."

Ayun kinagalitan ako, kay babae ko daw na tao tapos mananapak ng lalaki. "Kahit na, mali ang ginawa mo."

loh pasalamat ka nga pinagtanggol ko 'yang anak mo ih...

" One week ka palang sa univ... " *sighed "...Pero andami mo na agad nagawang kalokohan."

"Loh grabe ka tito, parang isa or dalawa palang 'yun!" Sigaw ko.

"Aba binilang mo pa." Pabulong na sabi ni tito habang umiiling.

"Eh! Sya naman talaga may kasalanan ah." Inis kong sabi sabah ngiwi.

Tanging iling lang ulit ang naging sagot ni tito. "Sasama ako sainyo sa pag puntang univ. And I want you to say sorry to Mr. Dawson."

Napakunot-noo ako sabay atras? Say sorry? To him? No- no way! Magkasala na 'ako lahat-lahat, 'wag lang mag-sorry sa dawson kuno na 'yun. As in A-Y-A-W-K-O.

"Ayaw mo? Then sa kuya mo ang uwi mo." Pilit akong napangiti.

"Jk lang, bakit ba napakamind reader mo tito? Sabi ko nga magso-sorry na..." Mahina kong sabi habang naka yuko.

"Good." Tipid nyang sabi sabay tapik ng ulunan ko. "Augustus tara na!" Sigaw ni tito kaya naman nagmadaling bumaba si kalendaryo.

Si tito ang nagddrive ngayon habang basa passenger seat si kalendaryo at ako nasa back seat, nakakagat kuko habang iniisip paano ako mag ssorry neto kay Dawson. "Kadiri ka." Sabu saken ni Kalendaryo na kanina pa pala 'ko pinapanood sa salamin habang nagkakagat kuko.

Batukan ko sana sya kaso naalala ko kasama pala namin si tito, kaya nvm hehe. After 10 minutes later, nakarating na kaming univ. Walang nagbago gan'on paren puro lalaki ang naka tambay sa labas. May naninigarilyo pa pero nung matanaw nila si tito kaagad nilang tinapon sa sahig at tinapak-tapakan.

"Mauna na kayo..." Sabi ni tito kaya naman lumabas na kami ni kalendaryo sa kotse.

Nasa tapat na'ko ng cafeteria ng mapansing naka sunod parin sa'kin si kalendaryo kaya naman hinarap ko s'ya. "Kailangan mo?" Tanong ko, past few days pag nasa tapat na'ko ng cafeteria ako nalang mag-isa, pero ngayon nandito parin si kalendaryo.

"Uhm ako? Lol wala kong kailangan, baka ikaw." Sagot nya kaya napangiwi ako.

"Ano nga?" Tanong ko pa ulit.

"Wala, I just want to know. Ano pinag-usapan n'yo ni daddy?"

Chismoso ka boy?

Napa-isip naman ako doon. "Gusto n'yang mag-sorry ako kay Dawson, kay Casper Dawson."

"Pft, daddy want you to say sorry to him? HAHAHAHAHAHA." Malakas na tawa nya na akala mo naman walang nang bukas, kaya naman yung ibang students napatingin dito kay kalendaryo.

"Oo, bingi ka?" Inis kong tanong.

Pagkasabi ko n'on naging seryoso na s'ya ulit. Hindi na sya nagsalita bagkus naglakad na palayo sa'kin na parang walang nangyari. Kaya naman mas pinili ko nalang na maglakad din papuntanga room ng mga kampon ni s*ntanas.

Nakasarado yung pinto pagkadating ko, pero rinig na rinig hanggang sa kabilang building yung kaingayan nila.

Binuksan ko yung pinto at dahan-dahan na pumasok. Silipin ko sana kung nand'on na si Dawson ng magsitayuan ang mga balahibo ng may humawak sa balikat ko mula sa likuran.

Iniayos ko ang tayo ko at kunti-kunting tinignan kung sino ang nasa likuran ko. Pero nawala rin kaagad ang kaba ko ng hindi si Dawson ang nakahawak sa balikat ko.

'Di ko alam kung anong name nya, basta ang alam ko isa s'ya sa mga nangbato sa'kin n'on ng mga papel. "Sorry." Kaagad nyang sabi sabay tanggal ng kamay nya sa balikat ko.

Ningitian ko nakang s'ya. "Ano bang ginagawa mo d'yan? Ba't ayaw mo pang-pumasok?" Cold nyang tanong mas cold pa sa powers ni Elsa.

"Natatakot ka sakanya?" Tanong n'ya pa na ikinakunoy ng noo ko. "I'm Jadey by the way." Sabi nya sabay ngiti ng tipid. "Don't worry, he's harmless."

Hindi nalang ako umimik, 'di ko rin naman alam kung anong ibig sabihin ng mga pinagsasabi nya. Ang kailangan ko nalang ngayon ay mag-sorry kay Dawson, kung hindi baka 'di na'ko magka-allowance neto.

Ilang subjects na ang natapos pilit kong sinisilip si Dawson sa likuran. May kaunting pasa pa s'ya sa mata nya kung saan ko sinapak. Why naman kase ako pa ang magssorry? Dapat nga s'ya eh, s'ya 'tong nauna.

Mayamaya pa nakaramdam ako ng papel na ibinato sa'ken. 'Di ko alam kung kanino galing yon kaya tumingin ako sa likod ko, kaso mga mukhang inosente naman ang mga dem*nyo.

Pinulot ko nalang 'yon at binuklat, 'di naman ako nagkamali dahil may nakasukat nga talaga do'n.

"Gr. 9 Building, rooftop. Meet me or else.."

- Cas.

'Yun ang nakasulat sa papel, kaagad naman akong napasilip kay Dawson na parang wala lang, nilalaro-laro lang yung ballpen sa mga daliri n'ya. Napatingin s'ya sa'ken kay kaagad akong umiwas.

Natapos na lahat ng subjects namin, at hanggang ngayon iniisip ko kung saan ba yung grade 9 building na 'yon. Ang yaman-yaman tapos wala manlang tour guy dito. Tama ba? Bahala na nga.

Syempre iniisip ko rin kung anong gagawin do'n at yung paano ako magssorry at higit sa lahat iniisip ko ren na may isip pala ko.

Pagkatapos ng ilang oras na paghahanap natunton ko ren ang kagwapuhan ko. Jok kita ko sa dulo si Dawson habang naka-upo sa bakal na upuan.

Huminga muna ko ng malalim bago s'ya lapitan, nakayuko lang sya nung lumapit ako kaya nagkaroon ako lalo ng lakas ng loob para magsorry na sakanya. "S-So---."

"I don't need your apologize." Putol nya sa sasabihin ko.

Hindi naman pala need, edi aalis nako. "Ah, edi alis na 'ko?" Tanong ko.

Hinawakan nya kaagad ang kamay ko na kinagulat ko naman. "No." Tipid nyang sagot.

Natampal ko naman ang sarili kong noo gamit ang isang kamay ko. "Eh? Ano kailangan mo? Hindi mo naman pala need ng sorry ko." Sabi ko.

Tinanggal nya ang pagkakahawak sa kamay ko at tumayo, dahan-dahan s'yang lumapit sa'kin, kaya naman ako napa-atras kaagad.

Lumapit sya sa tainga ko kaya ngayon ramdam na ramdam ko ang mainit nyang hininga. "Goodluck..." Bulong nya.

Nag-smirk pa sya bago lumakad paalis. Habang ako hindi alam ang gagawin, masyadong akong naging lutang.

______________________________________

bst hkdg
- 🍏✨

Ang Binibini Ng Finley UniversityWhere stories live. Discover now