Chapter 68: Shaina's Birthday

1.5K 34 23
                                    

Mandie's Pov

"Nakahanda na ba ang lahat? " tanong ni  Mang Kulas.

"Opo, nakahanda na po. " sagot naman namin.

"Mabuti panga mga anak. Kanina pa tayo hinihintay doon ni Madam. Excited nanga yata kayong makita ulit. " nakangiting sabi niya

Tumango naman kami. It's the day. Birthday na ngayon ni Shaina at ngayon ay pupunta kaming lahat sa Nueva. Lahat kami, kahit labag man sa loob namin na isama sina Karl ay wala rin kaming magagawa dahil anak naman nina Tita 'yon.

Sumakay na kaming lahat sa mga sariling sasakyan namin. Ipinadala ni Tita si Mang Kulas dito sa Tuguegarao para sunduin kami at nagdala pa ng tatlong bus. Siyempre hindi lang kami imbitado maging ang mga kakilala naming ka schoolmates at classmates.

Nakasakay ako ngayon dito sa sasakyan ni Kuya Tadashie kasama si Trevor at Klint

Hindi ko alam kung masaya ba ang kaarawan na ito dahil ni kahit tumawag o magpakita si Shaina ay wala. Tinatawagan narin namin si Dielan pero isa rin 'yon na hindi sumasagot.

"Kuya, Kinakabahan ako. " sabi ko

"Why? " si Klint

"Ikaw si Kuya? sabat sabay ka diyan. " pagtataray ko

"Arte mo, ano nga?bakit ka kinakabahan? natatae ka ba? " aniya

"Gago!.. hindi ko kasi alam kung bakit basta kinakabahan ako. " sabi ko

"Huy, animal ka!  Nahahawa ako sa'yo. " sagot naman ni Klint

"'Wag nga kayong kabahan diyan. Kung ano ano iniisip niyo. " si Trevor

"Eh kasi naman baka hindi sumipot si Shaina. sayang regalo at suot ko. " reklamo ko

Sa totoo lang hindi naman talaga 'yon. Pinag-aalala ko ngayon ay baka nga talaga hindi siya sumipot kasi ilang araw namin siyang tinatawagan. Ilang araw namin siyang hindi nakikita.  Naalala ko 'yong sakit niya. Paano kung? ahhh.. hindi hindi.. Birthday niya ngayon! sisipot 'yon. alam ko

"Hindi niya bibiguin si Tita. Alam ko pupunta 'yon,chill kalang diyan. " prenteng sabi ni Klint pero hindi ako satisfied. hindi ko magawang magchill

Nanahimik nalang ako at andaming bumabagabag sa isip ko. Hindi ko na nagawang makipagsabayan sa katuwaan ng mga kasama ko.

Ilang oras pa kaming nasa byahe at sa wakas ay nakarating narin kami.Maggagabi na ng makarating kami. Kami ang huling nakarating.

Pagbaba palang namin ng sasakyan ay bumungad na sa'min ang mga sasakyan at ang mga taong naka formal attire na papasok ngayon sa bahay nina Tita. Wala paring pinagbago, ang laki parin.

"Let's go. " sabi ni Kuya, kinawit ko ang braso ko sa braso niya para bang 'yong sa may kasal gano'n. Siyempre gentleman ang kuya ko.

Naunahan lang siya ni Trevor haha.

"Goodevening,pasok po kayo. " sabi nung guard sa'min kaya sumunod kami.

Pumasok kami sa loob, pati dito sa loob ay ang daming tao. Buti walang magnanakaw. 

Lumapit sina Tita kasama si Tito na may malapad na ngiti.

"Mabuti naman at nakapunta kayo ng mga iho, iha. " sabi ni Tita habang nakangiti

"Siyempre Tita.  may chibugan dito. " sagot naman ni Klint

Tumawa lang si Tita.

Ibinigay namin ang mga regalo a iginaya niya kaming lahat sa pwesto nina Karl. Halos hindi na humiwalay sa kaniya si Tita. Pinakilala na kasing siya 'yong nawawala kaya ayan. Halos hindi na sila mapaghiwalay.

 My School Mate (Editing) Where stories live. Discover now