Chapter 43 - Devilish Desires

26.6K 972 135
                                    

October 25, 2015 update
Kakasimula lang po ng sembreak ko. Pasensya na guyth. Huwag kayo maghysterical hahaha!

At dahil birthday ko na bukas, mild warning ang lenggwahe sa chapter na ito. Votes and comments na lang regalo niyo sa'kin haha!

Love love,
salbaheng pixieblaire
==========
Chapter Forty Three
Devilish Desires

Ilipat ng kulungan ang Royalties, ikadena ang mga kamay, at tsaka pahirapan.

That was the order from Dreyxin's voice. Malugod kaming tumungo bilang pagtanaw ng pagsunod sa kanyang utos.

"Alam niyo na ang gagawin." Iyon ang huling sinabi ni Death bago sila umalis at pumasok ulit ng Realm.

"This will be easy." banggit ni Daniel sa tabi ko.

"And fun. Ano kayang pagpapahirap ang gagawin ko sa kanila?" paggatong ni Yuan at nilagay sa baba ang mga daliri, tila ba talagang pinag-iisipan ang gagawin.

"Rip their heads." suhestyon ko.

"Too fast, baby." tila ahas na gumapang naman ang kamay ni Val sa baywang ko kasabay ng paghuli niya sa bibig ko at sinimulan akong halikan. "Maybe we can leave it up to them, I want to take you over and over again right now."

Idiniin ko ang matutulis kong kuko sa leeg niya. What a feisty jerk. Ngumisi na lang ako at sinabayan muli ang halik niya.

"Ako rin Tine, I want to kiss you too." sabi ni Yuan kaya napatigil kami ni Val. Pumulupot rin ang braso niya sa baywang ko at akmang hahalikan na ako nang bigla siyang binuhat ni Val, sakal-sakal sa leeg tsaka tinilapon siya palayo.

"Bastard."

Narinig namin ang pagtawa ni Yuan nang bumangon ito kaya napailing na lang ako. Pinangunahan ko na ang pagbalik sa Black Realm. As I entered the kingdom, I inhaled the ambiance. I feel so strong, powerful, and dominating. And because of that, I want to do evil things that will fuel this feeling more.

"Now where are those Royalty idiots. Nanggigil na akong pahirapan sila." sabik pang sabi ni Daniel habang namimili ng latigo.

Ngumisi ako at tinapik siya sa balikat. Inutusan ko silang bilisan na ang kilos at sila na ang maglipat ng kulungan sa Royalties.

Hawak-hawak na nila ang Royalties gamit ang kadenang nakapulupot sa kanilang mga palapulsuhan sa kanilang likod. Napangisi ako pagkakita sa kanila na halos lahat ng mukha ay nagmamakaawa.

"Dalhin sila Dark Dungeons." utos ko.

Nagpupumiglas naman si Lindrenne. "Magising nga kayo! Hindi maaari ito! Huwag kayong magpapadala sa kanila!" sigaw siya nang sigaw. Nakakarindi.

"Mapapatay ko talaga 'yang si Death! Si Dreyxin! Ilabas niyo sila at nang magkaalaman na. Huwag silang mga duwag!" dagdag pa ni King Darius.

Nagdilim ang paningin ni Daniel at sinakal ito. "You shall not call bad names to our lord. At kung may dapat mamatay rito, kayo 'yun."

Humalakhak siya na sinabayan ni Yuan. Ngumisi naman kami ni Val.

"You can't kill Death. Death will kill you." Nang maintindihan ng tatlo ang pagkapilosopong kahulugan ng sinabi ko ay pumalakpak pa sila.

Nag-iiyakan ang tatlong babae at nagsusumamo pa ring magising kami sa katotohanan. Ano bang ginagawa nila? Ito ang katotohanan at wala silang magagawa. We're stronger than them. Lalo pa't ngayon, sa teritoryo nina Death at Dreyxin, walang bisa ang kanilang nga kapangyarihan.

"Sige na, bring them there now! Iwanan si Ellie Bernardo. Akong bahala sa kanya." Tumalikod na ako at nagpasyang pumunta sa silid nina Death para magbalita sa kanila.

Magique Fortress - Published under PSICOM (Diamond Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon