20

554 37 0
                                    

Maxwell's POV

"It's time for you to say goodbye to them." Sabi ni kalendaryo na ikinatingin ko sakaniya.

Magkasabay kaming pumasok ngayon. "Pwede bang i-extend?" Pabiro kong tanong sakaniya.

Tumingin siya saakin ng kakaiba. "Why? Don't tell me nagustuhan mo na 'yung Casper na 'yon?" Tanong niya na ikinatawa ko ng malakas.

"Baliw! Mamimiss ko lang sila Aber." Dahilan ko. Perp ang totoo kung kailan pa nagkamabutihan na kami ni Yukie tsaka pa bigla akong malalayo. Oo na sige na, hindi nga 'ko kay Casper na hulog pero kay Yukie naman. Pero mas mabuti nga 'yon e kaysa kay Casper!

Si Yukie, halos na sakaniya na lahat. Habang si Casper, na sakaniya na lahat na ikakainis mo. "Hoy Augustus! May tanong ako."

"What?" Tanong niya naman na halatang irita saakin.

"Kilala mo si Yukie 'di ba? Gaano mo siya kakilala?" Tanong ko.

Huminto ng pagkalakas-lakas ang kotse at muntikan pa akong mauntog. Tinignan ko siya ng masama. "We're here. Bumaba kana."

Wala akong ibang nagawa kundi ang bumaba kahit na inaantay ko ang sagot niya sa tanong ko.

Napabuga ako ng hininga ng makarating ako sa harap ng classroom nila. Oo, nila dahil simula sa Monday hindi na 'ko iisa sakanila. "Anong ginagawa mo? Tititigan mo lang ba room natin?" Tanong ni Astros na kakalabas lang.

"Oo tititigan ko lang." Sagot ko sakaniya.

Gusto ko lang titigan hanggang sa malusaw. Nakakapanghinayang talaga kung kailan iilan na ang kilala ko sakanila tsaka pa ulit ako magkakabisado ng mga pangalan ng bago kong magiging classmate.

"Okay?" Pumasok na ulit siya sa loob ng room at sumunod na ako.

"Bakit hindi ka pumasol kahapon ha?! Wala rin si Yukie, nagdate ba kayo?" Kaagad na tanong saakin ni Aber pagkaupo ko saaking upuan.

"A-Ah? Nagpahinga ako magdamag sa bahay. Ano kinalaman doon ni Yukie?" Pagsisinungaling ko. Oo magkasama kami ni Yukie kahapon, pero hindi date 'yun ah.

"Sabi kasi ni Locke nakita niya kayong magkasama ni Yukie sa grocery." Nanlaki ang mga mata ko atsaka kaagad na hinanap ng aking mga mata si Locke.

"Sabing secret lang 'yon eh!" Sigaw ni Locke na kakapasok lang.

Nakita niya talaga kami? Natahimik ako saglit para magisip kung anong pwedeng idahilan. "Ah, tungkol doon. Coincidence? Yes yes coincidence lang. Nasaktong napunta ko doon kase nawala  ako ng stock tapos nandodoon rin siya." Hindi ko masabi kung naniwala ba sila saakin. "Aish! Ano bang masama doon? Wala namang malisya, magclassmate kami."

"She's my girlfriend. So bakit siya makikipagdate sa ibang lalaki." Ang boses na 'yon, parang boses Casper. Ay mali, siya nga talaga.

Pakasabi niya nun ay hinawakan niya ang kamay ko. Pilit kong inagaw ang kamay ko sakniya kaso hindi ko nagawa. "Akala ko ba walang kayo?" Tanong ni Denden.

Pinanlakihan ko sila ng mata at umiling. Sinipa ko ng malakas si Casper dahilan para mabitawan niya ang kamay ko. "Merong kami, okay? Subukan niyon agawin siya saakin. Hindi na kayo aabot sa kinabukasan."

Masama ko siyang tinignan, ngumisi lang siya saakin at bumalik sa likuran. Napapikit ako sa inis at kahihiyan kasabay ng pagyuko. Aishhshaha, mas mabuti na nga na lumayo ako kaysa lumaki ang gulong sinimulan ng lokong 'to.

"Sana lahat." Pabulong na sabi ni Calyx at nagsi balikan na sila sa kani-kanilanv pwesto.

"Do you feeling well now?"

Napatingin ako sakaniya, at napangiti kasabay ng pagtango ko. Napansin kobang iba na nakatingin kay Yukie at iniilingan ito. Hindi ko naman sila nagets kung bakit sila umiiling kaya hindi ko nalang pinansin. "Here." Aniya at may ibinigay saaking gatorade.

"Drink that, incase you're not feeling well."

Napatango ako. "S-Sure. Thank you."

Maglalakad na sana siya papuntang likod ng magsalita ako. "I-Ikaw? Okay kana?" Tanong ko.

Ngumiti lang siya at tumango at pinagpatuloy na ang paglalakad. "Tss." Pasimple akong tumingin kay Casper at napailing sa aking isipan.

Natapos na ang klasr namin ng ganon ganon lang. Masiyadong pang maaga sa totoo lang kaya naisipan kong magpunta sa cafeteria kasama sina Aber at Denden. Sila ang pinakauna kong naging kaclose sa lahat kaya sila ang naisipan kong isama.

"Ano bang meron bakit bigla kang bumait?" Tanong ni Denden.

Inirapan ko siya. "Matagal na akong mabait 'no!"

"Hindi ako nainform." Bara niya saakin.

"Lagi ka namang hindi naiinform." Napatingin kaming parehas ni Denden kay Aber ng tumawa ito ng kakaiba.

"Tulungan mo 'kong dalhin 'to sa mental hospital Max." Wala sa sariling saad ni Denden, napatango naman ako.

"Hindi ako nababaliw ah hahaha. Oo nga pala , ano bang ililibre mo saamin?" Tanong ni Aber at naging aamo nalang bigla ang mukha.

"Ililibre ko kayo ng tag pipisong chitchirya." Nakangiti kong sabi.

Kaagad akong tumayo ng marinig ko ang reklamo nila. Nagpunta na ako sa counter. "Good afternoon Ms, may I take your order?"

"Kahit ano 'yung masa---." Napahinto ako ng mamukhaan ko ang lalaking nasa harapan ko ngayon.

"Whoa." Saad niya kasabay ng mahinang pagtawa. Bahagya siyang yumuko kaya yumuko rin ako para makumpirma kung siya nga ba talaga.

"Tama ako! ikaw nga 'yon. Nice, nagpapartime job ka? Haha tapos balak mo pang mag party-party noon?" Patanong kong sabi, hindi ko mapagilang hindi matawa.

"Pasabi nalang ng order mo."

Wala akong balak sabihin sakaniya gusto ko muna siyang pagtrip-an. "Uhm tara party-party? Nasaan mga kasama mo? Ayon naalala ko na ikaw si Kyle hindi ba?"

"Yes ms."

"Nasaan mga kasama mo? Gusto ko silang makita." Ani ko at ngumisi.

"You..." Pabulong niyang sabi at halatang inis siya pero nanatili siyang kalmado. "Damn."

"Can you just forget that?" Tanong nito, umiling ako. "Please Max. Na expelled na ang mga tropa ko dahil sa malaman ni Mr. Finley ang nangyari 'yon. Nagmakaawa lang ako na huwag mapa expelled dahil mapapatay ako ng Father ko." Napakurap ako ng tatlong beses.

"Lumayas kaba sainyo? Kaya ka nagpapartime job dito sa school?" Tanong ko naman. Gulat na expression ang ipinakita niya saakin.

"No, of course not. This isn't a partime job kundi a punishment." Sagot niya. "For this school year kailangan kong magtrabaho dito sa cafeteria as a cashier." Dagdag pa niya.

Pagkatapos kong maisabi lahat ng order ko kay Kyle ay muli na akong bumalik kila Aber. "Bakit ang tagal mo?" Boring na tanong ni Denden.

"Nakipag chikahan lang hehe." Sagot ko at naupo sa tabi ni Aber na nakayuko.

"Anong nangyari dito?" Halos hangin lang ang lumabas sa aking bibig habang dinuduro si Aber.

Mukha namang nagets ni Denden dahil nag-angat siya ng balikat. Ilang minuto ang lumipas dumating na ang in-order ko. "'Yun oh!" Bigla sigaw ni Aber at muling nagkabuhay ang mukha.

Ah, pagkain lang pala ang makakabalik sa sigla nito. "Kanina pa ako hindi kumakain kase gusto ko marami akong makain kapag inilibre muna kami ni Denden." Natawa si Denden sa sinabi ni Aber habang ako ay pilit na tumawa naman. Baka maubos ang pera ko nito dahil sa batang 'to.

// Errors Ahead, lame, slow uldates. :*

Ang Binibini Ng Finley UniversityWhere stories live. Discover now