Chapter 58

556 23 2
                                    

Shaina's Pov

Dalawang araw na akong hindi pumapasok. Simula nung isang araw ay parang bumigat ng sobra ang pakiramdam ko. Sakto, wala naman akong balak na pumasok lalo na kapag nakikita ko si Dwie at Charise na magkasama.

Nagtetext sila sa'kin pero ni isa wala akong nireplyan. Si Thea lang ang nakakaalam na ayaw ko pumasok. Sinasabi ko nalang na sabihin niya sa kanila na tinatamad ako. hinabilin ko din sa kaniya 'wag na munang magpapapunta na kahit na sino dito

Nasasaktan ako nung mga araw na 'yon, Parang napupunta lang sa wala 'yong pagpapanggap namin dahil bakas parin na mahal niya ito. Nagpapasalamat ako kay Trevor dahil andun siya, kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko sa mga sinabi niya.

Dahan dahan akong tumayo galing sa kama, Umiikot ang buong paligid ko. Umupo ako ulit sa kama saka huminga ng malalim, inalog kopa ng kaunti ang ulo ko.  nang nakaramdaman na ako ng kaginhawaan ay lumabas ako ng kwarto at dumiretsyo sa kusina saka kumuha ng tubig

Habang tumititig ako sa kisame at lumalagok ng tubig ay may nararamdaman akong Umaagos palabas sa ilong ko. Dahan dahan kong hinawakan 'yon at laking gulat ko nalang ng dugo ito. Dumudugo ang ilong ko.

Sa sobrang kaba na naramdaman ko ay mabilis akong naglakad palabas ng unit ko. Nagmaneho ako papunta sa Hospital. Hinanap ko 'yong doctor na nag assist sa'kin nung huling na hospital ako.

"Doc, anong resulta? " tanong ko sa kaniya habang siya ay nakaupo sa swivel chair niya at nakatingin sa mga papel na hawak hawak niya.

"Ano ang mga nararamdaman mo pagkatapos kang lumabas dito? " aniya

"Nung una, wala naman po ayos lang ang pakiramdam ko. nakakahinga din po ako ng maayos. Pero kinabukas may mga pantal pantal akong nakikita sa parte ng katawan ko.  Nung una akala ko langgam lang or lamok na kumagat sa'kin pero sunod sunod na po 'yon. Hanggang ngayon meron parin po. Tapos nakakaramdam ako ng pagkahilo. Ngayon naman dumudugo po ang ilong ko kanina. " huminga ako saglit ng malalim "I was nervous so i hurried to come here. just now it happened to me."

Diretsya niya'kong tinignan saka umiling iling. na ikinakunot ng noo ko





Dwie's Pov

Dalawang araw na. Dalawang araw na niya'kong hindi kinakausap pagkatapos ng nangyari nung nakaraang araw. Hindi ko alam kung galit ba siya dahil sa nangyari sa'min dun sa garden o dahil sa ginawa kong pagsusuntok sa kaibigan niya dahil kay Charise.

Gusto ko siyang lapitan nung mga oras na 'yon pero wala akong lakas na loob para gawin.

"Pumasok daw ba? " tanong ni Donald kay Trevor nung tinawagan nila sina Mandie

Umiling ito "Tinatamad parin daw sabi ni Thea. " sagot nito

"Ilang araw na siyang tinatamad ah. baka may sakit naman 'yon. "

"Kung may sakit 'yon,magsasabi naman siya."

Bumaling ang tingin ko kay Karl ng kalabitin niya'ko.

"Kinausap kana ba? " tanong niya sa'kin

Alam kona kung sino binabanggit niya, kinwento ko kasi sa kaniya

Umiling ako "She didn't texted me . Ni replyan nga ako ay hindi niya ginawa. " usal ko

Huminga siya ng malalim "Hayaan mo, kakausapin ko ang kapatid ko mamaya." usal niya

Ngumiti ako sa tumango na lang at hindi na nagsalita pa. May mali na akong nararamdaman at hindi ko maipaliwanag 'yon.

Paano kung magsawa siya? Pero hindi, kasi nangako siya sa'kin e. Tutulungan niya'ko mag move on. Pero nasasaktan ko na siya at kapag nakikita ko siyang nasasaktan ay nasasaktan din ako.

 My School Mate (Editing) Where stories live. Discover now