Chapter 43

584 23 0
                                    

SHAINA'S POV

Goodmorning

7:30 na ako nagising, sa sobrang pagod kagabi kaya parang kulang pa ako sa tulog.

Habang naliligo ay naalala ko yung mukha ni Karl kagabi no'ng binigay ko sa kanya ang Sasakyan. Sobrang saya niya para siyang bata na nabigyan ng madaming ice cream.Yung ngiti na parang nakakapangpawi ng mabigat na nararamdaman.

Hindi ko aakalaing matagal kona pala nakakasama ang kapatid ko. Yung lalaking malapit sa'kin. Yung lalaking nawala sa buhay namin ng ilang taon. Yung lalaking laging nagpapagaan ng loob ko. Yung lalaking iniingatan ako. 
Masaya ako sobrang saya ko. kagabi gusto kong sabihin sa kanya na 'Ako ito 'yong kapatid mo. Pero hindi ..hindi ko nagawa. Ang hirap pala dahil kahit isa wala siyang maalala na bahid nang nakaraan. Hindi niya man lang naalala ang Ina naming dalawa.

Karl Marquez. I know now that you're my brother.

Sigurado ako dahil kita ko mismo sa bahay nila lahat ng larawan na nakapaskil sa mga dingding nila. Kaya pala gano'n nalang reaksyon ng mga kasambahay ni Kuya Dielan. Itsura palang.Pero bakit? bakit hindi mo ako..kami maalala.

Napadaing ako sa sakit na naramdaman ko dahil sa pasa malapit sa labi ko.Sariwang sariwa parin pala talaga yung pasa.

"Lintik ka hippopotamus. Babalikan din kita."

Pagkatapos ko maligo nagpalit na'ko agad. Sinabihan kona yung iba na 'wag na nila akong hintayin pa dito, sa school nalang ako hintayin.

Napadaan muna ako sa isang coffee shop para magjuice

biro lang

After no'n dumiretsyo na'ko sa school. pinark ko na ang sasakyan ko at naglalakad papasok sa Campus. At siyempre hindi parin mawawala ang mga bulungan. Nakakaasiwa mgbubulungan nanga naririnig pa.

Habang naglalakad natanaw ko ang apat na kababaihan ang nagkukumpulan malapit sa canteen. Dahil sa chismosa ako ay nilapitan ko 'to

Papalapit na'ko ng natatanaw kong may isang babae na nakaupo ngayon sa sahig. Bully nga naman. Nang Makalapit na'ko.

"Ano?  Ang landi landi mo"

"Tignan mo tuloy ang nangyari sa'yo napakatanga mo talaga."

"Akala mo naman talaga seseryosohin siya ng boyfriend mo Danna. "

"Tsk. Parausan lang naman 'yang babae na'yan hindi konga alam kung bakit kopa ng naging kapatid 'yan. "

Dinig kong kwentuhan nila habang dinuduro duro ang babae nakaupo ngayon sa sahig habang nakayuko.
Teka kilala ko'to ah. Danna? wait a minute si Thea.

"Pagilid." sigaw ko sa kanila

Silang apat ay napaharap sa'kin. Tinignan ko kung sino yung babae na nakaupo sa sahig at tama nga'ko si Thea nga'to , Bumalatay sa mukha niya ang lungkot. Mas lalo akong naawa sa kanya ngayon.

"Ikaw nanaman? " ito yung Danna

"Langya naman Danna. Kapatid mo 'yan diba? " saad ko pero dahil sa may sayad ata ang babeng ito ay tumawa pa.

" 'yan? " sabay turo kay Thea " I don't care if she's my sister. at ano bang pakielam mo kung ginaganyan namin yan.Bagay lang sa kanya 'yan. "

Lintik kang yawa ka.

Imbis na sagutin ko siya ay naglakad ako papalapit kay Thea mamatay na magreklamo kapag nabunggo.

"Stand up. " nakangiting saad ko.

Pero sa loob loob ko gusto konang pagsasasapakin ang apat na karengkeng na'to.

 My School Mate (Editing) Where stories live. Discover now