Chapter 66

631 30 1
                                    

Mandie's Pov


P. E time, andito kami sa field para maglaro ng soccer kunnu.  Pero hindi rin naman kami naglalaro dahil busy 'yong teacher namin. Nakakabagot naman kasi, kung gan'to lang araw araw na palaging walang ginagawa edi sana hindi nalang ako pumasok.

At eto pa, alam nanga ni Shaina na may sakit siya ay nagawa niya paring pumasok. Wala naman kaming nagawa dahil, sabay silang dalawa ni Thea na pumasok. Gusto niyang maglaro ng succer pero hindi na kami pumayag. Dahil,baka lumala pa ang sakit niya.

"Tara na kaya sa Canteen.  Wala naman tayong ginagawa dito eh. " si Klint

"Sabihin mo gutom ka nanaman. " sabat ko

"Ako naman gagastos. "

Inirapan ko siya

"Sa Mini park nalang muna tayo. " si Shaina "Kuhanin mo 'yong gitara Mr. Ramirez, Kanta tayo. " nakangiting aniya

Nagningning naman ang mga mata ni Klint. Ganiyan talaga ang palaging reaksyon ni Klint kapag sinasabi ni Shaina na kakanta siya. Para siyang bata na naeexcite kapag gano'n ang nangyayari. Gustomg gusto kasi ni Klint si Shaina lalo na kapag kumakanta ito. Maging ako ay nagagandahan sa Boses niya. Damang dama ang mga linyang binibitawan niya kapag kumakanta.

"Teka." pigil ni Thea "Ayos lang ba na umalis tayo? Baka bumalik si Mr. Asuncion. Baka hanapin tayo pagbalik. "

"Hindi na 'yon babalik kapag once na iniwan kana 'wag munang hintayin pang bumalik. " wow! Nangunot naman ang noo namin sa sinabing 'yon ni Shaina

"Oo nga, 'wag na nating hintayin na bumalik 'yon. Tara na, gusto ko na ulit marinig si Shaina na kumanta. " aya ulit ni Klint saka kami hinila. nagpahila naman kami

Andito na kami sa mini park, hinihintay namin si Klint dahik hineram niya 'yong Gitara ng Lecturer namin sa Music. Close silang dalawa ni Klint dahil sipsip ang lalaking 'yon, makahigop lang ng mataas na grades ay gagawin ang lahat.

Joke lang, ngpupursigi naman talaga si Klint sa pag-aaral kaso minsan hindi maiwasan ang pagkasipsip niya. Hehehe

Ilang minuto pa kaming naghihintay dito at dumating narin si Klint habang hawak hawak ang gitara at parang naeexcite na nga talaga siya. Mabilis siyang lumapit kay Shaina at iniabot ang gitara

"Dali, kunin mo'na. " naeexcite na sabi ni Klint, kinuha naman kaagad ni Shaina

Naupo na kaagad si Klint sa harap namin, ngunit na kay Shaina ang tingin. Pwede ba siyang kumanta? May sakit siya eh. Baka masira ang boses, mamaos.

"Ano bang kakantahin ko? " she asked Klint

Nag-isip naman si Klint, ng nakaisip na ito ay nakangiti siya saka nagsnap sa harap ni Shaina

"Alam kona, I'll never go by Nexxus. "

Eh? Team song niya 'yan do'n sa crush niya dati eh.

"Please, 'yon na. Gusto ko ulit marinig." parang bata na nagmamakaawa

Napahagikgik naman si Shaina saka tumango at pinwesto nag gitara sa legs niya. Kinalabit niya pa muna 'yong mga strings ng gitara. Si Klint naman ay hindi na maipinta ang saya sa mukha at sabik na sabik na itong marinig. habang si Thea naman nakaupo lang habang natatawang nakatingin kay Karl at ako nakatingin din ako kay Shaina na ngayon ay wala ng emosyon ang mukha.

Salubong lang ang kilay nitong nakatitig sa gitara. 

Sinimulan niya ng kalbitin ang strings. Intro daw muna.

 My School Mate (Editing) Where stories live. Discover now