Chapter 19

600 19 0
                                    

Deputy's POV

Nasa sulok na naman ako ng kwarto pero ang pinag kaiba ay kasama ko na si Kitty na puro latay, maga ang mata, putok ang labi at puro dugo ang damit. Napaiwas na lang ako sa nakita kong itsura nya. Hindi ko kayang makita syang ganyan, ang sakit sakit makita na ganyan sya.

"Hindi ko naman akalain na ako ang pagbubuntunan ni Crimson ng galit ng malaman nya na ipinilit ipasara ni Dylan ang DU para sa kaligtasan ng nakararami dahil nito lang maraming pinadalang tauhan si Crimsom doon para patayin at sirain ang lahat"

Ngiti nya kahit na nahihirapan na, nagulat ako at nagalit at the same time dahil sa sinabi nya pero nabawi din dahil sa sinabi nyang ginawa ni kuya. Buti na lamang at wala ng tao dun kahit isa. Ang school na nagparamdam sakin ng sobra sobrang takot na konting galaw ko lang parang mamamatay na ko. Napapangiti na lang ako sa twing maaalala ko ang mga naramdaman ko noon na hanggang ngayon ay dala dala ko pa rin

"Alam mo bang napansin kong may pagkakahawig kayo?" Sabi nya na dahilan para mag igting ang panga ko

"Shut up!" Sabi ko sa kanya ng mahinahon pero maotoridad

"Haha Deputy baka magsisi kang malaman ang totoo kapag dumating na ang tulong na hinihintay mo?" Nagtataka ko syang tinignan. Anong tulong ang sinasabi nya? Imbes na magsalita ako ay tinignan ko lang sya ng nagtataka

"Inutusan ko si Riel na sabihin kila Geremi na nakita ako sa isang resto na bumibili dito sa palawan. Hindi ko naman alam na agad agad pala akong susundan ni Geremi ng mag isa. Wala rin naman talaga sa plano kong ipaalam pa sa kanila na buhay ako dahil sa nagawa kong pagtataksil sa inyo lalo na sayo. Una nagulat si Riel dahil buhay ako pero hindi yun ang point ko ginawa ko yun para makaalis ka dito kahit na ang kapalit pa ay ang buhay ko" sandali pa syang huminga ng malalim saka tumingala hindi ko napansin na umiiyak na pala sya, napaiwas ako ng tingin dahil sa mga sinasabi nya dahil naiiyak din ako

"Alam ko na halos gabi gabi mo akong dinadalaw para humingi ng tawad sa nagawa mo at nagsisisi ka talaga doon. Ramdam ko yun habang nagsasalita ka sa tabi ko hindi mo alam na tuwing aalis ka gusto kitang habulin para sabihin sayo na pinapatawad na kita pero ano magagawa natin? Parehas tayong nandito may posibilidad na may mas mapahamak sating dalawa" mahaba kong sabi habang nakatingin sa labas mas lalo syang humagulgol ng iyak

"Kaya nga ang tagal kong pinag isipan ang ginawa kong yun. Ang hirap mag plano lalo na't kahit kakampi ako ni Crimson ay pinag hihinalaan nya pa rin ako" matagal walang nagsalita samin dahil na rin sa pagod. Madaling araw na at hindi pa rin ako nakakatulog.

Pinagmamasdan ko lang si Kitty na mahimbing na natutulog na nakaunan sa hita ko. Para syang anghel kung matulog kahit na ganto ang nangyari sa kanya ay nakatulog pa rin sya ng mahimbing. Naaalala ko rin kung paano sya saktan ni Crimson sa harap ko. Napakuyom ang kamao kong inaalala ang nasaksihan ko kanina

Flashback

"I will call hmmm teka sino kaya? One of your friends?" Hindi ako makapag salita dahil tinapalan nila ang bibig ko! Kaya ang nagagawa ko lang ay ungol

"Ano bang nagawa ko?" Nanginginig na sabi ni Kitty habang tinatali ang kamay nya at isinabit sya. Nagpupumiglas ako pero kadena na mismo ang nakapalupot sa katawan ko

"Hahaha wala naman. Naunahan na kasi ako ni Dylan eh kaya sayo ko ibubunton galit ko" sabi nya at nakangisi ding tumingin sakin kaya sinamaan ko lang sya ng tingin!

"Oh my, my, my, wag mo kong tignan ng ganyan hahaha. Hanna tawagan mo nga yung isa sa mga kaibigan nito!" Pilit pa rin akong nagpupumiglas hanggang sa hindi ko namalayan na sinagot na ng nasa kabilang linya yung tawag at nanlalaki ang mata ko ng marinig ko ang boses nito. Ang kapal ng muka na iparinig pa talaga samin!

"Annika" wala sa isip na sabi ko

"What's your name?" Malakas na sigaw ni Crimson saka tumawa, hindi nagsasalita si Kitty dahil natatakot sya. Nagulat na lang ako ng biglang may bagay na lumatay sa Katawan ni Kitty. Pilit akong tumatayo pero dahil buong katawan ko ang kinadena nila wala akong takas!

"Do I need to repeat myself!?" Galit na sabi nito at sya namang latay nya kay Kitty!

Tangina Crimson ! Wala akong magawa dahil ganito ang kalagayan ko! Damn! Nakakainis!

"I said what's your name!?" Tahimik lang si Kitty na iniinda ang latay sa kanya, habang yung nasa kabilang linya ay hello ng hello, Annika please humingi ka ng tulong kay lolo after you hear this!

"Aaaaaaaaaaaaaah" malakas na sigaw ni Kitty. Kitang kita ko kung paano sya masaktan sa sunod sunod na latay na ginagawa sa kanya kaya kahit masakit nagwawala ako dito hanggang sa matanggal ang tapal sa bibig ko at sumigaw talaga ako ng malakas

"Tama na, tama na, itigil mo yan please! Wag mo syang saktan!" Tinignan lang ako ni Crimson saka tumawa. Pinatay nito ang tawag saka umalis pero bago yun inutusan muna nyang dalin kami ni Kitty sa kwarto

End of Flashback

Huminga ako ng malalim habang kinakalma ko ang sarili ko at tumitig sa pader saka inalala ang DU ang nagparamdam sakin ng sobrang takot sa katawan. Napangiti ako ng mapait habang inaalala ang lahat kung paano nagsimula at kung paano rin ako napunta dito talaga naman palang nakalubog na paa ko sa hukay na maling galaw ko lang mamamatay na ko ito pala ibig sabihin nun

"How I wish na ang DU noon na kinatatakutan ko magawa ko pang ibangon at simulang ayusin para sa lahat" Nangingiti ako habang iniisip ko ang mga yan at hindi ko naramdaman na nakatulog na pala ako

Darkford UniversityWhere stories live. Discover now