Chapter 25

491 11 3
                                    

Deputy's POV

Nakaupo ako sa garden ng school habang pinanunuod ang pag ayos ulit ng University matapos kong malaman ang lahat kailangan ko lang munang mapag isa. Marami ang nag alala saakin kaya bilang ganti man lang daw nila, tutulong sila sa pag ayos ng University. Hindi naman ako umangal dahil gusto ko rin namang maayos ang University agad agad.

Hindi ko pa nakikita ulit si Crimson dahil gusto ko kapag hinarap ko sya wala na ang galit sa puso ko. Ayokong makitang nasasaktan sya dahil napipilitan lang akong harapin sya ayoko nun. Oo galit ako sa kanya pero dahil anak nya ako naiintindihan ko kung bakit nya nagawa yun, wala syang alam kaya nya ako nasaktan, hindi nya ginusto yun, nadala lang sya ng galit dahil sa pangungulila sa akin. Kaya hindi ko sya masisisi pero hindi maaalis na sinaktan nya ang ilan sa mga mahal ko sa buhay.

"Deputy?" Malamig kong tinignan si kuya pero inilingan nya lang ako. Tinabihan nya ako kasama ng isang lalaki kaya ngayon ay napapagitnaan na nila ako

"Ano ang unang impression mo sa school?" Tanong ni kuya habang nakatingin sa mga construction worker at mga estudyanteng tumutulong

"Nakalubog na ang isang paa ko sa hukay and anytime pakiramdam ko mamamatay ako" walang halong pagsisinungaling na sabi ko. Totoo naman kasi, pag apak ko pa lang sa entrance ng school akala ko mamamatay na ako lalo na nung abangan ako ng mga babaeng iyon not knowing kung sino talaga ako.

"Ang cute mo talaga" what the fuck! Mabilis akong tumayo at sinapak ang lalaking kasama ni kuya dahil pinisil nya ang pisngi ko. Tawa lang ng tawa si kuya kaya inirapan ko sya.

"Who the hell are you?" Sabi ko ng nakatutok ang baril sa kung sino man ang lalaking ito

"Whoa easy I'm Akito Gerovro the Headmaster of your school" napaisip naman ako at napatango. Simula nung pumasok ako hindi ko pa nga sya nakikita. Tss nasaan ba sya nung panahon na nanganganib ang buhay ko at ang University pati ang mga estudyante dito? Ibinaba ko ang baril at nilagay sa likod ko.

"Come with me" sabi ko at tinalikuran sila. Nakarating kami sa pansamantalang office ko ng maayos. Hinanap ko agad ang isang tumpok na papeles na reklamo samin at ibinigay sa kanya

"Whoa teka para san ba itong lahat?" Pinitik ko ang noo nya dahilan sa pagtawa ni kuya pero ng nakita nya akong nakatingin sa kanya ng masama bigla na lang syang lumabas sa office ko. Tss

"Umpisahan mo ng magtrabaho kung ayaw mong ako mismo maghatid sayo sa libingan mo" sabi ko sa kanya. Nag pout lang sya tss muka syang bibe

Geremi's POV

Nang makalabas si Deputy sa hospital ay walang sino man ang nagkakaroon ng tyempo para makausap siya at kamustahin, kahit na alam nya ang totoo matapos ipaliwanag sa kanya ang lahat nanatili syang tahimik tungkol dun pero alam ko na kahit wala syang imik sa bagay na yun ay nasasaktan sya, sa ngayon puro sya trabaho kakaasikaso sa University, sa tingin ko ay madaling maaayos ang University dahil napakaraming mang gagawa ang gumagawa dito.

Nagtulong tulong na rin ang lahat ng teacher at estudyante para mapadali ang paglilinis para makabalik na sila sa klase. Si Kitty naman walang sawa ang paghingi ng tawad saaming lahat dahil sa nangyari. Ano pa nga bang magagawa namin, napamahal na sya saamin, tinulungan nya din naman kami na mailigtas si Deputy kaya ayos na yun.

"Geremi? Nakita mo ba si Annika? Kanina ko pa kasi sya hinahanap eh" sabi ni Kitty pagkapasok sa pansamantalang office ko.

"Hindi ko alam" sagot ko na lang.

Hindi na rin naman sya nagsalita nun pala nakatulog na. Kahit kelan talaga walang pinipiling tutulugan ang isang to. Tumayo ako saka kumuha ng kumot at ikinumot sa kanya. Lumabas ako dahil kaylangan kong kausapin si Zac. Kahit na natapos ang problema namin kay Crimson marami pa rin kaming problema.

Dahil sa nangyaring pagkidnap kay Deputy nung University Clash marami ang namatay at saamin yun sinisisi. Marami kaming nababalitaan na naghihiganti ang ibang school saamin sa pamamagitan ng pambubugbog sa mga estudyante dito. Maliban sa Hawk Academy na tinutulungan kaming ayusin ang problema.

"Geremi pinapatawag ka ni Deputy nasa office sya kasama si Sir Akito" sabi ni Annika na hinihingal pa. Bumalik na pala yung isang yun tss. Tinanguan ko si Annika pero bago ako umalis sinabi ko muna na hinahanap sya ni Kitty.

"Nasa office ko sya natutulog"

"Sige salamat" sya at umalis na

"Deputy? Hindi ka ba natutuwa na kahit na hindi pa maayos ang University? Nasa number 1 pa rin naman ito?" pagbukas ko ng pinto ay yan na ang narinig ko, mukang nagtatalo sila ni Deputy

"Sa tingin mo matutuwa ako kung ang ibang University/Academy sinisisi tayo sa pagkamatay ng mga estudyante nila? Ikaw ang inutusan kong makipag usap sa kanila tapos babalik ka dito na puro pasa ang muka? Yung totoo nakipag usap ka ba talaga ng maayos o nakipag suntukan ka lang?" Nag pout si Sir Akito na muntik ko ng ikatawa buti na lamang at napigilan ko kundi patay ako.

"Excuse me bakit mo ko pinatawag?" Tinignan naman ako ni Deputy saka sya huminga ng malalim dahil na rin siguro sa inis nya kay Sir Akito

"Hindi ko nakikita ang Death Gang at si Ethan, nasaan sila? Ipapagawa ko lang sana ang bagay na hindi magawa ng lalaking nandito sa harap ko ngayon" sabi nya at unti unting tumingin kay Sir Akito, napangiti naman ako sa hindi ko malaman na dahilan

"Hoy para sabihin ko sayo naayos ko-"

"Nasaan ang naayos mo?" Putol ni Deputy sa sinabi nya, para silang aso at pusa kung mag away hahaha

"Tss kaya kong ayusin to mag isa! Hindi ko kailangan ng tulong ng iba! Papatunayan ko sayo!!" Sabi nya sabay alis ng office, tinignan ko si Deputy ng may nakakunot na noo habang hinihilot at sintido nya.

"Huwag mong pwersahin ang sarili mo Deputy kakalabas mo lang ng ospital, kaya naman naming i handle ang problema, bakit hindi ka muna magpahinga?" Kinuha ko ang ointment sa tabi ng mga papeles nya at pinahiran ang sintido nya saka ito hinilot

"Importante na din saakin ang University, hindi ko pwedeng hayaan na lang ito basta lalo na't isa ako sa dahilan kung bakit nangyari ito" niyakap ko sya dahilan para unti unting lumabas ang luha na alam kong matagal nyang pinigilan, mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya ng maramdaman nya na kahit na anong mangyari nandito lang ako lagi sa tabi nya.

"Magiging maayos din ang lahat" bulong ko sa kanya

"I hope so"

Darkford UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon