CHAPTER 18

57 3 0
                                    

Chapter 18

Napaigtad ako nang marahas na bumukas ang pinto ng aking silid at pumasok ang Daddy na hindi makikitaan ng ano mang pagka-giliw ang mukha. Nakasunod dito ang Mommy na mababakasan ng pag-aalala. Mula sa pagkakasandal sa headboard ay napatuwid ako ng upo sa kama.

"D-Dad..." May kaba sa aking tinig. Sinundan ko ng tingin ang Daddy na tuloy-tuloy sa pagpasok at huminto sa paanan ng kama.

"Alam kong alam mo kung bakit kami napasugod ng Mama mo ng ganito kaaga sa iyong silid, Lucy." Ang talim at awtoridad sa boses nito ay nagdulot ng mas matinding kaba sa aking dibdib. "My hope for a beautiful morning crushed when I received a call from my kumpadre. Asking if it is true that my only daughter was raped kagaya ng sinabi ng anak nito na nakarinig umano sa paratang mo sa isang lalaki kagabi sa Casa Lucio. At ang lalaki pang iyon ay si Sandro!" Namumula ang mukha nito sa galit.

Nag-init ang sulok ng aking mata sa takot. I've never seen my Dad this furious.

"Nang kausapin namin si Kael kanina'y sinabi niyang umiiyak ka nang sunduin ka niya sa Casa Lucio kagabi. Linawin mo sa amin ang totoong nangyari ngayon din, Luzeda!"

"Oh, please, go easy with your daughter, Escario." Naiiyak na pagsingit ng Mommy. "Look, she haven't even changed her clothes yet. Oh, god, I could tell she haven't get some sleep since last night!"

Kung ano ang damit ko kagabi ay iyon pa rin ang suot ko ngayon. Nang dumating ako mula Casa Lucio ay deretso akong dumapa sa kama and cried my heart out. I could even barely remember how I managed to call Tang Kael upang magpasundo. Sinubukan kong ipikit ang mga mata. Silently hoping that it's all just a dream. Subalit ang konsenyang kumakain sa'kin ay isang pwerebang malayong maging panaginip ang lahat. Buong magdamag ay nakasandal ako sa headboard ng kama. Tulalang nakatitig sa pader ng silid hanggang sa unti-unti ay tuluyan ng na proseso ng aking utak kung gaano kalaking gulo ang ginawa ko. What happened last night will be the biggest turning point of my life.

Dinaluhan ako ng Mommy sa kama at sinapo ang aking mukha. "Please tell me it isn't true, sweetheart. Na ang kumakalat na balitang ito ay gawa-gawa lamang ng kung sino man na gusto kang siraan." May pagsusumamo sa kanyang naluluhang mata habang inaabangan ang salitang lalabas sa aking bibig.

"Hindi ako naniniwalang magagawa ni Sandro ang bagay na iyon sa iyo, Luzeda. But you're my only daughter and I would believe your words more than how I knew the guy. Just a word, Lucy. Isang pagkukumpirma mo lang ay hindi lang sa kulungan ang bagsak ng laking iyon. I would kill him myself!"

"No! Please, no, Dad!" Agaran kong pag-agap dito. Isang hikbi ang kumawala sa aking labi. "I— I was never harassed sexually. And Sandro could never do that. He's... he's a principled man." I guiltily uttered the last sentence. Ma prinsipyong tao si Sandro. Subalit pagkatapos ng eskandalong ginawa ko kagabi, I don't know if people would still see him the same.

Ang sinabi kong iyon ay kahit papano'y nagpakalma sa kanilang dalawa. Especially Mommy. There was a sigh of relief from her.

"Kung ganon bakit may nagpapakalat na ganitong balita? Malaki itong kasiraan sa iyo at lalong lalo na, kay Sandro." Tila ba hindi pa rin humuhupa ang galit sa tono at hilatsa ng mukha ng aking ama. "Hinding-hindi ko palalampasin nagpasimuno ng kaguluhang ito, Lucy."

"It—It was m-me, Dad." Hindi ko napigilan ang pagpiyok ng boses.

"W-What do you mean it was you, sweetheart? Linawin mo sa amin. Don't be scared." Mom consoled.

"If there was a t-truth about what you've heard. Iyon ay ang pang-aakusa ko kay Sandro that... that he r-raped me. But the accusations and all... were lies. I—I fabricated it."

Five O'clock Sky (Nueva Caceres#1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang