23

502 34 1
                                    

Maxwell's POV

Feeling ko ang sama kong tao, napapansin ko na kanina pa gumagawa ng paraan si Aber para makausap ako. Katulad nalang kaninang umaga, pinikit kong 'di maging marupok. Ang sabi sa'kin ni kalendaryo kailangan ko raw talagang gawin 'yon, at masasanay rin naman daw ako.

Hindi naman ganoon mahirap pakisamahan ang mga classmate ni kalendaryo pero hindi parin talaga ako sanay na kumausap ng ibang lalaki bukod sakanila.

"Maxwell, ang gwapo ko 'di ba?" Tanong ni Soulxey habang nags-swag face sa harapan ko.

"Aray!" Napahawak siya sa kaniyang ulunan dahil sa lakas na pagbatok sakaniya ni kalendaryo.

"Don't disturb her, mins your own business." Striktong sabi niya kay Soulxey.

Napangiwi ni Soulxey. "Fine Mr. Augustus Finley."

Natawa ako sa aking isipan ng bigla siyang suntukin ng 'di ganoong kalakas si kalendaryo sa dibdib. "I told you, stop calling me Mr." Inis na sabi ni kalendaryo sakaniya pero tumawa lang siya at naglakad pabalik pwesto niya.

"Later." Saad ni Soulxey bago siya maupo sa desk niya, kinindatan niya pa 'ko.

Napakurap nalang ako sa ginawa niya. Napayuko nalang ako ng makaramdam ako ng mabigat saaking dibdib. Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko. Naguguilty talaga ako na hindi ko manlang naisabi sakanila ang paglipat ko. Nagtatampo kaya saakin si Aber? Galit kaya sila ni Denden?

Natapos ang klase naisipan kong dumaan sa room na iyon. Sisilip lang naman ako atsaka aalis narin kaagad. Baka makita pa nila ako at mas lalo lang akong maging marupok.

Napatingala ako habang naglalakad at nakuha ng atensyon ko ang rooftop, bigla nalang akong may naalala na pangyayari doon. "Missed me?"

Dumaloy ang parang kuryente saaking buong katawan dahil sa bulong na 'yon, isama ba ang cold niyang hininga. "C-Casper." Pabulong kong banggit sa pangalan niya.

Pasimple akong napaikagat sa aking ibabang labi at iniisip na sana h'wag niyang itanong kung bakit ako umalis ng hindi manlang nagsasabi. Alam kong wala siyang pakialam saakin for sure nga na masaya pa siya na nawala na ako sa section 'yon, pero alam kong may pakialam saakin ang iba.

"Can we talk?" Tanong niya.

Ilang sigundo rin ang inabot bago ako tumango. Inantay ko siyang magsalita, pero ilang minuto na ang lumilas titifan lang ang nagawa namin. "Akala ko ba gusto mong mag-usap tayo?" Tanong ko.

Tumango siya. "But not here." Sagot niya, nanlaki ang mga mata ko.

Napangiwi siya. "Tss. Doon tayo sa bagong tayong milk tea shop." Sabi niya.

Kaagad akong napailing, bakit doon pa! Sabi nila masarap daw milk tea doon, kaya bakit doon pa kung kailan wala akong pera.

"Ililibre kita don't worry." Saad ni Casper na ikinangiti ko ng simple.

"Tara na dali ang bagal mo." Pabiro kong reklamo sakaniya.

Nakita ko ang pagngisi niya at binilisan na ang paglakas para makasabay ako. Well, hindi naman lahat siguro ng kinaiinisan ko nasalo niya. Mabait rin naman pala ang nilalang na 'to, by the way sa part lang na inilibre niya ako ah.

Feel na feel ko ang sarap habang sumisipsip sa milk tea pero naaawkward-an ako kay Casper dahil 'di manlang niya binawasan ang binili niya para sakaniya, nakatingin lang siya saakin.

"H'wag mo'kong tignan, naiilang ako." Reklamo ko sakaniya pero nanatili lang siyang nakatingin saakin.

"Ok-Okay? Bakit mo ba 'kong makausap?" Tanong ko sakaniya, patago akong napasmirk. Siguro nagsisi siya sa mga pinaggagawa niya saakin. Ayan ang very good, makonsensya kalang please.

"I just want to stare at you." Sagot niya, tinaasan ko siya ng isang kilay.

"Sige aalis na 'ko." Akmang aalis na ako ng bigla siyang napatayo at hinarang ang kamay niya.

"I'm just joking." Sabi niya.

Tumingin ako sakaniya ng diretso, gusto lang ata akong pagtripan ng lalaking 'to e. Muling akonh bumalik sa aking pagkakaupo at ganoon rin siya.

"Why'd you left?" Tanong niya.

Sabi na nga ba at tatanungin niya rin ako tungkol doon. Huminga ako ng malalim habang nag-iisip ng kung anong maaring isagot, dahil wala talagang pumapasok sa utak ko ngayon.

"Maxwell." Napatingin ako sa boses na 'yon na nanggaling mula sa ilabas. Nanlaki ang mga mata ko ng makita si kalendaryo na nasa ilabas.

Nakita ko ang pag-iling ni Casper at ang mukha niyang halatang inis. "Wait." Napahinto ako sa aking paglalakad.

May kinuha siya sa bulsa niya at binigay saakin 'yon. Nagkasalubong ang mga maga namin bago ako makalabas ng milk tea shop.

Itinago ko sa bulsa ng aking palda ang binigay niya bago ko malapitan si kalendaryo, saglit akong mapahinto ng may makita ako sa 'di kalayuan. Nagmadali na akong sumakay kahit alam kong nakita na nila ako.

"What are you trying to do?!" Inis niyang tanong habang nagmamaneho.

"Inilibre niya lang ako ng milk tea, wala akong sinabi na kung ano." Sagot ko sakaniya.

Hindi na siya nagsalita kundi binilisan niya nalang ang pagd-drive n'ya kaya kaagad kaming nakarating sa bahay. Umakyat ako sa kwarto at dali-daling kinuha mula saaking bulsa ang binigay ni Casper saakin.

Nakakunot noo nalang ako ng wala akong makapa. Tinignan ko ang bag ko at halos tinanggal narin ang lahat ng gamit na nandodoon pero hindi ko parin nakita.

Lumabas ako at naglakad papunta sa kwarto ni kalendaryo. Wala namang tao kaya naisipan kong idikit ang aking tainga sa pinto. "How dare he to gave his number to her?" Inis na tanong ni kalendaryo.

Sumilip ako sa gilid ng pinto para malaman kung ano ang tinutukoy niya. Napakurap nalang ako ng tatlong beses na makitang may hawak siyang papel. Sigurado ako na ang papel na 'yon ang binigay saakin kanina ni Casper. Paano niya nakuha saakin?

"What are you doing here Maxwell?" Tanong mula saaking likuran.

Napaayos kaagad ako ng aking pagkakatayo. "Ah hehe wala tito, manghihiram lang sana ako ng ballpen kay kalendaryo." Pagpalalusot ko.

"Bakit hindi mo s'ya katukin? Nag-away ba kayo?" Tanong ni tito at akmang kakatok na sa pinto ni kalendaryo pero kaagad ko siyang pinigilan.

"Huwag." Saad ko, nakita ko na naging kakaiba ang expression ni tito. Napakamot ako sa aking ulo. "Naalala ko bigla tito may inilagay pala akong ballpen sa cabinet ko kaya h'wag na hehe." Sabi ko pa. Napatango lang si tito at nagmadali na akong pumasok sa aking kwarto.

/lame, errors ahead, slow updates. hi!! :3

Ang Binibini Ng Finley UniversityWhere stories live. Discover now