CHAPTER 3

88 3 0
                                    

The glimpse of the past invaded my mind. I was in seventh grade back then while Sandro's on his senior high years.

Medyo magdidilim na ang langit ngunit wala pa si Tang Kael, ang driver na magsusundo sa'kin.

"Senyorita Lucy, pasensiya na po pero mukhang mahuhuli po ako sa pagsundo sa inyo." Bungad ni Tang Kael sa kabilang linya, "May malaking troso po kasing nakaharang sa daan palabas ng hacienda. Napitid mula sa truck."

"Ayos lang, Tang. I'll wait here po." Sabi ko at pinatay ang tawag. Nakatayo ako sa labas ng gate. Ginalaw galaw ko ang aking paa dahil kinakagat na ako ng lamok. Walang pa namang pasok si Kuya Hobie kaya wala akong kasabay. And even he has a class, hindi naman siya sumasabay sa sundo namin. He prefer riding a tricycle.

"Bakit narito ka pa. Nasan ang sundo mo?"

I was looking at my feet, but that baritone voice made me look up. I gulped. That handsome man who's working on our hacienda. Sandro Akim!

"Uh... m-medyo matatagalan kasi yong d-driver namin. May nakaharang daw kasing troso sa daan palabas ng hacienda. Hindi makadaan ang kotse."

Hindi ko alam kung bakit nanghihina ang tuhod ko sa klase ng titig niya sa'kin. No. It's a normal kind of stare, yet I feel like melting.

He breathed as he put his hands on the pockets of his maong, "Kung gusto mo ay ihahatid na kita. Papunta din naman ako sa plantasyon dahil may kununin akong gamit sa kamalig."

Wari koy malayo ang bahay ni Sandro sa aming hacienda kaya ginagamit niya ang isa sa mga kamalig don na sinadyang ipatayo ng aking mga magulang para sa mga trabahante. Pero wari koy hindi naman ito namamalagi doon. Sa tuwing sabado at linggo lang siya nag t-trabaho sa plantasyon dahil nag-aaral siya. He's a senior student.

Mula sa balkonahe ng aking kuwarto, palagi ko siyang nakikitang sakay ng kanyang sariling stallion. I knew he also noticed me na palaging nakatambay sa balkonahe. And everytime our eyes met, even if there's a great distance between us, it felt so electrifying. Parang may ginigising siya sa bata kong puso na hindi ko alam kung ano. Kaya naman nakagawian ko ng tumambay sa balkonahe kada hapon ng weekend para masilayan siya.

"Uh... s-sige." Agad na pagpayag ko. That was my chance to get close to him! I don't know why, but I want to get to know more about him!

Umangat ang sulok ng labi niya, "Kabayo ang sasakyan natin, Señorita. Ayos lang ba 'yon sa'yo?"

Why does it sound different when he's the one calling me Señorita?

"A-ayos lang. Sanay akong sumakay ng kabayo." Eight years old palang ako nong matuto akong mag horse-back riding. That was the time when we came back from America dahil lubusan ng gumaling ang mommy sa sakit.

Tinungo namin ang stallion niya na nasa gilid ng gusali ng Unibersidad. Nakatali ang kabayo sa railing ng bubong na paaralan. Malabong ang mga dahon sa parteng labas ng paaralan. May ilan pang stallion na nandon. Marami pa rin sa bayan ang gumagamit ng kabayo as a form of transportation. Nueva Caceres was a mixture of modernity and hespanic era at that year.

Napalunok ako dahil may kalakihan ang Stallion niya. I also have mine pero maliit lang naman si Paris, tama lang sa abot ko.

Nagulat ako nang biglang sakupin ng kanyang malaking kamay ang aking bewang at walang kahirap-hirap akong inangat sa kabayo. Nakaramdam agad ako ng elektrisidad sa hawak niyang iyon. Sumampa rin si Sandro. Nasa unahan niya ako. We're so close to each other! Para lang akong estatwa habang si Sandro ay may kinuha sa kanyang bag. He closed it after getting his leather jacket. I thought he's going to wear it, but instead, he placed it on the top of my thighs to cover my exposed skin. I'm wearing my school uniform at ang aking saya ay bahagya ng umikli dahil sa pagkakaupo ko sa kabayo.

Five O'clock Sky (Nueva Caceres#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon