25

523 37 1
                                    

Maxwell's POV

Napatingin ako kay Yukie habang binubuksan ang coca cola can na binili n'ya. "Here, take this." Binigay n'ya saakin iyon at naupo saaking tabi.

Hindi parin mawala saaking isip ang nangyari kanina, kung maaring lang bumalik sa oras na 'yon ay sinuntok ko na si Casper bago n'ya pa ako mahalikan. Kaya ganoon nalang ako kainis sa aking sarili na wala manlang ginawa.

Nawala kaagad sa aking paningin si kalendaryo matapos gawin 'yon ni Casper. Isa lang ang sigurado akonv mangyayari, masesermonan na naman ako ni tito. Pwera nalang kung hindi sasabihin ni kalendaryo ang nangyari, pero syempre wala pakialam saakin 'yon, sasabihin n'ya lahat nang nangyari kanina.

"Why are you keep denying?" Tanong ni Yukie kaya napatingin ako sakaniya. Na kaagad ding napaiwas dahil saktong pagkatingin ko ay nakatingin rin s'ya saakin.

"Ah? Anong denedeny?" Tanong ko rito at tumungga ng coke.

"Casper's look so sproud whenever he said that you're his girl." Natawa ako ng malakas sa sinabi n'ya.

"Loko! Walang kami at never! Mahilig lang talagang mangdamay 'yon sa kalokohan n'ya at ako ang pinaka favorite n'yang idamay." Saad ko habang patuloy sa pagtawa.

"Do you like him?" Tanong n'ya na nakapagpahinto saakin.

Tumingin akong muli sakan'ya at umiling. "Hindi. Bakit ko naman s'ya magugustuhan?" Tanong ko. Wala naman talaga akonv magugustuhan sa lalaking 'yon. Napakawalang kwenta kaya nun.

"Who'd you like, then?" Nanatili ang tingin ko sakan'ya dahil sa tanong n'yang 'yon.

Hindi ko alam ang aking isasagot dahil sa totoo lang hindi na ulit ako nagkagusto simula nang makipagbreak saakin ang naging unang boyfriend ko.

S'ya kaya? Ang taong tinitignan ko ngayon, si Yukie? Haha imposible naman 'no? Crush ko lang naman s'ya kaya malayong masabi na s'ya ang gusto ko. Nakakatakot narin kaseng pumasok sa isang relasyon, sakit lang naman ang makukuha mo d'yan. Kaya kung ako sa'yo, 'wag kana maghanap ng forever mo.

Ngumiti ako at muling s'yang inilingan. Napatingala nalang ako bigla ng maramdaman ang pagpatak ng ulan kaya kaagad akong napatayo. Napatingin ako kay Yukie na nakaupo parin. Nakita ko ang pagbuka ng bibig n'ya pero wala namang lumabas na boses.

Trip n'ya bang maligo sa ulan? Gusto n'ya bang magkasakit? Jusko. Hinila ko nalang ang kamay n'ya at naghanap na pwedeng masilungan.

Nahinto kami sa isag tindahan na may silungan mayroon ding bato na pwedeng upuan kaya naupo ako doon. "Aish, ngayon pa talaga umulan." Inis kong sabi, nasabunatan ko nalang din ang sarili kong buhok dahil sa sobrang inis.

Gulat akong napatingin kay Yukie ng ilagay n'ya saaking likuran ko ang jacket na suot n'ya. "You may catch cold." Saad n'ya kaya napangiwi ako.

Hinakawan ko ang braso n'ya para mapaupo sa aking tabi. "Mas basang-basa ka nga tapos saakin k nag-alala." Reklamo ko sakan'ya, napangiti lang s'ya.

Bigla nalang kaming nabalot ng isang malaking katahimikan samantalang patuloy parin sa pagpatak ng malakas ang ulan. Mayamaya, nagulat nalang ako nang ipatong ni Yukie ang kan'yang ulo sa aking balikat.

Pasimple akong napatingin doon at napangiti. Iniayos ko ang jacket n'ya para mainitan kaming dalawa kahit papaano.

Napamulat nalang ako ng aking mata ng makaramdam ng malagmig na hangin. Hindi na umuulan ngunit napakadilim na ng daan. "Yu---." Napatigil ako nang mahipo ko ang noo n'ya na nag-iinit.

Inalog ko s'ya ng mahina. "Yukie, gising." Naririnig ko ang mahina n'yang pag ungol, aish pisteng ulan 'to.

Kinapa ko ang bulsa ko. "Nasaan na 'yon?" Inis kong bulong. Nanlaki ang mga mata ko ng maalala na wala pala akong dalang kahit anong gamit dahil nasa bag ko ang lahat na nandodoon sa kotse ni kalendaryo.

"Don't go..." Rinig kong bulong n'ya, napatingin ako sa kamay n'yang mahigpit na nakahawak saaking kamay.

"Yukie..." Banggit ko sa pangalan n'ya. "Umuwi na tayo." Dagdag ko.

Dahan-dahan s'yang napatango. "L-Let's go home."

Tumayo ako at kinuha ang braso n'ya at inilagay saaking balikat. "Tulungan mo 'ko Yukie, para makauwi na tayo kaagad." Saad ko, napatango lamang s'yang muli.

Itinaas ko ang aking kamay at winagayway 'yon ng may makita akong paparating na taxi. Inalalayan ko si Yukie  sa kan'yang pagpasok. Haha buti naisipan mo pang bigyan ako ng sweete kahit papaano 'no? Kasalanan talaga lahat 'to ni Casper.

"Saan po ms?" Tanong ng driver. Napaurap ako ng ilang beses ng maalalang hindi ko alam kung saan nakatira si Yukie. Wala akong ibang nagawa kundi ang sabihin nalang ang adress ng bahay ni tito.

Ipinatong muli ni Yukie ang kan'yang ulo sa aking balikat. "Sorry Yukie ah." Pabulong kong sabi sakan'ya. Nanatili ang aking tingin tingin sa magkahawak na kamag namin ni Yukie.

Ilang minuto lumipas ay nakarating na kami sa bahay. Hindi ko naman inakala na nasa gate si kalendaryo at nakaupo lang sa gilid. Mukha s'yang nakatulog, whoa hinintag n'ya kaya ko? Ginising ko si kalendaryo ng makababa na kami ni Yukie sa taxi. "Bayaran mo 'yung taxi." Utos ko sakan'ya ng magising s'ya habang nakaturo sa taxi na pinagsakyan namin.

Halatang nagulat s'ya ng makitang kasama ko si Yukie pero hindi ko nalang s'ya pinansin. "Maxwell! Gabi---." Napahinto si tito. Parehas na parehas ang reaksyon nilang mag-ama.

"Bakit kasama mo 'yang si Yukie?" Tanong ni tito at tinulungan akong ihiga si Yukie sa sofa.

"Augustus, kumuha ka ng unan at kumot sa itaas. Kumuha ka narin pala ng damit at short mo at ipahiram mo muna kay Yukie." Utos ni tito kay kalendaryo. Natawa ako sa aking isipan dahil sa naging reaksyon ni kalendaryo, wala rin naman s'yang magagawa dahil kailangan lahat ng utos ni tito ay sundin n'ya.

"Nagpabasa ba kayo sa ulan? Tsk tsk." Tanong ni tito. Kaagad akong umiling.

"Hindi naman sa ganoon, nabasa kami pero nakasilong rin kaagad." Sagot ko. "Tapos ayun, nilagnat na s'ya bigla." Dagdag ko.

Nagtungo ako sa aking kwarto at hinayaan muna na asikasuhin ni tito si Yukie, nagpatuyo ako at nagpalit ng damit, kaagad narin akong bumaba pagtapos.

"Magpahinga ka nalang Max, hayaan munang si Augustus ang mabantay kay Yukie." Bungad saakin ni tito.

"What?! Dad!" Reklamo ni kalendaryo na ikinatawa ko ng mahina.

"Okay lang tito, ako na magbabantay sakan'ya." Ani ko.

Nang makaakyat si tito at si kalendaryo. Pumwesto ako sa isang sofa at inilagay ang kumot at unan na dala ko. Iniusad ko rin ang sofa sa kung saan ay makikita ko si Yukie ng maayos.

Nahiga ako at tumingin sa maamo n'yang mukha. Mayamaya ay bigla nalang akong nakaramdam ng kung ano saaking dibdib. Naging pamilyar saakin ang mga sandaling oras na 'to. Panigurado ako, nararamdaman ko ang pinaka-kinakatakutan kong mangyari.

// errors ahead, slow ud's, lame.

Ang Binibini Ng Finley UniversityWhere stories live. Discover now