24

504 35 0
                                    

Maxwell's POV

"Ayokong maulit-ulit 'yon." Saad ni kalendaryo habang sabay kaming naglalakad papuntang room.

Labag sa kalooban na tumango ako. Hindi ko na nakuha sakaniya ang binigay saakin ni Casper, pero bakit ba binigay saakin ni Casper ang phone number niya?

Napahinto ako bigla ng makita si Aber na kasama si Yukie at Denden. Ngayon ko lang napansin na nakatingin pala saakin si kalendaryo na wala namang kareak-reaksyon ang mukha pero alam ko na ang ibig niyang sabihin.

Huminga ako ng malalim. Ramdam ko na nakatingin silang tatlo saakin pero naglakad lang ako na parang hindi sila nakita. Nang makalayo-layo na kami, napabuga ako ng hininga. "Don't make yourself too obvious." Saad ni kalendaryo.

Nauna siyang pumasok sa loob ng room habang ako nakatayo parin dito. Sumisikip ang dibdib ko sa tuwing nakikita ko sila, parang bang nakagawa ako ng malaking kasalanan.

"Maxwell..."

Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang boses na 'yon, alam kong siya 'yon. "Oh, hi Yukie." Saad ko at simpelng ngumiti.

"Maxwell!" Sigaw ni Soulxey at inakbayan ako ng makalapit siya saakin.

Tinanggal ko ang kamay niya sa balikat ko. "Good morning, Soul." Bati ko sakaniya at pumasok na sa loob habang nasa likuran ko si Soulxey.

Pasimple akong tumingin sa ilabas at nandodoon pa si Yukie, nakatayo lang siya doon habang nakatingin sa malayo.  Napayuko nalang ako sa sobrang inis sa aking sarili.

"Anong ginagawa ng lalaking 'yan dito?" Tanong ni Venus? Venus ata ang name niya.

Nagulat ako doon dahil nakatingin rin siya sa kung saang direksyon ako nakatingin. "Hindi ko alam! Hehe sige na bumalik kana sa upuan mo." Sabi ko sakaniya at tinulak siya papunta sa desk niya.

"I remembered something." Saad ni Soulxey na ikinakunot noo ko.

"Ano?" Tanong ko rito pero sa totoo lang ay wala akong interes malaman.

"Yung binigay ko? Ano ayos ba?" Tanong niya na mas lalo kong ikinataka.

"A-Ah? Anong ibinigay?" Tanong ko naman. Wala akong maalala na ibinigay niya.

Napanguso siya. "'Yung binigay kong box! 'Yung iniabot ni Clarc."

Kinurap-an ko lang siya. "Sinong Clarc?" Tanong ko pa.

Natawa ako sa reaksykn n'ya habang napasabunot sa kan'yang sariling buhok. "Go back to your seat, Soulxey." Utos ni kalendaryo.

Kaagad na sinunod ni Soulxey si kalendaryo. Wao, samantalang kapag ako inutusan niya bandang huli utos niya gawa niya. "Here." May binigay siya saaking maninipis na libro na nakapagpaalala saakin nang librong makakapal na may instant ipis pa sa loob.

"Aralin mo lahat n'yan." Sabi pa niya, napanganga ako.

"Lahat talaga?" Tanong ko habang binubuklat isa-isa ang pahina ng libro. Feeling ko tuloy kumapal ang libro na 'yon.

"Yes, didn't you hear me?" Sarkastikong tanong niya.

Tinignan ko siya ng masama ng maglakad na siya palayo saakin.

Oras ng lunch time pero mas naisipan kong bumukod kay kalendaryo at sa mga kaibigan n'ya. Naguguilty na talaga ako kaya gusto ko na silang kausapin kahit ilang minuto lang.

Sumilip ako sa bintana. Nakaupo sa pwesto ko dati si Aber habang nakayuko. Nakasarado ang pinto kaya kumatok muna 'ko. "SABI H'WAG NA KAYO MAGTURO!" Sigaw mula sa loob, boses ni Kale.

Pumasok nalang ako kahit wala nilang pahintulot. "Ang kulit m---." Bigla napahinto si Traise ng ako ang makita. Kinalabit niya si Casper na nasa katabing upuan niya lang.

"Max!" Masyang sigaw ni Aber at niyakap ako ng mahigpit, hindi ko mapagilan ang sarili kong hindi mapangiti.

Lumapit saakin si Denden at ganoon rin sa Khenji. "Dito kana ba ulit papasok?" Tanong ni Denden na nasa masayang tono.

"Akala ko nakalimutan muna kami." Saad ni Khenji.

Kusang nawala ang ngiti sa aking labi ng mapatingin ako kay Yukie, cold lang s'yang nakatingin saakin. Kinawayan ko siya kahit alam kong walang magagawa ang pagkaway ko sakaniya.

Napansin ko nalang na nasa harap ko na pala si Casper. "Leave and don't ever comeback." Aniya.

Bahagya akong napayuko. "Balak ko sanang magpaliwanag pero sige aalis na 'ko." Saad ko, naramdaman ko ang mahigpit na pagkakahawak saakin ni Aber sa braso.

"Fine. I'll give you 1 minute to explain." Striktong sabi ni Casper, nagbago na naman ang ihip ng hangin samantalang ang bait niya saakin kahapon.

"Kailangan ko lumipat ng ibang section para daw makalayo ako sa gulo, at para makalayo ako sa'yo." Pagpapaliwanang ko sabay duro kay Casper.

"Ah, so at the first place it was Casper's  fault?" Patanong na sabi ni Traise.

"Ikaw pala may kasalanan Ley." Sabi ni Astros at natawa.

"LEAVE." Mariin na sabi ni Casper.

Lumabas narin ako dahil isag minuto lang naman ang binigay pero hindi ko inaasahan na nasa ilabas si kalendaryo.

Hinawakan niya ng mahigpit ang pulsuhan ko. "I told you not to---."

"Let her go." Sabi ni Casper, nagulat ako ng hawakan niya ang isa ko pang kamay. Kung gusto n'yo ang kamay ko, pakisabi nalang hindi 'yung ako pa pahihirapan n'yo, ang sakit kaya.

"What's your deal Mr. Dawson? Would you mind your own business and don't ever try to disturb Maxwell, again."

"Mr. Dawson? Nice haha, it's seem we didn't used to be bestfriends before Augustus." Sabi ni Casper at ngumisi.

Naging magkaibigan sila noon? Pero bakit ganoon nalang ka-hate ni kalendaryo si Casper? "Shut up." Pabulong na sabi ni kalendaryo. "Bitawan mo si Maxwell. Magpinsan kami, at hayaan muna siyang tuluyang mawala sainyo." Dagdag pa ni kalendaryo.

Susugudin sana ni Aber si kalendaryo pero hinarang ni Denden at Sycriust ang pinto kaya hindi siya nakalabas. Natawa nalang ako saaking isipan, medyo nababagot narin ako sa dalawang 'tong nakahawak saakin. Masakit narin ang pulsuhan ko.

"Casper..." Sabay-sabay kaming napatitinging tatlo kay Yukie. "Can you just...Can you just listen to Augustus?" Tanong ni Yukie.

Halatang nagulat si Casper sa sinabi niya pero nanatili paring seryoso ang mukha ni Casper. "No." Kaagad akong napatingin kay Casper. At mayamaya pa ay tumingin rin saakin si Casper. "Maxwell is my girl, so why would I?"

Nanlaki ang mata ko. Mas lalo pa akong nagulat ng hilain niya ako papalapit sakaniya dahilan para mapabitaw na saakin si kalendaryo.

Hindi ako nakagalaw sa susunod na mga nangyari. Halos wala narin pumapasok sa utak ko. Totoo ba 'to? Sana gawa-gawa lang ng mga illuminati ang mga nangyayari, sana kaso malabo. Mas gugustuhin ko pang hindi mabigyan ng allowance ni tito sa buong isang taon kaysa mahalikan ng lalaking 'to.

/Lame, errors ahead, slow ud's.

Ang Binibini Ng Finley UniversityWhere stories live. Discover now