26

512 38 1
                                    

Maxwell's POV

"Maxwell." Dinig kong tawag saakin, hindi ko naman maigawang imulat ang aking mata dahil sobra pa akong inaantok.

Inalog-alog pa ako. "Mamaya na kalendaryo." Inis kong sabi.

"What calendar?"

Napamulat kaagad ako ng makilala na ang boses na 'yon. "Y-Yukie." Saad ko at kaagad na napatayo. "Okay ka na? Kamusta na pakiramdam mo?" Tanong ko rito.

Nakita ko ang pagngiti n'ya. "I'm totally fine, thank you."

Napangiwi ako dahil sa sagot n'ya. "Nice joke. Mahiga ka nalang ulit, kukuha lang ako ng pagkain." Saad ko at pinahiga s'yang muli.

Pagkapunta ko sa kusina nagulat ako ng makita roon si kalendaryo. "You're awake. Oh eto." Sabi n'ya at binigay saakin ang 'di kalakihang tray na punong-puno ng pagkain.

Paalis na sana s'ya pero kaagad kong pinigilan. "Augustus, wait."

Napatingin s'ya kaagad saakin at nagtaas ng isang kilay. "So---Sorry. Hindi ako nakinig sa'yo." Saad ko at bahagyang napayuko.

"It was Casper's fault, so don't be sorry."

"Hindi mo naman siguro ako isinumbong, hindi ba?" Tanong ko at weird na napangiti.

"Of course, I do." Sagot n'ya na ikinatulala ko, lagot. "Puntahan mo na si Yukie, naghihintay 'yon sa'yo." Sabi pa n'ya at nagpatuloy na sa pag-alis.

Nakasimangot akong nagpunta kay Yukie. "What's with your face?" Tanong n'ya.

Inilapag ko sa lamesa ang tray na 'yon. "Wala na, last day ko na sa mundo Yukie." Wala sa sarili kong sagot.

"Huh? What do you mean?" Tanong ni Yukie.

"Waaah. Sinabi ni Augustus lahat ng nagyari kahapon." Sagot ko habang nakatalukbong ng kumot.

Narinig ko ang pagtawa n'ya. "Umuwi kana." Utos ko sakan'ya habang masama ang tingin.

Napatigil s'ya sa kan'yang pagtawa. "Wala akong dalang pera, give me some and I'll go home." Saad n'ya at malawak na ngumiti.

Bigla akong nakaramdam ng kabog sa aking dibdib ng ngumiti s'ya ng ganoon. "Are you okay Maxwell? Your...Your cheeks are red." Sabi n'ya.

Iniwas ko ang mukha ko sakan'ya, natakpan ko bigla ang aking buong mukha. Talaga bang? Namumula ang pisngi ko? Arghh, nakakahiya!

"By the way, kaninong damit 'tong suot ko---." Napatingin ako sakan'ya ng bigla nalang s'yang napatahimik.

Napatingin ako sa damit na suot n'ya. Nanlaki ang mga mata ko ng maisip ang maaring naiisip n'ya ngayon. Kaagad akong naipailing. "S-Si tito, ang nagpalit sa'yo p-promise." Saad ko.

Bigla s'yang napatayo. "I'll go home, ibabalik ko nalang. T-Thank you." Aniya at halatang nahihiya s'ya.

"Magpahinga ka nalang Yukie, h'wag kanang pumasok." Sabi ko sakan'ya, nginitian n'ya ako at tinanguan bago umalis ng bahay.

Nang makumpirma ko ng nakaalis na s'ya. Napapikit nalang ako sa kahihiyan at dali-daling nagpunta saaking kwarto para magligo na at magbihis.

"Mauna kana." Ani kalendaryo ng makarating kaming F.U.

Kinuha ko ang bag kong naiwan ko rito kahapon sa kotse ni kalendaryo. Bago ko hawakan ang pintuan ng kotse bigla nalang akong may naalala, pero ngayon ay wala na 'to ngayon. Sigurado akong doon ko idinikit ang sticker na 'yon pero ngayon wala na talaga. Pasimple akong napatingin kay kalendaryo bago lumabas ng kotse.

Ang Binibini Ng Finley UniversityWhere stories live. Discover now