Chapter 49 - Who To Save

27.3K 882 101
                                    

Chapter Forty Nine
Who To Save

Baby... I have a baby inside me. I'm carrying our first child...

Paulit-ulit iyong tumatakbo sa isipan ko. Hinahalukay ang lahat ng emosyon ko ngayon at walang tigil na pinipiga ang puso ko.

"Tine, be honest with me, alam kong lagi kayong nag-iingat ni Val pero... paano nangyari ito?" mahinahong tanong sa akin ni Ellie habang pinapalis ang luha kong malayang umaagos.

Nakatingin ako sa malayo na umiling-iling, "Noong pumunta sila dito. Ipinapapatay ako ni Death kay Val. Inalo ko siya, nagbaka-sakali akong maibabalik ko siya sa dati. Ginawa ko ang lahat. May nangyari sa aming dalawa. Akala ko babalik siya sa dati. Akala ko ay maibabalik ko siya. Pero hindi. At ngayon, nagbunga pa ang sakripisyo kong nauwi naman sa wala." Paputol-putol at basag ang boses kong isiniwalat iyon kay Ellie. Nawawalan ako ng lakas. Pakiramdam ko'y pinapatay ako ng bawat salitang binibitawan ko. Nangangambang mabasag rin ang gutay-gutay ko nang puso.

Inalo ako ni Ellie at niyakap ulit. Pinipigilan kong humagulgol dahil natatakot akong baka hindi ko na magawang tumigil. "Shh, Tine. Hindi nauwi sa wala ang lahat. You're given the best blessing. Your baby..."

"Pero Ellie..." hindi ko na madugtungan ang sasabihin ko dahil sa tuluyang pagbuhos ng malaking takot sa akin. Ikalulunod ko ang mga pangambang ito. Alam kong makakasama ito sa baby pero hindi ko lang talaga alam kung paano pahihintuin ang ganitong klase ng emosyon. Isang matinding emosyon ang sumasakop sa akin at hirap akong makahanap ng paraan para makawala.

Nahimigan niya ang maraming bagay na bumabagabag sa akin ngayon. Hinigpitan niya ang yakap sa akin at pilit akong pinapatahan.

I'm on the verge of breaking down, literally and by all means, on the edge of the scariest pit ever known.

Niyanig ako nang buo sa balita. Alam kong isang biyaya ito pero hindi ko magawang maging masaya. Hindi ako makangiti. Hindi ako makakibo. Hindi ako makapagsalita. All I can do now is to cry and cry without uttering a single sound. Tulo lang nang tulo ang mga luha ko na kahit sariling paghikbi ay hindi ko na marinig. Para akong nabingi. Para akong nabulag, napilayan, at namanhid.

I received the perfect gift at the worst timing.

Kanina pa ako sinusubukang kausapin ulit ni Ellie pero hindi na ako nagsasalita. Hindi ko na magawang magpakawala ng ni isang salita sa bibig ko. Tulala ako kahit gustong gusto ko nang magwala.

I want to burst out but I'm exploding from within. Kaya mas lalong masakit. Unti-unting hinihigop ang katiting kong lakas.

Lumabas ng kwarto ko si Ellie dahil mukhang natunugan niyang gusto kong mapag-isa. She was also crying. She completely knows how dangerous my condition now is.

Siguro ay kahit ianunsyo ko sa lahat na mayroon na akong dinadala sa sinapupunan ko ay walang matutuwa. Bagkus, lahat pa nga ay matatakot at bibigyan ako ng simpatya.

Tandang tanda ko pa kung gaano kagustong magka-anak ni Valentine. Naalala ko rin kung ilan ang gusto niyang anak. Lahat ng ala-ala ay pumalibot nanaman sa utak ko, kumakalabit at humahaplos sa puso ko. Iyong pagiging excited niya na maging daddy. Iyong mga pangarap niya kasama ako. Iyong pangarap niyang magkaroon kami ng pamilya. Masayang pamilya.

Hindi ko na napigilan pang humagulgol. Sumubsob ako sa aking mga palad, pilit itinatago ang mukha kong puno ng kalungkutan.

Paano ako makikipaglaban kay Death ngayong buntis ako? Paano ko siya tatalunin kung alam kong malalagay sa peligro ang buhay ng anak ko?

Bago ko pa siya hamunin, buo na ang loob kong handang handa akong mamatay maisalba lang ang mundo namin. Handa kong ikamatay ang pagtutuos na 'yon. Dahil simula't sapul, alam ko namang hindi basta basta labanan ang pinasok ko. I know that it's not just the victory that Death wants. Ang goal ko ay matalo si Death habang ang kanya namang mithiin ay patayin ako.

Magique Fortress - Published under PSICOM (Diamond Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon