Chapter 59 - Written in the Stars

31.1K 928 197
                                    

Chapter Fifty Nine
Written in the Stars

"Don't move an inch," matigas na wika ni Valentine sa akin.

Parang unti-unting dinadaluyan ng lason ang mga litid ko sa pangyayaring ito. Three guns pointed at me. Ibang klaseng emosyon ang namumutawi sa akin ngayon.

Ikinasa nila ang mga baril. Napalunok ako at napapikit. Hinigpitan ko ang kapit sa aking baril. Anumang pilit kong maging matapang, parang tumitiklop na ang lahat sa loob loob ko. In spite knowing my serious condition, they chose to continue their mission.

Friendship stops with lost hope. Friendship ends with a stone heart. But friendship only dies at betrayal.

Should it always be the case? I don't even know how to mend traitors' hearts. Ginawa ko naman na ang lahat. Hindi ko lang inaakalang magic will overpower love and friendship this time. Hindi na tumatalab sa tatlo.

Ikinasa ko na rin ang aking baril

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ikinasa ko na rin ang aking baril. Hindi ko pa naihanda ang sarili kong isipin na kung hinihingi ng sitwasyon na saktan ko silang tatlo ay dapat kong gawin. I don't want to hurt them! What more to let them die because of me? I don't want to use the term kill, hindi ko iyon maaatim. But what should I do now? This is a matter of me versus them.

Someone who chooses to fight by all means should never surrender. Ever. This is what I'm dying to dig in as my legacy. I must keep up with what I'm fighting for.

Hindi ito pagiging martyr, ito ay paninindigan lamang.

"Ngayon na!" Bigla-biglang pagsigaw ni Yuan kasabay ng pagputok ng kanilang mga baril ngunit hindi naman sa akin pinatama.

Patuloy sila sa pagbaril sa aking likuran at paglingon ko'y may mga dark outcasts pala! Lumakad ang tatlo na tinatakpan ako, hinaharangan ako mula sa mga itim na halimaw.

"Ano sila?" Tila pinoproseso pa rin ng utak ko ang nangyayari.

They first pointed the guns at me for what? So it's only just for show then? Hindi naman pala talaga ako ang papuputukan nila kundi iyong mga outcasts na nasa likod ko lang pala all this time?

"Breenozals and Wardrons." Ani Yuan habang binabaril nila ang bawat isang outcasts.

"Breenozals, ang mga transparent spirits na once mapaikutan ka nila ay mababalutan ka ng matinding mga hallucinations hanggang sa hindi ka na makapag-isip ng tama at tuluyan mo itong ikabaliw." Paliwanag ni Val.

"How do you see them?" Siniksik nila ako lalo nang nagpumilit akong harapin rin ang mga kalaban.

"You don't have to open your eyes to see them. Open your other senses." Sagot niya.

Panay ang putok ng baril at puro mga alulong o di kaya nama'y pagsabog ang naririnig ko. Nakikita ko ngayon ang padami nang padaming outcasts na pinapaligiran kami.

"Ang Wardrons naman ang dark werewolves na ang pilit gagawin sa'yo ay ang kagatin ka o kalmutin. Kapag nakalmot ka ng isang Wardron, mabilis na mamamanhid ang parte ng katawan mo hanggang sa hindi ka na makagalaw at kakainin ka nila ng buo." Paliwanag pa ni Daniel.

Magique Fortress - Published under PSICOM (Diamond Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon