Chapter 32

324 7 3
                                    

Deputy's POV

"Bwisit! Bwisit! Nakakainis! Aaaah!" Sa sobrang galit ko napagtripan ko ang basurahan sa gilid ng garden! Anong akala nila sakin? Babaeng ganun kadaling halikan! Hindi na nila ako nirespeto! Aaaah!

"Deputy enough kawawa ang basurahan" napa tss na lang ako dahil sa lalaking sumulpot sa kung saan

"Ano bang meron sa mga lalaki at ako ang gustong pagtripan Zac?! Una si Ethan tapos ngayon si Akito? Fvck! Can I kill them now?!" Sabi ko habang kinasa ang baril na hawak ko. Napailing lang sya na kinuha sakin yun at tinapon na lang basta sa basurahan. Susuntukin ko sana sya ng mapigilan nya ang kamay ko saka niyakap ako

"Let me go asshole!"

"Calm down" Nagpupumiglas pa rin ako kasi naiinis pa rin ako sa kanya, hanggang sa nakaramdam ako ng pagod kaya hinayaan ko na lang sya

"Ang manhid mo kasi" what did he just say?

"What? Ako manhid? In what way huh!" Binitawan nya ako saka ginulo ang buhok ko

"Hindi ka pa rin nagbabago. Wanna come with me? My treat" dahil gutom na din ako sumama na lang ako sa kanya. Lumabas kami ng University. Nakakita naman ako ng nagtitinda ng fishball kaya dun ko na lang sya inaya

"Manong 100 pesos na kikyam tapos 50 pesos na fishball po" kumikinang ang mga mata ko habang sinasabi ko yan. Waaaah ang tagal din bago ulit ako makakain nito

"Hindi ka naman gutom eh no? Haha bayad po keep the change" nginitian ko lang si Zac kaya ginulo na naman nya ang buhok ko, this time tinapakan ko ang paa nya dahilan para tumalon sya sa sakit. Bleeh! Buti nga haha

Zac's POV

Pinapanood ko lang kumain si Deputy, ilang beses nya na akong inalok pero nagpasalamat lang ako. Nakakamiss din pala na makasama sya.

Nitong nakaraang araw hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Alam ko at nararamdaman ko na si Deputy ang gusto ko pero may oras din na bigla na lang pumapasok sa isip ko ang isang babae na kahit kailan hindi ko pinag interesan. Geremi.

Iniiwasan ko sya dahil ayoko magbago ang nararamdaman ko kay Deputy pero dahil dun mas lalo lang akong nagkakaroon ng interes kay Geremi mas lalong lumilinaw ang malabo kong nararamdaman.

Idagdag pa na aksidente kaming-

"Zac ok ka lang? Namumula ka may lagnat ka ba?" Nanlalaki ang mata kong umiwas ng tingin kay Deputy. Shit! Ano ba! Naalala ko na naman na nag kis- ah bwisit!

"Ok lang ako hehe" tinitigan lang ako ni Deputy na para bang may nagawa akong masama.

"Sure ka?" Tanong nya habang sinusuri ang buong muka ko. Marahan ko naman na nilayo ang muka nya sakin dahil ang lapit nya. Baka di ko mapagil- nevermind.

"Nga pala ano ang dapat na pag uusapan natin nila Geremi?" Please Deputy sagutin mo.

"Ah yun ba? Gusto ko kasi magkaroon ng program para mabisita tayo ng ibang estudyante kaso nagbago na isip ko ngayon lang. Party na lang para sa junior at senior ng Darkford University, mukang hindi pa nila nararanasan yun kasi puro patayan ang alam nyo" may point naman sya. Sigurado din ako na sasang ayunan agad sya ng mga estudyante

"Kaso sinira ng bwisit na Akito ang proposal ko para sa mga students grr!" Ang cute nya magalit haha

"Anong nakakatawa ha!"

"Haha wala po wala po haha" tawa pa rin ako ng tawa habang lumalayo kay Deputy sigurado kapag sinuntok ako nito tulog ako mabuti ng handa haha

"Hoy! Bakit ka tumatakbo? Bumalik ka dito! Zac!" Parang nung bata kami. Ganito ang laro namin. Habulan hanggang sa mapagod ang isa samin.

"Bleeh habulin mo ko haha"

"Zac! Patay ka sakin kapag nahuli kita!" Hahaha ang cute nya talaga

Geremi's POV

"Kuya Dylan nahihilo ako umupo ka muna" kanina pa kasi sya pabalik balik. Hindi nya kasi macontact si Deputy at si Zac alas 12 na din ng gabi pero wala pa sila nag aalala tuloy si kuya baka may nangyari na namang masama. Si lolo naman natutulog na. Hindi na sinabi ni kuya Dylan kasi kailangan talaga ng pahinga ni lolo

"Kasalanan mo tong lahat Akito!" Hindi ko sya pinigilan na suntukin si Sir Akito dahil kasalanan naman talaga nya. Kung hindi nya hinalikan si Deputy hindi sana mangyayari to

"Alam mo naman gust-"

"Hindi ka nya gusto ok!" Habang nagtatalo silang dalawa bumukas ang pinto at pumasok si Zac habang bitbit na parang bagong kasal si Deputy, nakita naman ni Kuya Dylan kaya mabilis syang lumapit

"What happened?" Sabay naming tanong

"Don't worry nakatulog lang sya sa sobrang pagod" kinuha ni kuya Dylan si Deputy at walang salitang inakyat sa taas. Umalis din ng walang salita si Sir Akito pero ng madaan nya si Zac ay dinunggol nya to.

Ngayon kaming dalawa na kang ni Zach ang nasa sala. Bigla naman akong namula dahil naalala ko na naman ang nangyari kanina

"Ahm/ Ano kasi" ako/sya

"Ikaw na/una ka na" ako/sya

"Yung kanina/ pwede ba?" Ako/sya

"Ha anong pwede ba?" Ang bilis ng tibok ng puso ko? kinakabahan ba ko?

"Go out with me" ha? Isang malaking HA!?

"What?" Nabibingi yata ako. Siguro inaantok na ako kaya kung ano ano ang naririnig ko.

"I said go out with me!" Sigaw nya sakin sabay iwas ng tingin

"Bakit mo ko sinisigawan!?" Sigaw ko din sa kanya

"Kasi bingi ka!" Sinisigawan nya ko pero hindi sya sakin nakatingin

"I won't" sabi ko ng may seryosong tingin. Ano akala nya? Papayag ako sa gusto nya? Si Deputy ang gusto nya! Ang kapal yayain ako! Matapos nya kong halikan kanina! Kahit na ba aksidente yun!

"Yes you will whether you like it or not, I will do everything just to make sure that you will fall for me" then he kissed me. Again!

"No!" Tinulak ko sya pero nahuli nya ako agad and for the third time

"Yes you will" NO!

Darkford UniversityKde žijí příběhy. Začni objevovat