02

1.5K 80 3
                                    

MAX's POV

Bakit puro lalaki?

Lahat sila nakatingin sa akin. Parang gulat na gulat din sila nang makita nila ako. Meron ibang naka-ngiti, meron ding seryosong nakatingin sa akin.

Dahan-dahan akong napalunok habang naglalakad papunta sa upuang nasa tapat ng pinto. Eto ba yung sinasabi ni Tito kanina?

Hindi ko nalang sila pinansin, inilabas ko nalang ulit ang earphone ko. Hindi ko na naituloy ang balak kong paglalagay ng earphone sa tenga ko ng may isang lalaking nagpunta sa harapan ko.

Inilapit nya ang mukha nya at nilibot-libot ang mga mata nya sa buong mukha ko. Tumingin pa sya sa baba.

Hinawakan nya ang palda ko at balak pa sana nyang itaas pero bago mangyari yon isang malakas na sampal ang natanggap nya sa akin dahilan para mapa-upo sya sa sahig.

Narinig ko nalang ang tawanan ng iba sakanila. Tumayo syang nakahawak ang isang kamay sa pisngi nya. "Confirm babae, nananampal eh!"

Ewan ko pero parang ngayon lang talaga sila nakakita ng babae...

Mga reaksyon eh...

Tumayo ako at pinandilatan sya ng mata. "Hoy aber! Abnormal ka ba?!" Inis kong tanong.

Dahan-dahan syang napangiti. "Sabi ko sayo Schout tape may stalker ako eh." Sinundan ko kung saan sya nakatingin, sa lalaking naka-jacket kahit mainit. Wala namang naging reaksyon yung lalaki.

Teka ano ulit yon? STALKER!?

"Aba aber, anong sabi mo stalker? Ako?" Tanong ko at natawa.

"Oo. Sinabi mo nga pangalan ko eh." Bigla akong napatigil sa pagtawa.

"Ano bang pangalan mo?" Kunot-noo kong tanong.

"ABERis James Guerrero." Eh? Ewan ko bang Aber pala ang pangalan ng isang to.

Mayamaya, may isang lalaki ang tumayo at lumapit sa amin ni Aber. "You entered the wrong room." Walang-emosyon nyang sabi habang may nakasupalpal na lollipop sa bunganga nya.

Tinaas ko sya ng isang kilay. "Excuse me lang ah, sabi sa brochure nato na section 143 ako..." Buong tapang kong sabi habang pinapakita sakanya ang brochure na binigay sa akin ni Tito kanina. "...Sure naman akong section 143 ang pinasukan ko, hindi naman ako bulag para hindi makita ang nakalagay sa gilid ng pinto ng room na tinutung-tungan ko."

"Ang daming sinabi. Umalis ka nalang kung ayaw mong masaktan." Napangiti naman ako at napa-iling.

Nanghahamon ata ang isang to eh...

"Saktan? Sasaktan nyo ko kapag hindi ako umalis sa room na dapat kong pasukan?" Tanong ko.

Bahagya syang napangisi. "Oo. Hindi porket babae ka sa tingin mo hindi na kita papatulan?"

"Bakit sinabi ba ko?" Halos lumuwa na ang mata ko para lang kunwaring di ako natatakot sakaniya.

Oo na, nakakatakot talaga sya.

*Clap* *Clap* *Clap*

Halos lahat kami napatingin sa lalaking pumalakpak at pumasok sa pesteng room na to. "Best actress and best actor." Sarcastic nyang sabi.

At sino namang hampas lupang to?

"Mr. Gadaingan." Sambit ng lalaking mukhang dragong nasa tabi ko.

"What's up? Maayos ba ang practice nyong dalawa?" Tanong nya.

"Hehe opo! Balak po talaga nilang sumali sa contest, yung alam nyo hehe." Sabi ni Aber habang nakangiti ng malawak.

Ang Binibini Ng Finley UniversityWhere stories live. Discover now