18

605 49 0
                                    

Maxwell's POV

Dahan-dahan ko iminulat ang aking mga mata, anino lang ang nakita ko na nakaupo sa aking gilid at ng tuluyang luminaw ang lahat ay si Schoutsen ang una kong nakita.

"You're awake." Saad niya. "A-are you okay? May m-masakit ba s-sayo?" Tanong nito at halatang taranta.

Tango lamang ang naging sagot ko. Napabuga siya ng hininga at malawak akong nginitian. "Wait, let me call them."

Kaagad siyang lumabas at kaagad rin namang nakabalik pero ngayon ay nakasunod sakaniya sila Aber. "Bakit mo naman ginaya si Yukie?" Tanong ni Aber na ikinataka ko ng lubos.

"A-Ah? Anong nangyari sakaniya?" Tanong ko ngunit nagsalitan lang sila ng tingin ni Khenji. "Ano bang nangyari? Tsaka nasaan ba 'ko?"

"Nasa hospital ka." Sagot ni Josua.

Natawa naman ako ng mahina. "Ano namang dahilan para mapu---." Hindi ko na naituloy ng may maramdaman ako na kung ano na nakalagay sa aking kamay ng sinubukan kong maupo.

"Ano 'to? B-Bakit may ganito?" Kabado kong tanong at sinubukan iyong tanggalin pero pinigilan ako ni Schoutsen.

"Hayaan muna ang mga nurse na magtanggal niyan. Baka mapasama kapa lalo." Aniya.

"Haha ano bang nangyari? Teka dahil ba kay Casper kaya 'ko nasa hospital? Aish, napupuno na ako sa isang 'yan!" Inis kong sigaw.

"Pft." Kusang nanlaki ang mga mata ko ng mapansin na nandidito rin pala sa loob si Casper, nakaupo sa gilid.

"Are you serious? Hindi naman natin kasama si Casper ng bumisita tayo kay Yukie." Singit ni Calyx kaya mas lalo akong nagtaka.

Nanatili akong tahimik dahil hindi ko naman alam ang isasagot ko. "Maxwell. Don't tell me wala kang naaalala?" Tanong ni Klein.

"HALA NAGKA-AMNESIA KA?!" Napakalakas na tanong ni Aber.

Bigla siyang binatukan ni Calyx. "Tanga kung nagka amnesia siya edi sana pagpasok palang natin tinanong na tayl kung sino tayo! Mag-isip ka nga." Saad ni Calyx kay Aber na halatang triggered, napanguso lang si Aber.

"Wala akong maalala. Ang alam kong huli kong ginawa ay nakipag talo ako kay Casper dahil lang sa sa paa niyang sadyang niyang iniharang tapos natalisod ako at siya pa ang galit." Sabi ko.

"What? Why me?" Kaagad na tanong ni Casper. "What I know, nakaraan pang linggo nangyari 'yon." Dagdag pa niya, binigyan ko siya ng masamang tingin.

"Wala talaga, guys." Nagtaas ako ng balikat at ngumiti ng isang sigundo.

Mag aala una na nung payagan akong malakabas ng hospital. Naiwan ang iba at babalik daw sila sa room ni Yukie para doon naman maki aircon. Kaya ayon, ako, si Schoutsen at ang kumag na ito ang magkakasama.

May dalang kotse si Schoutsen kaya naman nagprisinta na siya na ihatid ako sa bahay. Okay sana at free ride kaso kasabay rin si Casper.

Magkatabi kami ni Casper sa backseat, sa totoo lang ayaw ko talaga pero no choice. Aish, mag iinarte paba 'ko e makikisakay na nga lang kay Schoutsen.

"Usad." Utos ko sakaniya.

Pero imbis na umusad ay mas lalo pa siyang lumapit saakin. "Tell me some story." Saad niya at inilagay ang ulo sa balikat ko, napapikit nalang ako sa inis.

"Ano ka gold?" Sarkastiko kong tanong sakaniya at itinulak siya palayo saakin.

"You crazy witch, ang sakit ah!" Reklamo niya.

"Deserved." Naalala ko bigla ang nangyari noon kaya natawa ako sa aking isipan na kaagad ding nawala ng maalala ko rin kung paano ako muntik na makuha ng maaga ni San Pedro dahil doon.

"Whatever. Just tell me a story."

Tumingin ako sa mukha niya. "Isang araw may isang batang ubod ng sama ang ugali pero 'di kalaunan tinamaan siya ng karma hanggang sa mawalan siya ng buhay, the end."

"Nice story, Maxwell." Komento ni Schoutsen at nag thumbs up pa.

"Boring." Saad naman ni Casper. Ngumiti siya at tumingin rin saakin. "Okay, okay. How about your story? Your childhood life?"

Hindi kaagad ako napagsalita ng makuha ng atensyon ko ang ngiti niya. "Don't just looked at me, I'm waiting." Saad niya kaya nabalik ako sa reyalidad at napailing-iling.

"Hindi ko alam, wala kong matandaan sa childhood life ko. Basta ang alam ko naging bata ako." Sagot ko.

Pero totoo, wala akong masiyadong maalala sa childhood life ko pwera nalang sa pag-aaway namin kalendaryo. "Come on, gusto ko mas makilala pa ang future wi---."

"Nandito na tayo Maxwell." Putol ni Schoutsen kay Casper.

"Panira. Yari ka saakin mamaya." Sabi ni Casper kay Schoutsen pero tinawa niya lang ito.

Bumaba kami ni Schoutsen at inalalayan ako hanggang sa makarating sa tapat ng pinto ng bahay. Nagdoorbell ako at ilang sigundo lang ang lumipad ay napagbuksan na ako ng pinto.

"Kuya?"

"What are you doing here?" Tanong niya.

Napakagat ako sa aking ibabang labi. "Mag-eex---." Napatigil ako ng mapansin na hindi naman siya saakin nakatingin kundi kay Schoutsen.

"Ah Kuya, classmate ko lang 'yan promise." Kaagad kong sabi dahil alam kong 'yun ang nasa isip ni Kuya ngayon. "Ahe, Kuya. Schoutsen Garcia ang name niya. And Schoutsen, kuya ko. Maxrine Garcia."

"Nice to meet you." Sabi ni Schoutsen kay Kuya at nag bow pa. "I need to go home na. Tsaka ihahatid ko pa pala si Casper, so bye Maxwell. Take care." Dagdag pa niya, tinanguan ko siya habang nakangiti.

Hinantay ko muna na makaalis ang kotse niya bago muling kaharapin si Kuya. "Ano ginagawa mo dito? Kahapon bigla ka nalang naging ghost."

"Emergency. Bakit ang aga mo nauwi? One palang ah? Hindi ba three ang uwian n'yo?"

Hindi kaagad ako nakasagot dahil hindi ko alam kung papaano ko sasabihin kay Kuya ang nangyari ngayon. "Ah kase, kase, kase. Kase ano pinauwi na kami kaagad! Oo kuya, pinauwi kami kaagad ng teacher namin Kuya hehe." Palusot ko.

Mukha naman siyang naniwala dahil tumango lang siya at hinayaan na akong makaakyat sa aking kwarto. Ikinuha ko ang phone ko kasabay ang paghiga sa kama. Pagkatingin ko ay ang unknown number na naman ang nagtext at merong ding text ni kalendaryo. Una kong binasa ang text ni kalendaryo.

"Where are you? Nagpunta ako sa room niyo but wala ka."

Kaagad kong dinelete ang text niya dahil 'di ko alam isasagot ko sakaniya. In-open ko naman ang text nung unknown number na sobra kong ikinagulat.

"R u feeling well now?"

"Maxie..."

// Errors ahead, lame, slow updates.

Ang Binibini Ng Finley UniversityWhere stories live. Discover now