30

404 33 0
                                    

Maxwell's POV

"We're here." Saad ni tito habang nakatingin saakin ngunit 'di ako nagbalak na gumalaw sa kinauupuan ko.

Aish! Ang laki ng kasalanan ko kay Aber, mas malaki pa sakan'ya. "Tss. Don't worry and besides, you don't have to talk to him, we just got invited because Dad and his Dad were classmates on high---."

"That's enough, Augustus. You've gotten so far." Putol sakan'ya ni tito na ikinatingin ko sakanilang dalawa.

Classmates? Woah. "Sorry, Father." Saad ni kalendaryo kay tito. Kaagad na isinalin saakin ni kalendaryo ang tingin n'ya. "Let's go inside, the party is about to start."

Wala na akong ibang nagawa, dahil nga sabi ko ay ayaw kong maging pabigat sakanila. Pero ngayon palang ay sobra na, kaya sinunod ko nalang ang sinabi nila kahit nakakahiya na makipagharap kay Aber.

Nasa likod lang ako nila at nakasunod. 'Di ko maiwasang 'di mamangha dahil sa sobrang laki ng building na pinasukan namin. Napakadami ring tao na halatang mula sa mayayamang pamilya. Hindi ko inakala na sobrang yaman pala nila Aber, samantalang ay tuwang-tuwa pa sa tuwing nililibre ko s'ya. Hindi n'ya naman siguro ako tinatawanan nang patago kapag chitchirya lang na tig fi-15 ang binibili ko sakanila ni Denden 'no?

Napailing ako, sigurado namang hindi! Kukutusan ko talaga ang batang 'yon pag totoo nga ang aking naiisip na tinatawanan n'ya lang ako dahil 'yon lang ang nalilibre ko sakanila. Muli akong napailing, pasalamat nga s'ya nililibre ko s'ya e' tse!

"Are you okay Max?" Tanong ni tito dahilan upang mapatingin ako sakaniya.

"Ah? Wala, ayos lang ako. May nangyari ba?" Kaagad na tanong ko. Tumingin saakin nang diretso si tito ng ilang sigundo at tsaka umiling.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa huminto ang dalawang nasa harap ko. "Good morning Mr. Guererro, it's a pleasure to be here." Nakangiting saad ni tito sa isang lalaki.

Tatay ni Aber? Tumingkayad ako para makita ang mukha ng lalaking 'yon. "Wow, kamukhang-kamukha n'ya si Aber." Pabulong kong saad.

"Come on, Auquelo. Don't call me Mr. Guerrero, we're not on business. And we're old buddies, Angelo will always do, okay?" Dinig kong saad nito, tumango naman si tito.

Old buddies? Hindi lang sila mag classmates? Cool, ngayon ay mas nacu-curious na ako kung anong klaseng pagkakaibigan ang mayroon ang tatay ni Aber at si tito. Sa hindi ko alam na dahilan ay automatiko akong napatingin kay kalendaryo na simple lang nakangiti ngayon.

"Mr. Dawson? Nice haha, it's seem we didn't used to be bestfriends before, Augustus."

"You must be Augustus? Ang laki mo na, you're just a little ng dalhin ka ng Dad mo sa J.G. Company." Mahinang natawa ang tatay ni Aber at ganoon din si tito.

"Thank you for having us at your son's birthday celebration, Mr. Guerrero." Sagot naman ni kalendaryo at nag bow sa tatay ni Aber.

"You're welcome. Just enjoy the party- oh, who's the girl behind you?" Tanong ng tatay ni Aber kaya naman napatingin ako sakan'ya at awkward na nginitian.

Ako lang naman nasa likod nila tito kaya panigurado na ako ang tinutukoy n'ya. Marahang hinawakan ni tito ang magkabila kong braso at inilapit n'ya sa roon sa tatay ni Aber. "She's my niece, her name's Maxwell." Nanatili ang ngiti ko at ginaya ang pag bow ni kalendaryo.

"Maxwell?" Banggit ng tatay ni Aber sa aking ngalan ngunit nagtaka ako dahil may patanong na tono sakaniyang pananalita noong binanggit iyon.

Bigla na lamang akong kinabahan dahil na rin sa reaction nito. "B-Bakit po? May problema po ba?"

Ang Binibini Ng Finley UniversityWhere stories live. Discover now