Chapter 47

539 22 2
                                    

Dwie's Pov

Hindi ko na sila pinansin at nanginginig akong lumapit  sa pwesto ni Shaina. "Bangon na diyan. Tutuparin mo pa pangako mo diba?  sabi mo sa'kin iyan kagabi. Gusto kong lumayo ka Shaina pero hindi iyong ganitong paraan. bumangon kana. " tuluyan ng nahulog ang mga luha ko na kanina pa namumuo sa mga mata ko

Napayakap ako sa kaniya. wala akong pakielam kung anong isipin nila. Ilang saglit pa ng naramdaman kong may mainit na hangin ang tumatama sa Ulo ko tinignan ko iyon at nakita ko siyang nakangiti.

Gulat akong napatayo at tumingin sa kaniya. Gano'n nadin ang mga kasama niya.

"S-shaina b-buhay ka. " si Jasper at pinunasan ang pisngi at mata na puno ng luha.

Hindi ako nakapagsalita ng nakatingin lang siya sa'kin habang nakangiti. Para akong nabunutan ng tinik ngunit nangingibaw din ang inis ko dahil sa nangyari. Halos ilabas ko na luha ko tapos ngayon may gana pa siyang ngumiti

"Sira ka ba?  pinag alala mo kami akala ko mawawala ka sa'min. " si Jasper

Iniwas ang tingin sa'kin. "P-pwede ba 'yon." tsaka pinilit na tumayo

"S-sabi nung Doctor hindi na nakayanan ng katawan mo at hindi kana humihinga."

"Pinag alala mo kami ng sobra dahil sa ginawa mo. "

"Sinabihan ko si Doc na sabihing kunwari wala na'ko at.... Aray naman. " napadaing siya dahil kinotongan siya ni Jasper

"Halos nasapak kona iyong doctor dahil sa mga sinabi niya. tapos hindi naman pala totoo. "

"Hala ka. " aniya ng natatawa

"Bakit ba kasi kailangan mo pang gawin iyon ha? "

"Wala lang gusto ko lang. Wag na kayong Oa diyan buhay pa ako. " sabay tingin sa'kin "Iiyak ka din pala kapag nawala ako eh. "

Nanlaki naman ang mata ko at biglang uminit ang mukha ko. "A-anong umiyak? hindi ako umiyak? "

I heard her chuckled "Talaga lang ha, Kaya pala may pa yakap yakap kang nalalaman ." saad niya

Sinamaan ko siya ng tingin pero mas lalo lang siyang natawa. Nakakaasar bakit kailangan pa kasing magbiro siya ng gano'n.

"Eh iyong Doctor!  sabi niya may heart disease ka totoo ba iyon? " si Jasper

Napatigil bigla siya at nag iwas ng tingin ngunit pilit ding ngumiti.

"Kasama iyon sa Pambibiro ko. " tsaka siya natawa

Babatukan na sana niya ngunit hindi na naituloy nang makita ang kalagayan niya.

"Kailangan napo namin siyang ilipat sa sa private room. Sumunod nalang po kayo. " saad nong nurse kaya sumunod naman kami.

Sumunod nalang kami sa kwarto kung san siya dinala.

Sobra ang kaba ko na akala ko patay na siya pero lintik ang lakas ng tama niyang magbiro ng ganon. Naiilang na tuloy akong tumingin sa kaniya. Kapag nagtatama ang tingin naming dalawa todo ang ngiti niya. Nakakailang

"Wala na bang masakit sayo Shaina? " si Donald

Lumingon siya dito "Hindi naman siguro ako manhid ano. "

Inismiran niya lang naman tsaka bumubulong. Mukhang siraulo

"Sina Tadashi papunta na din dito, Hintayin nalang natin. "sabi ni Jasper

Tumango tango nalang sila. "Ayos na ba sina Mandie? "

"Yeah, Nagpapahinga nalang sila. "

 My School Mate (Editing) Where stories live. Discover now