Chapter 11 - Wands and Charms

Start from the beginning
                                    

We made our way to Sover Wandia, the home of finest white wands and charms.

Tumambad agad sa amin ang display ng wands, swords, at kung ano- anong kagamitan.

"I'm Wizard Wanda. What are your kind and your elements?"

A woman that seemed like in her middle 40s welcomed us in the shop. She had curly hair surrounded with flowers and butterflies flying around her head. I was amused and overwhelmed about her look.

"Wizards po kami ni Tine. Water Elementor po ako, fire naman po siya," pakilala ni Ellie.

"Alright! I know the wands just right for you." Pagkasabi ni Wiz Wanda nito ay lalo kaming kinilig. Kagabi pa kasi kami excited na humawak ng wand.

Lumapit kami sa harap nang buksan niya ang isang box ng wand at iniabot niya ito kay Ellie. "This is a Mermaid Moon Wand. Try it. Make a light on its tip. Just say 'Ilumnia,'" turo niya.

Kinuha ni Ellie ang kaniyang wand at ikinumpas 'yon sa hangin.

"Ilumnia!" Ellie carefully followed her and did it! Nagkaroon ng ilaw sa tuktok ng wand niya kaya agad kaming namangha. Pero hindi lang 'yon dahil may nakita kaming lumabas na tila transparent image mula sa wand. Isa itong babaeng may magandang buntot na nakaupo sa isang crescent moon.

"That's the spirit of the wand. In your case, that's the Mermaid Moon," munting paliwanag ni Wiz Wanda ngunit hindi lang iyon ang nakapukaw ng atensiyon ko. Agaw-pansin din ang isang malaking magic circle sa kinatatayuan niya na may iba't ibang simbolo. Tila nabasa naman ni Wiz Wanda ang nakaagaw ng pansin ko.

"That's the Circle of Insignia. If it appears, it means that the wand is perfect for you. You are in control."

Sa palagay ko, ito ang summoning circle kapag gumagamit ng magic ang isang wizard o guardian.

Napalunok ako nang buksan naman ni Wiz Wanda ang isa pang box. "And now, this is for you—the Eagle Sky Wand. Would you want to try?"

Tumango ako saka hinawakan ko nang maigi ang wand at ginaya ang ginawa ni Ellie. Napailaw ko ang wand, pero hindi ko napalabas ang Circle of Insignia.

Pumasok siya sa isang silid at kumuha ng panibago. "Try this. The Phoenix Sun will work for sure. You're a Fire Wizard Soverthell. Let's see."

I did it again, but there still no Circle of Insignia. "Bakit po gano'n?" Hindi ko na napigilang magtaka pa.

"Can you show me your pulse?" sabi ni Wiz Wanda. 

Iniangat ko ang pupulsuhan ko.

"Revi . . ."

Pagkabanggit niya ng isang spell ay lumitaw ang mga simbolo ko. Ang mga letrang N at S pati ang White Hallmark.

"This is strange. Did you know that Phoenix Sun is commonly used by—oh, never mind! Now, now, what wand for you . . ."

Na-curious ako sa mga sinambit niya lalo na sa ikinilos niya.

Nakahalukipkip na si Wizard Wanda at tumitig pa sa akin. Nangsisiyasat siya. Maybe she was really thinking what wand was the best for me. Kumuha siyang muli ng box at hinipan ang alikabok na nakapalibot dito. Binuksan niya ito't tila ba nag-alinlangan pa kung puwede kaya sa akin iyon.

"Here. Be careful. Try it." Hindi niya binanggit kung ano'ng tawag doon, pero kinuha ko na lang.

Pagkasabi ko ng spell ay tila niyakap ako ng malakas na hangin na nagmula sa circle. Sa wakas! Lumitaw na ang bilog na may mga simbolo ng bituin, araw, buwan, mga elemento, at ang dalawang kingdom symbols.

Magique Fortress - Published under PSICOM (Diamond Series #2)Where stories live. Discover now