Chapter 53

608 23 8
                                    

Shaina's Pov


Kalalabas ko lang sa sasakyan ni Dwie, oo, sinabi niya kasi na simula daw ngayon siya na ang kasabay ko pabalik at papunta sa school si Thea naman sumabay siya kina Trisha

Ewan ko ba sa mga 'yon kung bakit sakay na sakay sila sa trip naming dalawa .

"Hindi mo na kailangan pang isabay ako, Dwie. " ani ko sabay ayos sa skirt na nakusot dahil sa pagkakaupo

"Kailangan, obligasyon ko 'yon bilang boyfriend mo." tinitigan ko siya tsaka ako malapad na ngumiti "I mean para mapaniwala natin silang totoo ang relasyon natin. "

Nawala ang ngiti sa labi ko, inirapan ko ito at naunang naglakad papasok. Sa tuwing sinasabi niyang mapaniwala or pagpanggap parang gusto ko na tuloy bigwasan si Dwie. kailangan niya pabang ipagdikdikan ang mga salitang 'yon.

Halos mapatalon ako dahil biglang umakbay si Dwie sa'kin at bumulong

"She's here. "

Napabuga nalang ako ng hangin, sa sobrang lapit ng katawan niya sa'kin ay hindi maalis ang mabilis na kabog sa dibdib. Sanay akong may umaakbay na lalaki sa'kin pero lalo na kapag sina kuya Jas, o 'yong ibang mga kaibigan ko pero iba ang nararamdaman ko kapag si Dwie ang umaakbay.

Ramdam namin ang paglapit ng mag asawa sa'min. simula kasi nung nalaman ni Dwie na mag asawa na sila, si Lincoln narin ang palaging kasabay niya. siguro magkasama na sila sa iisang bubong

"Goodmorning Dwie. " nakangiting bati ni Charise

Pilit na ngumingiti ito "G-goodmorning din."

Ako hindi mo babatiin?  kunsabagay hindi naman na good ng morning ko

"Why are you stuttering?" may malapad na ngiti ito

Nilingon ko si Dwie na kanina pa pala nakatitig dito, ang walang hiya!  Sabi na nga ba't naiilang parin ito kapag kasama ang mga 'yan.

"Ha? hindi, nagulat lang ako. " pinilit niyang hindi mautal

"Mukhang sabay kayo ng 'Girlfriend mo." diniinan pa

Malamang,kita mona nga . tsk,umirap nalang ako sa side ko para hindi niya makita

"Yes, Simula kasi ngayon sabay na kami palagi sa pag uwe at pagpasok,ayaw ko kasi na nalalayo siya sa'kin. baka mamaya papasok siya, dumugin na siya ng mga kalalakihan and i don't want that. gusto ko kasi ako lang ang pwedeng lumapit sa kaniya. " malambing na saad ni Dwie

Salubong naman ang kilay niyang nilingon ako. uhm!  ganiyan nga,namnamin mo 'yong sakit, hudas ka.

"Why? May sasakyan naman siya, kaya niya rin naman magdrive. "

"Bawal ba kaming magsabay? parang ang sakit pa ng loob mo ah." sarkastikong tanong ko

"No, i mean, 'diba dati hindi naman kayo mahilig na magsabay na dalawa. "

"Kaya nga sinasanay na naming magkasabay palagi,para naman hindi na kami mailang sa isa't isa. " ani ko

Kita ko ang pag irap niya tsaka humawak sa kamay ni Dwie. Sa sobrang gulat nito hindi niya kaagad naalis kaya kinabig ko ito palayo sa kaniya

"Braso ng boyfriend ko ang hinahawakan mo, Ayon ang braso ng asawa mo." sabay turo ko kay Lincoln sa tabi niya

Umirap siya ulit at dun humawak. Gagong 'to, napaghahalataan amputa!  ngudngod ko kaya sa sahig ang makapal na pagmumukha nito.

"Hanggang dito kana lang, love." malambing na saad niya.

Tumigil kami sa tapat ng building, nilingon ko ang dalawa at kingina, tumigil din sila

 My School Mate (Editing) Where stories live. Discover now