Chapter 28

542 29 0
                                    

DWIE'S POV

Niyaya ko muna dito sa garden si Charise. Hindi panaman nagsisimula yung magaganap eh. Pumayag naman sya dahil wala naman kaming masyadong ginagawa sa camp kundi ang umupo lang.

"Buti nalang talaga nakaabot ako dito." nakangiting saad niya

"Yes, And i'm happy kasi andito kana ulit."

"Buti hindi mo naisipang maghanap."

"May isang salita ako, Pag sinabi kong maghihintay ako gagawin ko talaga yun."

Hindi sya umimik .Lumingon ako sa tabi ko nakita ko syang nakatingin sa kung saan. Mas lalo syang gumanda kaysa dati hindi ko sinasabing siya maganda, Ang poit ko ay mas lalong nadagdagan ang ganda niya. I know na simula pa nuon ay naloko niya ako pero bakit hanggang ngayon ay siya parin ang mahal ko. Siguro ganto lang ako magmahal hehehe.

"Sigurado madaming naghabol sayo dun." Nakangiting saad ko

nilingon niyako ng salubong ang kilay

"H-ha?... K-kahit naman meron hindi k-ko pinatulan." utal utal na saad niya

"Imissyou babe." asik ko sa kanya

"Imissyoutooo"

Bakit walang babe?..  Bakit pag nag a imissyoutoo or iloveyou sya sakin wala akong maramdaman kilig o kung ano pa.

nvm baka lang hindi na nasanay kasi matagal hindi nagkasama.

"I know that she likes you." Saad niya pero hindi sa akin ang tingin.

Napatitig ako lalo sa kanya. Sino binabanggit niya?

"Si Shaina" sunod na aniya

Nagulat ako sa sinabi niya. Wala akong masabi nanuyo yung lalamunan ko .Ayaw bumuka ng mga bibig ko.patuloy lang ang pagtitig ko sa kanya

Nasa ganoong posisyon pa ako ng muli syang nagsalita.

"Do you like her? "

Mas lalo pa akong nagulat at nag iwas ng tingin. "H-ha?, Noo i don't like her." yun nalang nasabi ko

"Hmm yeah sabi mo eh may tiwala naman ako sayo." tatango tangong saad niya

"And besides hindi ko na kailangang magkagusto pa sa iba, Because you're good enough for me." malambing na saad ko

"Kinikilig naman ako sayo." aniya na talagang kinikilig nga dahilan ng pagpula ng pisngi niya.

Napangiti naman ako " Ngayong kasama mo ako araw araw kanang kikiligin."

"Sus kahit kailan dika nagbago"

"Hindi na'ko magbabago."

"D-dwiee?? "

Napatingin naman ako uli sa kanya

"C-can i kiss youuu? "

Nagulat ako sa sinabi niya dahil kahit kailan ay hindi ko sya hinalikan.Kahit alam kong hindi ako ang first kiss niya.
Magsasalita pasana ako ng dumampi na ang labi niya sa mga labi ko. Na mas lalong ikinalaki ng mata ko

Gumagalaw na mga labi niya tapos nakapikit pero hindi parin ako makasunod dahil sa gulat.Saglit pa sa halikan naming dalawa may natanaw akong babae malapit sa gate nitong garden ,Nakatayo lang sya duon at alam kong nakatingin samin

Inaninag konang mabuti kung sino yun at mas lalo nagulat ako kung sino yun. Si

SHAINA

Nakatitig ako sa kanya at nakita kong pinupunasan yung oisngi niya ng paulit ulit. 'Umiiyak ba sya?...  Hindi ko alam pero ako na ang kusang bumitaw sa halikan namin ni Charise.

 My School Mate (Editing) Where stories live. Discover now