Chapter 40 - A Daughter's Plea

30.1K 1K 170
                                    

Chapter Forty
A Daughter's Plea

Tulala ako sa isang tabi habang nilalamon sa aking utak ang lahat ng impormasyong narinig ko sa usapan nila. Hindi ko naman intensyon na makinig pero mistulan naman itong inilalapit sa akin.

The lost guardian isn't a girl. The lost guardian is not Sage. Pero bakit nasa kanya ang isang dragon? Ibig sabihin ba nito, sa kanya lang napunta ang ikalima o ika-anim na dragon?

Sino ang lalaking guardian?

Humigpit ang kapit ko sa laylayan ng kulay abo kong jacket na bigay niya. I don't know what to think and believe right now but my heart and mind is rooting for Valentine.

Now I can say that there's a high probability na si Val nga ang lost guardian.

"Cristine!" Pumitlag ako sa pagkagulat kay Diamond. Napatungo ako bilang paggalang.

"How are you feeling? Kumusta ang pakiramdam mo? Masakit pa ba ang katawan mo sa naganap na battles? Have you taken enough rest? Saan ka nagpunta habang nasa bonfire kami? May outcasts na nakapaligid at naroon si..." napapikit siya."Crystal... I mean Cristine, I was worried and I... I just..." he sighed at napakamot pa sa ulo. "Just tell me you're okay, please?"

Just by looking at his frustrated, deep eyes, I already feel like I finally found my abode. I finally found my home.

I remembered their words. I am Crystal Gemlack-Soverthell and that only means that this man standing right in front of me with golden brown eyes is my father.

Nangilid na ang luha kong kahapon pa nagsusumamong kumawala. I badly wanted to hug and talk to him since yesterday pero hindi kami nagkaroon ng pagkakataon dahil nga naguguluhan pa sila sa mga nangyari. Pero ngayon, gusti ko nang ilabas ito.

"Dad..." basag ang boses kong niyakap siya kasabay ng pamumuo ng paghikbi.

This is the moment I have been waiting for so long, to know who my real parents are - my real parents who served as a mystery to me since the day I first stepped here in this world.

We are both cherishing the father-daughter moment. Sa higpit ng yakap niya sa akin at sa mga luhang ramdam kong tumutulo sa aking balikat ay alam kong kay tagal talaga siyang nangulila sa kanyang anak... sa akin. I was lost for 20 years and I sure know what that feels on his part. Masakit, malungkot, mahirap.

Noon sa mundo ng mga tao ay namuhay akong ang tita ko - si Nanay Kristina lang ang kasama ko dahil wala na ang biological mom ko sa pisikal kong anyo na si Nanay Cristia. Hindi ko tuloy naranasan kung paano magkaroon ng tatay.

Pero ngayong nakilala ko na ang tatay ko, sobra sobra ang saya sa puso ko. Na nabigyan pa rin ako ng pagkakataon na maranasan kung paano magkaroon ng isang ama na katulad ni Diamond.

Si Diamond, ang ama ng soul na nag-reincarnate sa katawan ko na ngayon ay ang bumubuo sa aking pagkatao. Ang tatay ni Crystal. Ang tatay ko.

"Anak..." lalo pa akong naiyak nang banggitin niya 'yon. My ears have flown away just with that. I was longing for this. I was yearning for this hug, for this perfect moment.

May narinig kaming tumikhin. "We don't want to ruin the moment but breakfast is ready." sabi iyon ni Queen Gwyneth.

Kasama nila si Daniel. Nakita ko ring nakaakbay si Yuan kina Queen Shayne at King Ralf. I am sure na nakapag-usap na rin sila. On the other hand is Sage. She looks upset. Sina Kierre at Lindrenne kasi ay hayun at mga nakasandal lang sa dinging, tila malalim pa rin ang iniisip. I feel bad for Sage all of a sudden.

Noong una pa naman na malaman kong isa si Sage sa apat ay hindi ako nagduda. Iyon ay dahil alam ko naman na magaling rin si Sage. She's smart and responsible. Just what a royalty upbrings. After all, her name Sage means Wisdom. Perfect to be the lost guardian.

Magique Fortress - Published under PSICOM (Diamond Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon