Chapter 1

2.2K 53 0
                                    

Deputy's POV

Nakakainis si Lolo! Sinabi ng ayokong pumasok dun sa School na walang kwenta na yun eh! No choice naman ako dahil napilit nila ako! Aaaargh!

"Deputy anak? May package para sayo nasa sala iyon. Gusto mo bang iakyat na lang namin dito sa kwarto mo?"

That's Nay Meding ang tumayong ina at ama ko simula nung mamatay si Daddy through heart attack. Si Mommy naman namatay pagkapanganak palang sakin. Yun ang sabi nila saakin.

"Yes po Nay Meding. Salamat"

Nginitian lang nya ako at lumabas na ng kwarto ko. Bumuntong hininga lang ako saka bumalik sa pagkakahiga at pumikit. Maya maya narinig ko na bumukas ang pinto ko at may bagay na ibinaba. Hindi ko na binalak tignan dahil alam kong yung package yun. Hindi na din ako inabalang kausapin ni Nay Meding dahil alam naman nya na once na nakapikit ako ayoko ng kinakausap ako kung di naman mahalaga.

Nang marinig kong magsara ang pinto tumayo agad ako at tinignan ang package. Tss may postcard pa na from: D.U

Napairap na lang ako at binuksan na yun. Dalawang pares ng itim na uniform na longsleeve at may coat pa, yung palda naman siguro 5 inch ang ikli mula sa tuhod. Dyusko di ba nila alam na ang init sa Pilipinas! Kelangan longsleeve talaga?

Nagkalkal pa ako at nakita ko ang rules ek ek

1. No ID, No uniform, No entry (common naman na tong number 1)

2. Making out is allowed. Warning: GET A ROOM. Not in ClassROOM, Not in the comportROOM in short in bedROOM! (Like what the eff!? Sinong sira ulo nagpasimumo nito!?)

3. No cutting classes (aba may disiplina)

4. Respect the Professors (well yeah whatever)

5. Make a Group you can count on (what is the meaning of this?)

6. Weak is not allowed in this University (bakit hindi ito ang una? Gago lang?)

7. Killing outside the arena is prohibited (what the hell man! Gago yata tong University na to eh, anong killing!?)

Hanggang 7 lang. Yung totoo nakakainis tong school na to! Bakit ba sila gumawa ng ganito and seriously! Pwedeng pumatay!? Sa loob lang ng arena? What the heck man!

Nagkalkal pa ako at nakita ang isang Parang invitation card, na invitation card talaga. Whut? Ang gulo ko.

Dear Deputy,

          We want you to be a part of your University as a Student. I am Headmaster Akito personally inviting you Queen. My pleasure if you will study here. Thank you in advance.

H.M Akito

Nilukot ko ang papel at itinapon sa kung saan at padabog na bumaba. Damn you lolo! Aaaargh!

Dante's POV ( lolo ni Deputy)

"Hows Deputy?" Tinignan ko ang lalaking nasa harap ko at nginitian. Hindi pa din nagbabago ang lalaking to.

"Okay naman ang kapatid mo Dylan. Pahirapan pa bago sya mapapayag na pumasok sa University pero nagawan ko naman ng paraan. Kailan mo balak magpakita sa kanya?" Nagsindi ito ng sigarilyo at inayos  sa pagkakasuot ang salamin nya.

"Kapag kaya na nyang tumayo sa sarili nyang mga paa Lolo. Alam mo naman na nakadepende pa rin sya sayo kahit na alam naman natin na malakas sya simula pagkabata nya. Ayoko syang mapahamak lalo na kapag nagpakita ako sa kanya. Kapag nagpakita ako sa kanya malalaman ng ibang organisasyon na may kapatid ako at hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya dahil sakin" Napabuga na lang ako ng hangin at tumingin sa labas. Malakas na bata sa Deputy. Tama naman si Dylan na nakadepende sya sa akin sa mga bagay bagay. Lolo's girl kumbaga.

Naramdaman ko na tumayo si Dylan sa pagkakaupo pero bago yun may iniwan sya. Ang Dark Mafia Symbol. Napangiti akong umalis at umuwi sa bahay pero halos pagbagsakan ako ng langit at lupa sa nadatnan ko.

"Deputy!" Heart attack yata ang ikamamatay ko.

Deputy's POV

Kasalukuyan akong nakikipagsuntukan sa mga katropa kong sina Jace dahil nabalitaan nilang lilipat ako kaya heto goodbye nila sakin. Hindi ko naman sila inatrasan kahit na lugi ako dahil tatlo sila at ako ay iisa.

Nasa posisyon kami na magkapatong sina Jace at Trisha habang nakapa ibabaw ako sa kanila at hinihitak ang pinakamamahal nilang buhok habang si Drake ay sinasakal ako ng

"Deputy!"

Napatigil kami sa sigaw ni Lolo na kakarating lang pero ganun pa rin kami sa posisyon namin hindi lang kami gumagalaw. Inilibot nya ang paningin nya at wala syang nagawa kundi mapahampas sa noo nya. Sinundan ko ang paglibot ng tingin nya at ganun na lang ang gulat ko ng ang buong sala! Sira sira na! Wala ng matinong gamit na pwede pang magamit. Saka ko lang naalala na ginawa naming battle ground ang sala. Patay!

Umayos kami ng tayong apat saka inayos ang mga itsura namin habang si lolo tinawag ang limang katulong namin na nanginginig pa na naglilinis ng buong sala. Hindi ko sila masisisi muntik na silang madamay kanina nung pinipigil nila kami. Syempre di nila kami napigil.

Halos mawalan ako ng dugo ng tignan ako ng pagkatalim talim ni lolo. Ganun din sila Jace, Trisha at Drake kaya nagmadali silang nagpaalam sakin at kay lolo saka kumaripas ng takbo palabas ng bahay. Shit! Mga pesteng kaibigan!

"Hindi na kita pagtatagalin pa sa bahay na to Deputy, magsimula ka na mag impake ng gamit mo, dahil sa loob ng kalahating oras at di ka pa natatapos sinasabi ko sayo. Humanda ka sa gagawin-"

Hindi pa sya nakakatapos magsalita ay dali dali na akong umakyat huhu syete. Nakakatakot si lolo grabe. Di ko naman sadya na sirain ang sala eh. Sila Jace kasi.

Nakakatakot talaga si lolo. Nito ko nga lang nasagot yan dahil ayokong pumasok sa school namin. Natakot nya talaga ako dahil susunugin nya lahat ng gamit ko at ipapadala nya ako sa isang isolated area ng kalahating taon pag di ako pumayag! Kaya kahit ayoko no choice talaga ako! Sige nga kayo kaya sa posisyon ko huhu.

Darkford UniversityWhere stories live. Discover now