35

514 27 4
                                    

Maxwell's POV

15 minutes kaming bumyahe papunta sa kabilang baryo. Dapat ay talagang 8 minutes lang dahil malapit lang naman talaga 'yon lalo na sa F.U. Kaso matraffic. Basta ang mahalaga ay nakarating kami, hehe.

"Who are you looking for?" Tanong ni kalendaryo, siguro kanina n'ya pa ako napapansing tingin ng tingin sa paligid.

Bigla akong napatingin sakan'ya. "Wala ah." Sagot ko habang umiiling.

Nakita ko ang pagngiwi n'ya. Naglakad s'ya papasok sa isang doughnut house kaya naman sumunod ako sakan'ya. Pagkaupo ko ay may iniabot s'ya saaking pera na ikinataka ko. "Go buy some doughnuts, I'm going to find Dad. Stay here." Aniya at kaagad na naglakad palabas muli.

Napanguso ako habang nakatingin sa 200 pesos na binigay n'ya. "Ano namang bibilhi---." Napahinto ako ng makita ang iba't ibang flavor ng doughnuts, kahit tignan palang ay mukha nang masarap.

"May I take your order, Ms?" Nakangiting tanong ng babaeng cashier.

Nagturo ako ng kung ano-ano na feeling ko ay masarap. Inilagay ng babae ang lahat na 'yon sa isang tray at binigay saakin. "Thank you." Nakangiting sabi n'ya kaya nginitian ko rin ito.

Bumalik ako sa kaninang inuupuan ko. "Did you tell something to her?"

Kakagat na sana ako ng doughnut ng marinig ang pamilyar na boses na 'yon. Patago akong sumilip, nanlaki nalang kusa ang mata ko ng makita si Yukie at Casper. May pader lang manipis na nakaharang sa gilid ko kaya 'di nila ako napansin o nakita.

"No, I just dance with her just like what you said." Sagot ni Yukie, para bang may masakit akong naramdaman nang marinig ko 'yon sakan'ya.

Ibig sabihin ba ay isinayaw n'ya ako dahil sinabi n'ya?

"Idiot, I don't remember that I told you to dance with her. It's just..." Pinilit kong 'di makinig sakanila at sinubukan i-enjoy na lamang ang mga binili kong doughnuts. "...I know she wouldn't dance with me. But at least you took some of her time." Pero 'di ko mapigilan.

Took some of my time? Nakipagsayaw s'ya saakin para lang i-distract ako? Pero para saan? Huminga ako nang malalim at sa 'di sinasadya ay aksidente kong nasanggi ang tray ng doughnuts ko kaya nahulog 'yon sa sahig.

"Oh Ms. are you---." Pagkatingin saakin ni Yukie ay napahinto s'ya kaagad sa pagsasalita n'ya.

Hindi kaagad ako makagalaw dahil doon. "Maxwell? What are you doing here?" Tanong naman ni Casper na nakunot noo.

Pinilit kong ngumiti. Umiling ako. "Wala, s-sige bye." Aniko at tumayo. Nagulat na lamang ako nang hawakan ni Yukie ang kamay ko kaya napatingin ako sakanila. "May sasabihin ka ba? Baka magalit si Augustus kapag nakita n'yang nakikipag-usap ako sa'yo." Saad ko.

"Correction “sainyo” what do you think of your boyfriend, just a wind?"  Mapang-asar na tanong ni Casper pero 'di ko na s'ya pinagtuunan ng pansin.

Napatingin ako sa pinto ng may bell na nagring, pagkatingin ko ay saktong si Augustus ang pumasok. Binitawan na ni Yukie ang kamay ko ng tumingin ako sakan'ya.

"Hey."

Lakas loob kong hinarap si kalendaryo, pero na kay Casper ang tingin n'ya. Binaling n'ya na saakin ang tingin n'ya habang napakaseryoso ng mukha. Napailing ako ng ilang beses. "Wala akong ginawang mali..." Ganoon parin ang reaksyon n'ya kaya feeling ko ay 'di s'ya naniwala. "Bukod doon." Dagdag ko pa habang nakaturo sa doughnuts kong nasa sahig pero nililinis na ng isang crew ng doughnut house.

Ang Binibini Ng Finley UniversityWhere stories live. Discover now