Chapter 24

522 12 2
                                    

Dante's POV

"Sir all the former students of Darkford University ay hindi po nagdalawang isip na bumalik" nilingon ko si Kitty na mayroon pa ring benda sa ibang parte ng katawan nagtatanong naman nya akong tinignan pero nginitian ko lang sya. Sa kabila ng pagtataksil nya inalagaan nya pa rin ang apo ko nung panahong nasa poder sila ni Crimson

"Sige magkakaroon tayo ng meeting tungkol dyan pag nagising si Deputy" tinanguan lang nya ako akala ko lalabas na sya pero hinarap nya ulit ako

"Pasensya na po talaga sa lahat Sir Dante" nginitian ko lang sya at tinanguan. Inalala ko ang lahat ng nangyari at napailing hindi ko naman akalain na pati ako isasabit nila sa finish line. Larong bata pero napakadelikado

Hanna's POV

Napagod na ko kakakatok sa pinto ni ate simula nung umuwi kami dito nagkulong na sya sa kwarto nya hindi na sya lumalabas hayst

"Lady Hanna madami pong naghahanap kay Lady Geniva hindi napo namin alam ang sasabihin namin" hindi ko sya pinansin at lumabas na lang tss nakakairita na isa pa tong mafia! Nakakainit ng ulo!

"Ano bang problema nyo!? Sinabi ko na at sasabihin ko ulit hindi maganda ang pakiramdam ni ate!" Sigaw ko sa kanila kaya natahimik naman sila

"Pero kasi Lady Hanna marami pong nagrebelde nung malamang nilang partner na natin ang Dark Mafia hindi na po namin alam ang gagawin kaya ikinulong na muna namin sila sa Underground"

"Patayin nyo! Simple as that! Si ate pa rin ang Boss nyo kaya wala kayong magagawa kundi sundin sya kung ayaw nyong pati pamilya nyo madamay! Sa tagal ng panahon pinakitaan namin kayo ng mabubuti ganito igaganti nyo? Utang na loob! Wag nyo munang gulu-"

"Hanna ako na" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng hinawakan ako sa balikat ni ate saka hinarap ang mga taong naghahanap sa kanya

"Kung ayaw nyo ng pagpapatakbo ko sa Mafia na naiwan sakin ng nasirang asawa ko makakaalis na kayo pero sisiguraduhin ko na ni hibla ng buhok nyo wala ng makikita ang pamilya nyo at ang mga nagrebelde ang uunahin ko"

Lumipas ang oras ay tahimik lang si ate habang papunta kami sa Underground. Hindi naman maalis ang pag aalala ko dahil hindi sya ganito, mugto ang mga mata, namamayat, maiitim ang ilalim ng mata, hindi naman ako nagkulang na dalan sya araw araw ng makakain

"Wag mo kong tignan ng ganyan Hanna ayos lang ako" nginitian nya ako pero alam kong pilit, sunod sunod lang ang pagpapakawala ko ng buntong hininga hanggang sa makarating kami sa underground

"ANONG KARAPATANG NYONG PAGTAKSILAN AKO! *bang* WALA KAYONG UTANG NA LOOB! *bang* SA LAHAT NG GINAWA KO PARA SA INYO YAN ANG IGAGANTI NYO? ANG PAGTATRAYDOR SAKIN!? *bang*" nagbuntong hininga ako habang pinanonood syang sigawan at paulanan ng bala ang mga rebelde, kumuha ako ng red wine at ininom ito. Kamusta na kaya sya? Gising na kaya sya?

"Maawa na kayo Lady"

"MAAWA? NAGPAPATAWA KA BA? PWES NATAWA AKO HAHA! ARTHUR! PATAYIN MO LAHAT YAN WALA KANG ITITIRA NI BUTO!"

"Y-yes Lady"

Napapailing na lang ako dahil kahit papano bumabalik na si ate sa ugali nya pero di ko pa rin maiwasan mag alala sa kanya. Ang tagal nyang nawalay kay Deputy na akala nya patay na syempre nakakagulat pero sigurado ako na sinisisi nya ang sarili nya na sinaktan nya ang anak nya kahit hindi naman nya alam na buhay pala sa una pa lang

Deputy's POV

Nagising ako sa isang kwarto na puro puti. Marahan akong umupo at sumandal sa headboard ng kama. Inalala ko ang lahat ng nangyari saakin, hindi mapaglagyan ang galit na nararamdaman ko ngayon. Hanggang ngayon hindi ko alam kung bakit ako ang makakapag pahinto ng nangyayaring gulo. Ano ba talaga ang koneksyon ko sa gulong nangyayari?

Narinig kong bumukas ang pinto at niluwa nun si kuya. Nakangiti nya kong nilapitan at hinalikan sa noo.

"Hindi mo alam kung gaano kami nag alala sayo. Ok ka na ba? May masakit pa ba sayo? Namiss talaga kita" Nginitian ko sya at umiling

"Wala ng masakit sakin kuya" marahan nyang hinaplos ang buhok ko. Pumikit ako dahil sobra ko din syang namiss.

"Sorry sa lahat Deputy hindi tama na itago namin sayo ang lahat but we have no other choice pagkalabas mo dito pag uusapan natin ang lahat lahat sa ngayon kaylangan mo munang magpahinga at magpagaling" hindi ko man alam ang itinago nila saakin sana lang maintindihan ko ang dahilan nila

"Stay here I will call the Doctor" nginitian ko lang sya bago sya lumabas. Ano kaya ang nangyari nung panahon na tulog ako?

Dylan's POV

"Itinago nyo lahat ng to sakin!? Kaya ba ako ang makakapag patigil sa nangyayari dahil ako ang anak ni Crimson na akala nya patay na kaya sya naghihiganti sa inyo!? Kaya mo ko iniwan kuya dahil ayaw mong malaman ng iba na may kapatid ka at gamitin ako laban sa inyo? Ano bang pag iisip ang meron kayong lahat!? Sabihin na natin na naiitindihan ko kayo sa mga dahilan nyo pero sana naisip nyo rin na mas masasaktan ako! Na mas nasaktan sya dahil kinuha nyo ako sa kanya! Sana sinabi nyo na lang saakin ng mas maaga kasi maiintindihan ko naman kayo eh! Kuya! Lolo hindi na ako bata!"

Matapos namin ipaliwanag lahat kay Deputy ay ganon na lamang ang galit nya saamin. Maski si lolo hindi makapag salita dahil ramdam na ramdam namin ang galit ni Deputy. Kasalanan naman namin kung bakit nangyari ang lahat ng to. Hindi rin kami nagsisi na saamin sya lumaki. Ang pinagsisisihan lang namin hindi namin nasabi sa kanya ng mas maaga ang malala imbes na harapin ko ang takot ko na baka magalit sya saamin at hindi nya kami maintindihan ay tinakbuhan ko ito. Ako ang may gusto na itago kay Deputy ang lahat.

"Yung galit ko kay Crimson dahil sa ginawa nya saakin, sa mga mahal ko sa buhay at sa University. Hindi ko basta basta maaalis yun kahit na alam kong sya ang totoo kong Mommy. Hayaan nyo na lang muna ako gusto ko mapag isa" umalis sya sa harap namin na may mga luhang pumatak sa pisngi nya. Gusto ko syang sundan ng pigilan ako ni lolo

"Hayaan na muna natin ang kapatid mo Dylan" napabuntong hininga na lang ako at lumabas na para pumunta sa University. Sa laki ng pinsala na nangyari dito tinutulungan na kami nila Crimson na gawin ito kahit man lang daw sa University na pinamamahalaan ng anak nya may maitulong sya.

"Siguro naman tapos na ang bakasyon mo Akito" sabi ko sa lalaking sumakay sa likod. Ginawa pa kong driver ni gago.

"Dalawang buwan lang akong nawala kung ano ano ng kaguluhan ang nangyari sa University" natatawa nyang sabi

"Kaya nga bumalik ka na para matulungan mo si Deputy na patakbuhin ang University" tinignan ko sya na akala mo kinilig ng marinig ang pangalan ni Deputy. Tss ganito ba kalakas ang tama nila sa kapatid ko?

"Tigilan mo yang iniisip mo Akito dahil kahit sino sa inyo wala akong papayagan" napa pout lang sya na ikinairap ko. 15 pa lang si Deputy ng makita sya ni Akito nung sinama ko sya sa bahay namin bago ako umalis at simula nun nagustuhan na nya si Deputy pero di ko hinahayaan na makalapit sya sa kapatid ko ang bata pa ni Deputy nun

"Tss napaka protective mo talaga" nakasimangot nyang sabi

Darkford UniversityWhere stories live. Discover now