A.
Nagising si Shaina dahil sa ingay na nanggagaling sa banyo nito, tinignan niya ang oras ay pasado Alas sais palamang. Sabado kasi ngayon kaya wala silang pasok. Kinusot kusot niya ang mga mata nito at naglakad papuntang banyo.
Nakita niya ang kaibigan na nanghihinang nagduduwal sa may lababo. hindi na bago sa kaniya ito dahil nung mga makalipas na araw ay gan'to din ang nangyayari sa kaniya.
Inaantok siyang hinahagod ulit ang likod nito ng paulit ulit.
Pagtakatapos ay hinarap niya ito.
"Ayos na ako, sorry nagising pa kita. " paumanhin ng kaibigan sabay mumog
"It's alright, Ayos kana ba? " inaantok paring aniya sabay hikab pa
Ngumiti ang kaibigan "Oo naman, salamat. "
"Mabuti, sige na, mauna kana sa kusina maghihilamos lang ako tapos maliligo narin." ani nito
Tumango naman si Thea at pumunta sa labas, nangingiti na lamang ito habang nakaupo sa sala, hindi niya kasi lubos na inaakala na aalagaan siya ng ganito ng Shaina, maging ng mga kaibigan niya. bukal sa puso nila ang pagtanggap sa kaniya. Sobrang swerte niya dahil sa ganitong paraan mapapalaki niya ng maayos ang mga baby niya.
Sa kabilang banda, natapos na sa pagligo si Shaina, lumabas ito ng kwarto habang pinapatuyo ang buhok niya. Nakita niya si Thea na nakahiga sa may sofa, sinilip niya ito at nakitang natutulog pa. siguro napagod na sa kakasuka
Nagluto siya ngayon pagkatapos ay ginising ang kaibigan niya.
"Thea, gising, kakain na tayo. " niyugyog pa ang kaibigan
Nagising naman kaagad si Thea tsaka nag inat, kapagkuwan ay umupo ito pero papikit pikit pa ang mga mata, napatawa nalang ng mahina si Shaina.
Habang kumakain ay may kumatok aa pintuan nila.
"Ako na." presinta ni Thea, hinayaan nalang ni Shaina
Pagkabukas na pagkabukas ay bunganga kaagad ng mga kaibigan ang narinig galing sa labas ng condo niya.
"Goodmorning, bakit kayo naparito? " tanong kaagad ni Shaina pero may laman pa ang bunganga
"'Yan kaagad tinanong mo? hindi mo manlang ba kami pakakainin? " nadidismayang tanong ni Trevor
"Sakto sa aming dalawa ang niluto ko, maglaway kanalang diyan. " pambibiro nito
"Tsee, pero teka, bakit hindi pa kayo nakapagpalit? diba lalabas tayo ngayon?" aniya
Nagulat naman ito malalaking mata na tinitigan ang mga kaibigan, kaya pala andito silang lahat maliban sa boyfriend niya. Wew! ,pero bakit ang aga naman yata
Binilisan niya kumain tsaka nagpalit ng masusuot, naka croptop siya ngayon tapos naka high-waisted na jeans kaya't hapit na hapit ang kurba ng katawan nito. Maging si Thea ay ganun din ang suot pero naka jumper, bawal maipit ang baby.
"Hindi mo ba isasabay ang boyfriend mo? " diniinan pa ni Klint ang salitang boyfriend.
kahit gustuhin niya man "Kailangan paba 'yon? hindi naman kasama sina Charise e. "
"Akala mo lang, itong si Trevor niyaya si Lincoln kaya ayun sinama din si Charise." nnagungusong saad ni Klint
Aligagang kinuha ni Shaina ang Shoulder bag niya lumabas ganun din ang mga kaibigan niya. Hindi siya nag dalawang isip na katukin 'yon, binuksan naman kaagad ni Dwie. napatitig din siya ng panandalian nang nakita niya kung sino ang kumatok
![](https://img.wattpad.com/cover/228371318-288-k334452.jpg)
أنت تقرأ
My School Mate (Editing)
قصص المراهقين(COMPLETED) She's Rich, Beautifull inside and out, Smart ,Kind and most of all caring. Pero dahil sa hindi inaasahang magaganap ay mababago ang buhay niya at buhay ng mga minamahal niya dahil lang sa isang hindi inaasahang trahedya. What do you th...