Chapter 41 - Cataclysmic Revelations

27.4K 1.1K 141
                                    

I-full blast na ang mga saloobin after reading this, 'wag mahiya. Haha! Sana mapa-comment na rin ang silent readers. Kaway-kaway!

I'm thanking everyone who are able to support MF, mula umpisa magpahanggang ngayon. Napamahal na ba sa inyo ang characters? I hope you can share and recommend this story to others too. \^.^/

xx pixie blade
==========
Chapter Forty One
Cataclysmic Revelations

Napaawang ang bibig ko at napatakip sa nakita. Nangilid na ang luha kong kay bilis mamuo. Nanginig ang labi ko sa saklap ng pangyayari.

Bihag nila si Val.

Duguan siya at sugatan. Nakatali pa ang mga kamay niya ng kadena at hawak ito ng isang traydor.

"Four legends, bakit hindi niyo kumpletuhin ang ritwal? Something wrong?" pangungutya ng isa pang traydor. Naghalakhakan silang lahat.


Nagpalipat-lipat ang nagdidilim kong mga mata sa mga traydor. Kanino ba ako magsisimula?

Kay Bethany, Adam, Oliver, Winona, Professor Finn, Professor Philia, Professor Reinhold, o doon sa tumatayo nilang pinuno?

All this time, napaliligiran na kami ng mga kalaban. Umpisa pa lang nariyan na pala sila at mga nakabantay sa amin. Gusto kong magmura at magwala.

Lumipat muli ang tingin ko kay Valentine at sa kanya ko na iginugol ang atensyon ko. Hindi na mapigilan ang luha ko na rumagasa sa kalagayan niya. He was intently looking at me, pleading for something I don't know. Gustong gusto ko na siyang kalagan mula sa kadena. Bakit nila binihag si Val? Bakit siya pa?


"Val..."

Magsasalita sana si Val nang bigla siyang pinigilan ng may hawak sa kanyang si Professor Finn. Hinarang ni Professor ang scepter niya sa bunganga ni Val kaya hindi siya makapagsalita.

"'Wag niyo siyang sasaktan!" pasugod na ako pero hinila ako nina Yuan at Daniel para pigilan.

"Aww. Nakakaawa naman pala." Narinig ulit namin ang halakakan nilang umaalingawngaw dito. Lumingon ako sa kaliwa't kanan para lang makumpirmang napapaligiran talaga kami ng mga kalaban.


Ang isa pang nakapukaw ng pansin ko ay ang buong Gemlack community. Kalaban silang lahat. Burn it! Pero ayon sa nakikita ko, para lang naman silang na-hypnotize. What's happening to them?

"Behold!" sigaw ng pinuno nila kasabay ang paglalakad palapit sa amin. Humarap siya kay Val. "The one and only stupid, pathetic, lost guardian, Valentine Archangel!" Nagsigawan sila ng 'boo' at mala-demonyong kinukutya ang pinakamamahal ko.


"How dare you-" Nilabas ko na ang wand ko at nagpumiglas kina Yuan pero masyado silang malakas makapigil. "Sht! Bitiwan niyo ako!"

Hindi nila pinansin ang sinabi ko. Sa halip, sumenyas ang pinuno at siyang nagsilabasan ang mga latigo nina Adam, Finn, Bethany, at Winona. What the actual fuc... No!

Pinaghahampas nila si Val. Walang awa. Walang habag. Bumagsak na siya sa lupa. Nanginig ako at umagos na ang aking luha at pagtangis. Tila tinuhog ang puso ko sa sakit. "'Wag... Tumigil na kayo. 'Wag niyo siyang pahirapan..." nangangatal ko nang sambit. Umaksyon na sina Diamond at nakipagtagisan ng salamangka.

Ngunit ang lubha ko pang ikinatakot, sa isang kumpas lang ng wand ng pinuno, tumilapon ang mga wand nila. Tumalsik rin sila at bumagsak sa lupa.

"Dad!"

Magique Fortress - Published under PSICOM (Diamond Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon