Chapter 57

580 25 4
                                    

Trisha's Pov

"Oh ano?  ok ba? ang galing ko talaga. " hinihingal na sambit ni Mandie

"Kung kaya mong gumiling please shut the fuck up! intramida ka akala mo napakagaling mong gumiling para kanamang bulate na binubudburan ng asin. " sigaw ni Klint sa kaniya

Tinapunan niya ito ng masamang tingin saka hinubad ang sapat at walang pasabing tinapon 'yon kay Klint na nakailag naman habang tumatawa.

Andito kami sa gymn, nagpapractise ng sayaw na ipeperform namin bukas may grade's to e. Kulang panga kami ng isa dahil wala si Shaina. Gumawa pa kami ng excuses para sa kaniya. 

"Eh ikaw? kung makasayaw ka parang napakagaling mo... " pagtataray ni Mandie

"Magaling talaga ako. " pagmamayabang niya

"Ulul!  Kung sumayaw ka para kang kinokoryente may panginig nginig pa. ano sinasayaw mo, robotic? "

Tawa lang kami ng tawa dahil sa pinag aawayan nila eh parehas naman silang hindi marunong sumayaw.

"Andiyan na pala si Shaina. " biglang sigaw ni Mia at nakatingin sa may pintuan ng Gymn. papasok na siya kasama si Dwie.

Hinintay namin silang dalawa na makalapit sa'min. Parang nagkakailangan pa silang dalawa.  namumula ang buong mukha ni Shaina.

"Saan kayo galing?  Bakit ngayon lang kayo?" sulpot ni Klint

"Diyan lang. " si Shaina

"Saan?  bakit ka namumula? may sakit ka ba? "

"H-hindi,naiinitan lang ako. " ngumiti ito

"Eh, teka,  Saan ba kayo napadpad ni Dwie?  siguro nag honeymoon na kayo nuh? "

"Oy gago!  hindi.  p-pinunta niya lang ako sa secret garden ng lola niya... A-ang ganda dun sa susunod kayo naman ang pumunta. " kwento ni Shaina

Nagliwanag naman ang pagmumukha ng mga kasamahan ko.

"Inalagaan mo ba 'tong kaibigan ko? " pagtataray nanaman kaagad ni Mandie kay Dwie

"Oo naman. " maikling sagot niya "I have to go, kanina pa ako hinihintay nina Drake. "

"Osige bye. " kami

Humalik siya sa noo ni Shaina na mas lalong ikinapula niya. Lumingon lingon pa ako para hanapin kung andito ba si Charise. pero wala naman, bakit niya hinalikan? hindi kaya!

"Hoy, babae,  Ano? Official na ba kayo?  Kasi wala naman dito si Charise pero hinalikan ka sa noo. " kinikilig na sabi ko

Umiling siya dahilan ng pagkabagsak ng balikat ko. Sayang, akala ko naman totoo nang sila. Kupal talaga itong Dwie. tagal gumalaw mamaya maunahan.

"Eh sa'n nga ba talaga kayo nanggaling?" paulit ulit na tanong ni Klint kay Shaina, tapos ito naman paulit ulit din ang sagot nito.  Hindi talaga makuntento sa isang sagot ang mokong na'to.

Pare-parehas na kaming naglalakad papuntang canteen ngayon para kumain. As usual, gano'n parin nagkakailangan ang dalawa. Medyo hindi ko gusto ang iwasan nilang dalawa. nakaka curious, gusto kong magtanong pero hindi ko magawa.

Pansin ko din na gusto ng kausapin ni Dwie ang kaibigan ko pero hindi niya magawa gawa.




Shaina's Pov

Naiilang parin ako hanggang ngayon. Gusto ko siyang kausapin pero hindi ko magawa.  Muntikan konang ibigay ang dangal ko kanina, dulot nang kung anong sensasyon na nararamdaman ko sa tuwing magkalapat ang labi naming dalawa tapos nararamdaman kopa ang mga palad nito sa balat ko.

 My School Mate (Editing) Onde histórias criam vida. Descubra agora